CHAPTER 03

67 30 3
                                    

                     Emergency Kiss

MARGA'S POV

Nakatulog ako ng halos apat na oras din kaya hapon na nung magising ako. Mag aalasingko na rin yun. Kaagad akong nagbihis dahil balak ko talagang mamasyal ngayon. Dapat kanina pa nga yun kaso lang nasobrahan ako sa tulog.

Sukbit ang inspired BTS shoulder bag ko, nililibot ko ngayon ang magagandang pasyalan dito sa Seoul.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito kaya minsan nawawala ako pero kerry lang, importante nakakabalik ako. Hahaha

May sarili akong allowance na dala kaya yun lang muna ang ginamit ko para kapag may bibilhin akong pagkain at iba pang bagay na gusto ko.
Gusto ko sanang kumausap ng ibang tao kaso di ko dala yung libro ko na Korean languange kaya invisible na muna sila sa'kin. Apat na oras din akong namasyal at pauwi na ako ngayon dahil pasado alas otso na rin ng gabi. Alam naman ni ahjusshi na alas otso pa ang balik ko kasi itinext ko siya. Yes people, textmate na kami ngayon. Haha

Medyo malayo layo pa ang lalakarin ko pabalik ng H-House, mga isang kilometro pa. Nilakad ko na lang kasi hindi ako makahanap ng masakyan papunta rito sa seongbuk-dong. Nasa gitna ako ng high way ng may marinig akong ingay. Hindi ko maintindihan kasi korean language, pero base sa expression ng mukha ng babae at eksina nila ay mukhang may nagaganap na snatch'an. May nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ng babae habang pilit namang hinahablot ng snatcher ang bag nito.

Jusko naman, uso pa pala hanggang dito sa Korea ang snatch'an? Kala ko sa pilipinas lang uso yan.

Umiling iling nalang ako.

May dala akong supot na may mga can goods at mga di bote na laman, inayos ko ito at saka ako dahan dahang naglakad palapit dun sa likod ng snatcher. Nakatalikod kasi yung snatcher, samantalang yung babae ay nakatingin sa'kin. Sinenyasan ko siyang wag magpahalata at mag iwas ng tingin sa'kin dahil baka mahalata ako nung snatcher at sumunod naman siya.

Nagbilang akong tatlo at pagkatapos ay isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumakbo pasugod dun sa snatcher. Bahala ni si Super B.

Agad kong pinalo ng dala kong supot na may lamang mga bote at can goods sa ulo yung lalaki. Nakita kong sobrang nasaktan ito dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama sa ulo nito. Dumugo pa nga. Nabitawan naman nito ang dala niyang kutsilyo dahil napahawak ito sa ulo niya. Naawa ako pero mas kawawa naman ako pag ito nakatayo, siguradong hindi ako nito iiwang buhay dahil sa ginawa ko.

"Takbo..." Sigaw ko dun sa babae kaso bigla kong narealize na nasa Korea pala ako. Teka! Ano nga ba ang korean ng takbo? Mag iisip pa sana ako kaso naalala ko na hindi pala ito yung time para isipin ko yun. Hays! Bahala na nga. "Madam, run..."

Tiningnan ako ng babae habang nagtatanong ng "How about you?" Buti nalang at marunong magsalita ng English. What about me? Hihiramin ko ang siyam na buhay ni Cardo dalisay.

"Don't worry about me, I'll be safe." Sagot ko na lang kahit di ako sigurado kung makakatakas ba ako rito. "Go run madam." Muli kong saad. Nakikita ko ang pag alala niya sa'kin kaya nag-aatubili siyang tumakbo at tumakas.

"Don't worry madam, I'll be fine." Panigurado ko.

"Take care. Please don't get caught," aniya. Tumango na lang ako.

Nagsimula na siyang tumakbo, at ako naman ay muli kong pinalo sa paa yung lalaki upang di makatakbo.
Dalawang beses din yun bago ako tumakbo paalis. Binilisan ko ang pagtakbo ko ng makita kong nakatayo na yung lalaki. Sapo nito ang ulo at nakatingin ito sa'kin.

Natatakot talaga ako, ramdam ko rin ang pangangatog ng tuhod ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong makatakas.

Anu ba naman to! Natupad nga ang pangarap kong makarating dito sa Korea pero ewan ko lang kung makakauwi pa ako ng buhay. Kung alam ko lang na ang pagpunta ko rito sa Korea ang katapusan ng buhay ko, sana di nalang ako nanalo. Buti sana kung nakita ko na asawa ko, my baby taehyung, kaso hindi pa eh kaya wag muna ngayon.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now