12

11.3K 267 7
                                    

Back to zero
                


                 
                        Her heart flinched when the woman snaked her arms around his nape and sweetly smiled at him. She's about to walk towards them but her knees weakened on what the woman did next. Her heart broke into pieces seeing the woman's lips landed on Hellion's lips. Nanigas sya sa kanyang kinatatayuan. Ang sakit, ang sakit palang makitang may kahalikang iba 'yong taong mahal mo. Pero ang mas masakit wala ka man lang syang magawa para pigilan 'yon, kasi.... wala naman syang karapatan. Yes they kiss, they cuddle, they do what couples do pero.. walang sila. Yes she loves him, so much but it's one sided. She wants fight for him, own him but how? Paano nya aaminin ang taong una palang ay hindi naman naging kanya.


Naalala nya tuloy iyong gabing lasing na lasing na umuwi ang binata. Hindi nya alam kung nanaginip lang ba ito. Pero parang takot na takot ang binata ng mga oras na  'yon. That night he was begging. Nagmamakaawa itong huwag syang iwanan, and he mentioned a name. A woman's name. Kumirot ang puso nya.

Is she.... Mavi Dione?


Her eyes fell on the floor, as she restrained her tears not to fall. But the scene keeps playing on her mind. Isang pares ng sapatos ang tumigil sa tapat nya. Unti unting tiningala nya ang may ari ng pares ng sapatos, ngunit nawasak ang puso nya ng hindi ang taong inaasahan nya ang sumalubong sa kanya. Agad na naglikot ang mata nya para hanapin si Hellion ngunit hinarangan sya ng karahap.


"Look at me.. don't look anywhere else just look at me." He sadly smiled at her, making her heart ache even more.


"S-senator.."

" 'Wag kang iiyak, papangit ka." He said trying to lift up the her mood, she forced a smile, telling him it's fine even it's obviously not.
Napatitig sya sa itim na itim nitong mga mata. Mixed emotions are visible in his deep dark eyes.

"Come with me." He seriously said, hinawakan nito ang kamay at hinintay ang pagsang-ayon nya. Hindi nya alam pero natagpuan nalang nya sariling unti unting tumatango. Tama si Travis, bakit kapa lilingon kung masasaktan kalang naman sa makikita mo paglingon. Bakit kapa mananatili kung sa nasa tabi na sya ng iba, wala sa tabi mo. Hindi nya ugaling tumakbo, pero ngayon ang tumakbo nalang ang naiisip nyang gawin, ang takbuhan ang reyalidad.


"Let's go." Wala sa sariling nagpatianod sya kay Travis. Walang pakielam kung may mabunggo man silang mga tao. The way her lips landed on Hellion's lips keeps replaying on her mind. Alam nyang walang syang karapatang masaktan man lang pero, p***ngina sobrang sakit.

"Reyma!" Napahinto sya ng marinig ang pagtawag ng malalim na boses sa pangalan nya. Hindi na kailangang lumingon dahil kahit boses nito'y kabisado nya.


"Reyma!" He again called. She bit her lower lip, trying to stop herself from breaking down.

"Reyma.." Travis whispered.

"T-travis u-umalis na t-tayo." Pumiyok ang boses nya. Walang lingong likod na nagpatangay sya kay Travis. Kahit pa rinig nya ang paulit ulit na pagtawag ni Hellion sa
pangalan nya.



Inalalayan sya ni Travis pasakay ng kotse nito bago nito patakbong tinungo ang driver's seat. Si Travis narin ang nagsuot ng seatbelt nya. Ibinaling nya ang tingin sa
labas ngagsimulang umandar ang sasakyan.


Nung una akala nya ayos lang magmahal kahit hindi ka mahal nung taong mahal mo, hindi pala. Mahirap palang lumaban ng mag isa. Masakit palang magmahal ng taong hindi ka naman kayang mahalin pabalik. Dahil kapag ikaw lang 'yong nagmamahal, ikaw lang rin ang masasaktan at maghihirap. Ikaw lang ang nagmamahal at hindi sya. Ibigay mo man ang lahat, mahalin mo man sya ng lubos, at maging tapat ka man sa kanya wala rin namang saysay kasi hindi naman sya tutugon. Hindi naman masusuklian. Kasi nga... HINDI KA NAMAN NYA MAHAL at hindi nya responsibilidad na suklian yung mga bagay na ibinibigay mo sa kanya.


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon