Mark as his
Habol nya ang hininga ng makarating sa parking. Gusto nyang sabunutan ang sarili dahil sa kagagahan nya. Bakit ba sya nagpadala sa matatamis nitong mga halik. Napakababa siguro ng tingin ng binata sa kanya dahil sa isang halik lamang nito ay bumigay sya agad. Pero p***ngina wala na syang pakielam. Bakit? Bakit ngayon pa?
Napatingala sya para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. She tried to calm herself down. Ang isiping nasa paligid lang ang binata ay hindi na nya nanaising magtagal pa sa ospital. Kung normal lang na araw lang ay ayos lang kahit tumira sya sa ospital pero iba ngayon nandito si sya at wala na syang ibang gusto kundi ang lisanin ang lugar. Nang mapakalma ang sarili'y agad nyang pinatunog ang sariling kotse, pero laking gulat nya ng tumunog rin ang kotseng nasa tabi ng kanya. Sa 'di malamang dahilan ay bigla syang nataranta. Nagmadali syang buksan ang pinto ng kotse nya pero dahil nanginginig ang kamay nya'y hindi nya ito mabuksan-buksan.
"Baby, you're trembling.." napako sya sa kanyang kinatatayuan. Mula sa kanyang likuran ay ito na ang nagbukas pinto para sa kanya. Ngunit nanatili itong nakahawak sa pinto, cornering her. Isang butil ng luha ang tumakas mula sa kanyang mata ng isubsob nito ang mukha sa balikat nya.
"I miss you so d*mn much!" Puno ng lungkot at pananabik ang boses nito. Hindi katulad kanina na sobrang lamig ng pakikitungo nito. Hindi sya umimik. Napapikit sya ng pumulupot ang isa nitong braso sa baywang nya. She won't deny it, she missed his warmth. Unti unti sya nitong pinaharap. Their eyes met, his eyes were reddish.
"Let me go! B-bakit nandito ka?! Bakit nagpakita ka pa?!" P***ngina apat na taon tapos babalik syang parang walang nangyari?
"I'm here to take you back." Madamdaming ani nito. Agad na dumapo ang palad nya sa pisngi ng binata.
"Ang kapal mukha mong sabihin 'yan!! Don't act like nothing happened Mr. Zuestro!! Napaka-walanghiya mo!!" Hinayaan nyang mamalibis ang kanyang mga luha habang itinutulak palayo ang binata. Hindi. Hinding hindi na sya magpapauto sa isang Hellion. Tapos na sila, ah wala palang sila.
"Umalis ka! Hindi kita kailangan! Umalis kana!" Pinagpapalo nya ang dibdib nito. Wala syang pakeelam kung pati mukha nito ay natatamaan. But he's still stronger than her. Hinuli nito ang dalawang kamay at isinandal sya sa kotse. Nagtagis ang bagang nito habang nakatitig sa kanya. Iniiwas nya ang mukha nya ng unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha nya. Naramdaman nya ang pagtama ng hininga nito sa kanyang pisngi.
"It was not a question baby 'cause you are mine to begin with–"
"I am not yours!" Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Yes, you are, I'm just taking back what's mine, better be ready.." umusbong ang kaba sa kanyang dibdib sa paraan ng pagkakasabi nito. He distance himself without cutting their eye contact.
"Breath love, breath with me." Saka sya nito tinalikuran. Napabuga sya ng hangin kanina pa pala nya pinipigil ang hininga. Marahan nyang pinahid ang kanyang mga luha ng tuluyan ng nawala sa paningin nya ang sasakyan nito. Nanghihinang pumasok sya sa kanyang sasakyan. Isinubsob nya ang mukha sa palad at tahimik syang umiyak.
Apat na taon. Apat na taong walang Hellion. Apat na taon bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang unti unti na syang nakakalimot saka na naman ito babalik. Ngayon pang natuto na syang wala ito. Bakit? Bakit ngayon pang okay na sya at masaya na sya kasama ang anak saka naman ito manggugulo ulit.
Hindi naging madali ang apat na taon pero lumaban parin syang mag isa. Wala syang ginawa kundi ang umiyak gabi gabi sa tuwing maalala ang ginawa nito. Iiyak sa tuwing may mga bagay syang makikita na nakakapagpaalala sa binata. Umiiyak sa tuwing mamimiss nya ito.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-Engineer
RomanceHot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-Engineer Sporting his infamous smirk, wearing his expensive all black suit, he walks like a god with so much power and authority. Showcasing his messy dark black hair, his perfect shaped eyebrows, long-thick...