CHAPTER 15

15 1 0
                                    




MARGA'S POV

" Oy nandito ka na pala!" Wika ni ma'am Cepriano pagkakita sakin.

" Bakit ma'am ,namiss niyo ako noh?" Nang aasar na tanong ko.

" Anong namiss.? Alam mo bang napakasaya ko nung araw na hindi ka pumasok? Buong araw nakangiti ako."

Nakarehistro sa mukha ni ma'am ang kanyang nararamdaman nung araw na wala ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. Mukha ngang ang saya niya.

" Wag kayong mag alala ma'am. Sisiguraduhin kong hindi na ako aabsent. Papasok ako palagi kahit may sakit ako para mas gumanda pa ang araw niyo." Nakangiting wika ko na siyang ikinasira ng magandang ekspresyon sa mukha ni ma'am.

" Promise ko pa yan." Dugtong ko pa.

" Okay lang kahit di kana pumasok." Sagot niya sakin.

" Wag kang mag aalala ma'am. Makakarating ito sa Dean. Sasabihin kong may isang guro dito sa university na imbis na mag encourage ay siya pa mismong nag didiscourage ng studyante na hindi pumasok."  Tinitigan lang ako ni ma'am at ibinaling ang tingin sa class record.

Nagsimula na siyang mag-check ng attendance namin. Pag ganyang di na siya nagsasalita, malamang wala na siyang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit hindi kami magawang magkasundo ni ma'am. Kumukulo talaga ang dugo niya sakin. Friends naman kami eh.

" Ikaw talaga! Alam mong matanda na yang si ma'am pinapatulan mo pa" Puna sakin ni ate Erene samantang tawang tawa lang silang apat.

Nagkibit balikat lang ako. Bat parang kasalanan ko na naman? Wala naman akong sinabing masama ah.  Nagbibiro lang naman ako. At isa pa wala akong hinanakit kay ma'am , kahit madalas kaming hindi magkasundo, hindi ko magagawa at hindi ko hahayaang mapahamak siya.

Natapos ang klase namin ng wala akong naintindihan.

Wala pa rin si ma'am Villegas kaya wala kaming klase sa second period. Two subjects sa umaga at two subject lang din sa hapon ang klase namin pero tag isa't kalahating oras yun.

Nasa may student lounge kami ngayon , sa usual na tambayan namin. Masyado pa kasing maaga para mag-lunch.

" Bakit kaya wala akong natutunan sa lesson natin kay ma'am Cepriano?" Biglang tanong ko sa kanila. Natatawa pang tumingin sakin si Jastrine bago nagsalita.

" Paano ka matututo eh hindi ka naman nakikinig." Prankang sagot niya sakin.

" Makinig ka kasi para matuto ka." Sabi naman sakin ni Ariella.

" Ay wow! Parang ako lang ang hindi nakikinig satin. Eh ikaw nga diyan Ariella nanonood ka lang ng tiktok. Ikaw naman Jastrine at Sheena , pareho kayong may kachat. Si ate Erene naman nagbabasa ng Wattpad habang nanonood naman ng k drama si Alexel. Sige nga, ngayon niyo sabihin sakin na ako lang ang hindi nakikinig satin.?" Hamong saad ko.

Alam na alam ko ang lahat ng ginagawa nila kanina habang nasa gitna kami ng klase ni ma'am Cepriano. Naiintindihan ko naman sila lalo pa't masyado talagang boreng magdiscuss si ma'am.

" Mas mabuti na yung may ginagawa kami kaysa naman sayo na tulala. Girl, para kang naka-shabu kanina. Tulala na nga ,lutang pa." Pinagdiinan pa talaga ni Ariella ang salitang naka-shabu. Napa tsk nalang ako at as usual, tawang tawa naman sila.

ALEXEL'S  POV

" Guysss , tingnan niyo ang gwapo niya. " Tili ko habang tinuturo ang gwapong nilalang na nasa gitna ng pathway at pinagtitinginan ng maraming kababaihan. Totoo, ang gwapo talaga niya. Tall, white and handsome. Kulot ang buhok niya na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Ang amo rin ng mukha niya.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now