21

12.5K 297 14
                                    

Married




                      "Let's get married then."

Wala sa sariling nagpahila sya kay Hellion patungong sasakyan nito. Hindi parin kasi maproseso ng sistema nya ang sinabi nito. Oo nya't pumapayag na syang magpakasal sa binata pero hindi naman nya aakalaing ngayon na sila magpapakasal dahil lang sa sinabi nyang hindi sila pwedeng gumawa ng milagro hanggat hindi pa sila kasal.

"E-engineer, wait..." Tawag nya sa binatang hila hila parin sya. Tumigil ito at hinarap sya.

"You called me what?"

"Engineer." She answered clueless. Magtatanong sana sya pero bago pa sya muling makapagsalita ay naramdaman na nya ang malambot na labi nito sa labi nya. She tried to push him dahil baka may makakita kanila but he didn't let her, instead he pulled her nape to deepen the kiss. Wala syang nagawa kundi tugunin ang matamis nitong halik. Gusto nyang kabigin ito pabalik ng bigla nitong putulin ang halik ngunit pinigilan nya ang sarili.

"Did I told you already that everytime you call me Engineer it feels like your seducing me, if yes? Then I'm telling you baby it's effective." Her cheeks turned into crimson red. She is not seducing him for pete's sake.

"I'm not seducing you! Baliw kana!" Patay malisya nyang asik sa binata.

"Yes baby, baliw na 'ko. Baliw na baliw sa'yo." Sh*t, ang corny pero kinikilig parin sya. Pinigil nyang mapangiti sa banat nito. Para silang teenager na nagliligawan.

"Ang corny!" Pang aasar nya rito kahit kinikilig sya.

"Napakilig ka naman." At talagang tinawanan pa sya, masyado na bang halata na kinikilig sya sa mga banat nito kahit pa corny. Hindi na lang nya ito pinansin at nauna ng naglakad.

"Hey baby," pigil nito ng tangkang sasakay na sya sa kotse nya.

"Ano!" Inis nya itong hinarap. Nagulat pa sya ng bigla sya nitong kabigin para sa isang mahigpit na yakap.

"Sh*t, sorry na misis ko, sa kotse ko na tayo sumakay." Gently, he said. Napaiwas sya ng tingin, bakit ba ang bilis mawala ng galit nya kapag si Hellion ang pinag-uusapan. Siguro gano'n talaga kapag mahal mo.

Pinagbuksan sya nito ng pinto at patakbong tinungo ang driver's seat. Mabilis nitong minaobra ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" She asked out of curiosity.

"City hall." Tipid nitong sagot habang tutok parin sa pagmamaneho. Her forehead knotted.

"Anong gagawin natin doon?" Sa pagkakataong 'yon ay hinarap na nya ang binata. Saglit sya nitong tinapunan ng tingin ibinalik rin naman nito kaagad ang tingin sa daan bago sya sinagot.

"I'll marry you." Her mouth agaped open upon hearing his answer. Is he serious? She just said yes and here they are, magpapakasal na.

"Seryoso?" Gulantang nyang tanong.

"Do I look like I'm joking?" Napabuga sya ng marahas na hininga sa sagot nito. Seryoso talaga. Pwede pa bang umatras? Wala naman syang balak umatras, mahal na mahal nya si Hellion, pero kasi paano sila magpapakasal, yung mga kailangan nilang papeles o kung ano pa man. Pwede ba silang makasal kahit wala ang mga 'yon, ng wala silang kahit na anong dala, kahit birth certificate man lang.

"If you're thinking about the papers that's needed, don't worry everything's ready." Napalingon sya sa binata ng magsalita ito. Is he a mind reader?

"Papaano mo–"

"Are you underestimating me baby?" He playfully asked. Ah she forgot, he's Mayor-Engineer Hellion Vonx Zuestro after all, of course he can do it in just a blink of an eye, using his connections, money and power. That explains everything.

Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon