CHAPTER 28

7 0 0
                                    


ERENE'S POV

Sinalubong namin si Marga pagkakita namin na palapit na siya samin.

" Kumusta pag uusap niyo? Naayos ba?" Usisang tanong ko.

Tumingin siya sakin at pansin ko ang maluha luha niyang mata. Hindi naging maaayos ang naging pag uusap nila. Kaya pala matamlay siya at tulala na pumasok ng gate nila.

" Hindi ko alam kung paano ko aayusin to. Hindi ko na alam ang gagawin ko. " Ngayon ay tuluyan na siyang umiyak.

Inalalayan namin siya paupo.

" Wag kang umiyak baka maabutan ka rito ng mama mo, sige ka! " - Ariella

" Tahan na Marga..." Pag aalo ni Sheena habang hinihimas ang likod ni Marga.

" Hindi ko na alam ang gagawin ko. " Humikbing sambit niya.

Naawa kami kay Marga pero wala kaming magagawa sa sitwasyon niya. Sila ni Akiero ang makakaayos nito kasi ang problema ay sa pagitan nilang dalawa.  Alam naman namin kung bakit nagkakaganito siya. Kasi takot siyang malaman ng mga magulang niya ang nagawa niya. Kilala namin si Marga, isa sa pinaka ayaw niya ay yung magalit sa kanya ang mga magulang niya. Isa iyon sa mga kahinaan niya.

" Ano ba ang pinag usapan niyo ni Akiero? " Tanong ni Jastrine.

" Gusto kong mag pa unnul kami. " sagot niya habang pinupunasan ang kanyang luha.

" Hindi ba siya pumayag?" Tanong naman ni Alexel.

Umiling si Marga bago magsalita.

" Pumayag siya. "

" Oh yun naman pala eh. Bakit ka umiiyak. " Si Jastrine pa rin.

" Daii... Hindi basta ang pag papa unnul. Mahabang proseso yan. " Pahayag ni Ariella bilang sagot kay Jastrine.

" Oo nga, at may possibilidad ding lumala pa lalo ang sitwasyon. Sa pagkakataon ring iyon ay hindi mo na matatago ang katotohanan sa pamilya mo. " Sabat ko.

" Wala ka ng ibang choice kundi ang tanggapin ang katotohanan at harapin ito. Sabihin mo nalang ang totoo sa mga magulang mo kasi malalaman at malalaman din nila ang totoo. Wag mo ng palalain ang sitwasyon. Mas lalong mahihirapan ang pamilya mo kung umabot pa sa korte ang problema niyo. "

Ang pagtanggap sa katotohanan ang naisip kong pinakamagandang paraan para solusyunan ang problema nila. Kung ako lang ang tatanungin ay ayaw ko din naman na makasal si Marga kay Akiero, hindi dahil ayaw ko si Akiero para kay Marga , pero dahil ayaw naming malimitan ang mga panahong na nakakasama namin siya. Iba ang buhay ng may asawa sa buhay ng single. May obligasyon na siya sa bago niyang pamilya kaya hindi na namin magagawa ang mga bagay na ginagawa ng single, kung magagawa man namin , may limit na.

" Ayoko ate...!" Nagmamakaawang sabi niya. Naawa ako kay Marga at nalulungkot para sa kanya. Ayokong pumasok sa bagay na hindi niya gusto pero ano nga ba ang magagawa ko para alisin siya sa sitwasyon niya ngayon?

" Ayoko ko pang mag asawa... Please, tulungan niyo ako. " Umiiyak at nagmamakaawang sambit niya pa.

Habang tinitingnan ko siyang nagmamakaawa ay hindi ko mapigilang hindi maluha rin. Umiiyak na rin si Sheena , samantalang maluluha luha na rin sina Jastrine at Ariella , liban lang kay Alexel pero halata sa mukha niya ang kalungkutan.

" Ssshhh tahan na. Maayos rin ang lahat. " Pag aalo ko habang nakayakap sa kanya. " Tahan na..." Sambit ko sa gitna ng yakap tapos ay hinimas ko ang likod niya.

Hindi madali ang sitwasyon na napasukan ni Marga , wala man kaming magawa para masolusyunan niya ang problema niya, isa lang ang mapapangako namin, kahit ano man ang maging desisyon niya, nandito lang kami para suportahan at gabayan siya.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now