4

15K 354 25
                                    

Cold and sweet




                She woke up from a deep slumber, slowly she opened her eyes, and white walls welcomed her sight. Where is she? Is she dead? Pero bakit hindi nya makita ang mga magulang nya? Pwede kayang magtanong kay San Pedro kung nasaang parte ng langit ang pamilya nya? She tried to move but she failed. Bumukas ang pinto at iniluwa ang napakagwapong nilalang. Her eyes widened, ang gwapo naman ni San Pedro, kung alam lang nyang ganito pala ito kagwapo edi noon pa sana sya nagbigti sa puno ng papaya.


Naglakad si San Pedro palapit sa kamang kinahihigaan nya, ewan ba nya pero biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Lalo ng magtagpo ang kanilang mga mata. Kinakabahan ba sya?



"Staring is rude." Aba'y ang ganda ng boses, tsaka englishero pala si San Pedro, balak pa yatang paduguin ang ilong nya. Sana naman sinabi nilang english pala ang linggwahe sa rito sa langit at nakapaghanda man lang sya.


"E-ehem," she faked a cough.


"SanPedroangpoginyoho." Wala sa huwisyo nyang sambit.


"What?!"


Umiling iling sya bago ito muling hinarap.


"San Pedro, magtatanong ho sana ako kung alam ho ninyo kung nasaan ang pamilya ko. Masyado pong malaki 'tong langit mahihirapan po akong hanapin sila." Mahabang pahayag nya rito. Pero kinunutan lang sya nito ng noo. He stared at her. Biglang nag init ang pisngi nya sa paninitig nito.


"What the f*ck are you saying woman? And who's San Pedro?!" Galit nitong saad, luh nagalit. Tsaka diba nasa langit sila bakit nagmumura 'to? Halluh hindi ba sya sa langit napunta?! Nanlaki ang kanyang mga mata sa ideya. Hindi sya pwedeng mapunta sa impyerno. Impyerno na nga ni Hellion ang pinanggalingan nya tapos mapupunta ulit sya sa isa pang impyerno.



"Diba patay na 'ko at ikaw si San Pedro, nasa langit na tayo. Tsaka bakit ka nagmumura, bawal 'yan diba?" Nagtatakang tanong nya rin sa kaharap. Kumunot ang noo nya ng makitang nangingiti ito. Bakit bigla syang nainis. Tinasaan nya ito ng kilay.


"Bakit ka nakangiti?!" Inis na aniya.


He faked a cough, "I'm not smiling."


She rolled her eyes upward. Nakita na nga, tinatanggi pa. Tss.


"You're not dead baby." Baby?? Did he just called her baby? Her cheeks turned crimson red. Pero nanghina parin sya sa narinig mula rito. Ibigsabihin kay Mayor parin ang bagsak nya. Then realization hits her,  agad nyang tiningala ang kausap. Napanganga sya ng makita ang abo nitong mga mata. He was grinning evilly. Sigurado syang pulang pula na ang kanyang pisngi dahil sa kahihiyan. Ang tanga tanga nya talaga.


"M-mayor." She said almost whispering. Now she remembers what happened, she tried to kill herself and again, he saved her. Tinutotoo nito ang sinabing sisirain nito ang pinto ng restroom. Papatayin rin naman sya nito, bakit hindi nalang sya nito hinayaang mamatay roon. Dahil ba ang gusto nito'y sya mismo ang papatay sa kanya.


"Sorry.." She doesn't know but she just found herself saying sorry.


"For what?" He asked coldly. Hindi sya nakasagot dahil hindi nya rin alam kung para saan ang paghingi nya ng tawad. His eyes became dark, his jaw clenched. Umiigting ang pangang tinungo nito ang mesang nasa tabi ng kama ng hindi nagsasalita. May paper bag roon at tahimik nitong inilabas ang lamang pagkain.


"Eat." He said without humor. Nawalan sya ng gana sa lamig ng boses nito. Mas lumapit ito sa kanya at tinulungan syang makaupo sa kama. Agad rin itong lumayo na para bang may nakahahawa syang sakit. Bumaba ang kanyang tingin sa nakahaing pagkain. May kanin roon at dalawang klase ng ulam.


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon