13

10.7K 259 13
                                    

We are nothing after all




                Kinusot-kusot nya ang kanyang mga mata bago tamad na bumangon. Naabutan nya ang binatang nag aayos ng kurbata sa harap ng salamin. Malungkot nyang pinagmasdan ang bawat galaw nito. Miss na miss na nya ito. Gusto gusto na nya itong yakapin.


"Aalis ka na?" Lakas loob nyang tanong ng maglakad ito papunta sa pinto. Natigil ito sa pagbubukas ng pintuan ngunit hindi man lang ito nag aksayang tapunan sya ng tingin.


"Yes." Malamig nitong sagot. Napalunok sya, nasasaktan sya sa lamig ng pakikitungo nito.


"Hellion mag usap tayo." For the first time she called him by his name. Pansin nyang nanigas ito sa kinatatayuan pero agad ring nakabawi.


"I'm busy Reyma, please not now." Malungkot syang napangiti.

"Bakit mo'ko iniiwasan kung ganon?" Mula ng gabing 'yon ay hindi na sya kinausap ng binata. Para syang may nakakhawang sakit kung iwasan sya nito at sobra syang nasasaktan sa pagtrato nito sa kanya.


"I'm not avoiding you, I'm just busy that's it." Napayuko sya ng mahimigan nya ang pagtitimpi sa boses nito. Kita rin nya ang pagigting ng panga nito kahit nakatalikod.


"Maaga kang umaalis, gabing gabi kana ring umuuwi masyado mong pinapagod ang sarili mo. Magpahinga ka naman kahit konti." Malumanay nyang suhestyon.

"Magpapagod ako kung gusto ko, and why the f*ck do you even care, we are nothing after all." After sayin' that he left, he left her hanging. He left her hurting..

WE ARE NOTHING AFTER ALL

WE ARE NOTHING AFTER ALL


WE ARE NOTHING AFTER ALL

WE ARE NOTHING AFTER ALL


WE ARE NOTHING AFTER ALL


Pagak syang natawa. Ang sakit. Ang sakit sakit pero hindi sya iiyak. Ubos na ang luha nya dahil ilang araw narin syang hindi pinapansin ng binata, at sa ilang araw na 'yon wala syang ginawa kundi ang umiyak.

Nakatira sila sa iisang bubong pero madalang nya itong makita. Tuwing matitiyempohan naman nya ito ay iiwasan lang sya at sasabihing abala ito sa trabaho o 'di kaya'y lalampasan lang syang parang hindi sya nakita o narinig. He became so distant, avoiding her all the time. Parang bumalik sila sa dati. He's back to being cold. At hindi nya maitatangging nasasaktan sya sa pagtrato nito sa kanya. Para lang syang hangin kung ituring sya nito. She can feel her heart breaking into pieces everytime he turn his back and she can't can't do anything but to watch him walking away from her.


"It's okay Reyma, kaya mo 'to." She sadly smiled. She restrained herself from crying, no, not again. Pagod na syang umiyak. Pagod na syang umaasa. Pagod na syang magmahal mag isa. Malalim syang napabumuntong hininga.


Linggo ngayon at siguradong sa site ang tungo ng binata. She sighed, wala naman ang binata pwede siguro syang sumaglit sa bayan para magsimba. Matagal tagal narin syang hindi nakakapagsimba. Kahit naman hindi sya pinapansin ng binata ay mahigpit parin nitong ibinibilin na huwag syang papalabasin. Pinilit nyang pagalawin ang sarili. Nagtungo sya sa banyo at naligo. She choose to wear a simple white dress below the knee.


"Magandang umaga po Señorita, ang ganda nyo naman po lalong maiinlove si Señorito nyan." Mapanuksong nginitian pa sya nito. Pinamulahan sya sa pamumuna nito.


"Salyl!" Pinanlakihan nya ito mata pero tinawanan lamang sya nito bilang sagot.

"Magsisimba po ba kayo?"


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon