14

11.4K 280 10
                                    

The truth




                Walang lingong likod na iniwan sya ng binata matapos silang magkasagutan. At wala na naman syang nagawa kundi panoorin ang papalayong likuran nito. Napasalampak sya sa sahig ng marinig ang pagkakalock ng pinto mula sa labas. She forced herself to get up. Sinubukan nyang buksan ang pinto ngunit nabigo sya. Tila bumalik sya sa nakaraan, muli na naman syang ikinulong sa silid ang pinagkaiba nga lang ngayon ay sa silid sya ng binata nakakulong. Kipkip ang dibdib itinapon nya ang sarili sa kama. Bumaluktot sya ng higa, wala syang nagawa kundi yakapin ang sarili. Tagos sa kaluluwa ang mga salitang binitiwan ng binata. Sobrang sakit. Pero wala syang magagawa dahil iyon ang totoo.

Nang gabing iyon aya wala syang ginawa kundi umiyak. Kinain nalang sya ng antok dahil narin siguro sa pagod.

Nagising sya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Mabigat ang pakiramdam nya at namamaga ang mga mata. Napamulagat sya ng marinig ang pagbukas ng pinto. Tila bumalik ang sakit ng masilayan nya kung sino ang pumasok. Naigting ang panga nito ng makita ang itsura nya. Naamoy nya ang mabangong amoy ng pagkain mula sa tray na inilapag nito sa bedside table.


"Eat" napangiwi sya sa lamig ng boses nito. Nakabihis na ito. With his gray suit his aura screams power and ruthlessness.

"Wala akong gana." Walang buhay nyang sagot. Hindi parin sya bumabangon ang bigat talaga ng pakiramdam nya.


"Eat" Nahimigan nya ang inis sa boses nito. Hindi nagpatinag nanatili syang nakahiga. Pumikit sya at hindi nagsalita.

"Don't make me mad Reyma." Puno ng diing asik ulit nito. Kung naiinis ito ay naiinis rin sya. At kung galit ito ay mas lalo naman sya. Padabog syang bumangon not minding what she looks like. Wala syang pakeelam kung magmukha syang kaawa awa sa harapan ng binata dahil ubos narin ang pasensya nya.


"Ayoko ngang kumain sabi !" His jaw clenched.

"Ayokong kumain ang gusto ko ay umalis! Umalis sa puder mo!" sabay duro sa dibdib nito. Nagiwas sya ng tingin ng hindi na nya makayanan ang talim ng titig nito. Kinabahan sya sa klase ng tingin nito. Napaigik sya ng hiklatin nito ang braso nya. Halos bumaon ang kuko ng binata roon.

"Ano ba nasasaktan ako! Nasasaktan ako!" Sinubukan nyang kumawala ngunit nabigo lang sya.

"Walang aalis Reyma. Akin ka. Akin ka." Matigas nitong saad. Nagpapasag sya sa bisig nito. Gamit ang malaya nyang kamay ay pinagsusuntok nya ang dibdib nito.

"H-hindi, hindi ako sa'yo! Hindi na." Patuloy lang sya sa pagpapasag, pilit kumakawala sa binata.

"Aalis ako! Aalis ako kung gusto ko! Bitiwan mo ako!" Walang kaemoemosyong tiningnan lang sya nito. Inipon nya ang lahat ng natitirang lakas upang kumawala sa binata. Pinagpapalo nya ito sa dibdib.

"Bitiwan mo ako!!"

Natigil lang sya sa pagpapasag ng mapansin ang kapirasong papel sa nahulog mula sa coat ng binata. Natigilan silang pareho. Mula sa binata ay lumipat ang mata nya sa piraso ng papel sa sahig. Hindi nya alam pero may nagtutulak sa kanyang pulutin ang papel. Na para bang masasagot niyon lahat ng katanungan nya.

Buong lakas nyang itinulak ang binata at mabilis na pinulot 'yon. Mula sa binata'y lumipat ang tingin nya sa hawak. Her mouth agaped open. Her breathing halt. Her heart broke into pieces. Tila paulit ulit iyong pinipiga. Nanlabo ang kanyang paningin dahil sa patuloy na pagagos ng luha.

Malungkot syang napangiti. Sa mga pangalang nakasulat roon. Tila iniukit ng tadhana bagay na bagay.

Sa pagitan ng mga pangalan may maliit na hugis puso. Hellion Vonx (heart) Mavi Dione.


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon