16

12.3K 309 12
                                    

His smell





                      "Reyma wala ka bang balak lumabas!" Rinig nyang sigaw ni Azril mula sa labas ng kwarto nya. She grunts, istorbo!


"Wala, umalis kana ampangit mo!" Asik nya rito, saka sya pumikit ulit. Inaantok pa talaga sya. At hindi sya tanga para hindi malaman ang dahilan ng pagiging antukin nya. She's a med student kaya alam nya ang dahilan. Pero natatakot syang malamang tama ang hinala nya. Nitong mga nakaraang araw ay naging antukin sya, palaging walang gana at naging mapili sa pagkain, madalas rin syang sumuka sa umaga at palaging pabago bago ang mood. Naging sensitive rin pati ang pang amoy nya. And all those symptoms are symptoms of–


"Mas pangit ka p*ta! May ice cream pa naman sa baba!" Muling sigaw ni Azril sa labas. Nagningning ang mga mata nya.

"Ice cream!!" Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas sya ng kwarto diretso sa baba. Kaagad na nagtubig ang bagang nya ng makita ang iba't ibang flavor ng ice cream sa center table. Pero umusok ang ilong ng makita si Dreineus na nilalantakan ang strawberry flavored ice cream. That's her favorite! Padabog nya itong nilapitan, mukhang hindi pa sya nito napansin dahil tutok ito sa TV. 

"That's mine!" Tangkang aagawin nya ang gallon ng ice cream kay Dreineus pero iniiwas nito iyon. Dahilan para mas lalo syang mainis.

"The f*ck, this is mine! Ako bumili nito!" Angal nito.

"Akin na 'yan!"

"H*ll no! Kuha kana lang ng iba d'yan, not my strawberry!" Pagmamatigas parin nito. Nanlumo sya ng makitang muling sumubo ng ice cream si Dreineus. No, that's her favorite. Strawberry nya 'yon e! Humaba ang nguso nya habang matalim na nakatingin kay Dreineus.

"Ayoko ng ibang flavor, gusto ko 'yan!"

"NO!" Hindi nya alam pero nanubig ang mata nya sa sagot nito. Humaba ang nguso nya kasabay ng pagpatak ng isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. That's her ice creammmm!

"What the f*cking f*ck! Sh*t! Bakit ka umiiyak?"

"Akin kasi 'yan!"

"F*ck stop crying, saka may laway ko na 'to oh." Dreineus showed her the gallon of strawberry ice cream. Napanguso sya ng makitang marami ng bawas.

"Isusumbong kita kay Charlton!" Nagdiwang ang sistema nya ng makitang nawalan ng kulay ang mukha nito. Tss, ano bang nakakatakot kay Charlton. Kalalaking tao takot sa babae. Ano bang meron sa kaibigan nyang may topak sa ulo.

"Sabi ko nga sa'yo na." Napipilitan nitong inabot sa kanya ang ice cream.

"P***ngina naman oh!" Mahinang mura nito na ikinatawa nya nalang.

"Siraulo amp*ta! Kanina umiiyak ngayon tumatawa na." Mas lalo syang natawa, ang cute pala ni Dreineus mainis. Parang gusto nyang panggigilan ang matambok nitong pisngi. Mahigpit nyang niyakap ang gallon ng ice cream ng makitang nakatingin ito roon.

"Amp*ta sa'yo na!" Padabog nitong binuksan ang gallon ng mango flavored ice cream. Napatitig sya sa mango ice cream, bakit parang mas masarap yung mango at saka ang bango rin.

" 'Wag mong sabihin na pati 'to kukunin mo rin! No way high way, kumain kana d'yan." Napasimangot nalang sya at nilantakan ang ice cream.


Tamad syang bumalik sa kwarto matapos ubusin ang apat na gallon ng ice cream. Inaantok na naman kasi sya. Pabagsak na humiga sya kama at wala sa sariling napahawak na manipis pa nyang tiyan. Sana naman mali ang hinuha nya, pero kung tama ang hinuha nya wala syang pagsisihan at buong pusong tatanggapin nya.

Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon