CHAPTER 06

46 26 1
                                    

                    Let's get married




THIRD PERSON'S POV:

Nakarating na sila pareho sa bahay pero hindi ang bahay na tinutuluyan ni Marga, kundi sa bahay ng binata. 

Maganda ang lugar at ang bahay kaya di mapigilang humanga ng dalaga kahit pa dalawa-dalawa na ang paningin niya.

"Sa'yo to?" manghang tanong niya sa binata.  And then he nodded.

"Wow! Mayaman ka pala?" Ngumiti lang yung binata bilang sagot.

Pumasok na sila sa loob ng kwarto nito.

"Matulog na tayo!" sabi ng dalaga at sabay pa silang lumundag sa malambot na kama.

A few moments later...

"Sagutin mo na kasi. Ang daya mo naman," maktol ni Akiero. Ayaw kasing sagutin ni Marga ang tanong niya. Nasa gitna sila ngayon ng laro na truth or dare.

"Sinagot ko na. Wala nga!" Giit ni Marga.  Tinanong kasi siya ni Akiero kung may ex na ba siya at kung mahal pa daw ba niya ito.

"Tssk! Indenial." Dahil sa sinabi ni Akiero ay binatukan siya ni Marga.

"Sabing wala eh! Isa pa, tatadyakan na talaga kita." Banta ni Marga sa kan'ya. Wala ng nagawa ang binata kundi ang tumigil na lang.

"Ako naman," ani Marga. "Bakit matatas kang managalog kahit dito ka sa Korea lumaki?" tanong niya sa binata.

"I think I already heard that question?" sandaling nag-isip si Akie pero walang pumapasok sa isip niya kahit pilit pa niya itong alalahanin,  kaya wala na siyang nagawa kundi ang sagutin ito. "My mom taught me to speak Tagalog. But you know what? The first Tagalog I've known is not from my mom," pagkukwento niya.

"Eh kanino?" tanong ng dalaga.

"It was my first time in the Philippines. Im 5 yrs old back then.  As it was my first time I know nothing about tagalog words," panimula ni Akie. "I was in the mall when I met a girl younger at my age in about a year. We became friends. We were playing in the children plays store when someone hit her head with a ball.------ Gago! Walan'ya!---- That's what she said and due to curiosity, I asked her of what was the word she uttered." Tumigil muna sa Akie sa pagkukwento at biglang natawa habang inaalala ang pangyayaring iyon.

"Bat natatawa ka? Ano bang sinabi niya? " Curious na tanong ni Marga.

"Hello ,my friend...Yan ang sinabi niya," natatawang sagot niya sabay iling. "At first I didn't believe her because of her facial expression but she tried to convince me until I believe that it was really the meaning of that word. And the worst is, I was scolded by my mom when she heard me saying those words----There was a friend of her came to our house with her son. Guess what? I welcome the son of my mom's friend with those words. My mom's friend is a Filipino so ganun na lang ang pagkalito ko ng makita ko ang gulat niyang ekspresyon. Like, what the hell are you talking about?, same expression as my mom." Kwento niya sa dalaga reminiscing his past worst memory.

It take a minute bago nagreact ang dalaga. Bigla na lang itong humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHA nakakaproud naman ang batang yun. Ambait niya sobra. " Sabi ni Marga habang tawang tawa with matching pa clap clap pa. "Di mo tinanong kung saan siya nag aral?" Dugtong niya pa bilang pang aasar.

"That time, I really hate that girl," Ani Akie na naiiling. "But I'm sure she's now already a woman. Wish she's really grown up as woman, not just a girl."

"Malay mo, siya pala yung destiny mo. You know, the woman that you will treat like a queen." Kinikilig kunyare na sabi ni Marga habang natatawa.

Walang sinabi si Akiero kundi ngumiti lang.

"Okay so much for that, ako naman magtatanong sayo," she nodded.

"Why are you here?---I mean what are you doing here in Korea? Your working here?" Akie asked.

"Nope. Nandito ako ng dahil sa raffle. Alam mo yun? Yung bumubunot sila ng mga mananalo at yung price ay ito, free ticket and tour dito sa korea. Member kasi ako ng isang kdrama fan page. Sila ang naging dahilan kung bakit ako narito ngayon. Adik kasi talaga ako sa Korean drama, kpop at oppa. Bukod sa pangarap kong makarating dito, pangarap ko ring makabingwit ng oppa. Pangarap kong makapangasawa ng koreano." Natawa ng pagak ang binata dahil sa huling sinabi niya.

"Tssskk! Ano ba ang meron sa mga koreano? Well I'm a half korean, yes, but I can't see reasons kung bakit adik ang mga Pinay sa kagaya kong may dugong koreano? Ano bang meron sa mga koreano para magkaganon kayo?" Litong tanong ng binata.

"Ewan! Hindi ko rin alam, pero alam mo yun, masyado kasing malakas ang karisma nila. Yung kahit titingnan mo pa lang, yung wala pang ginagawa, pero ang lakas na ng appeal nila sayo. Yun bang kahit isang tingin lang nila ay kikiligin kana? Lalo na pag nagsmile , sure ball in-love kana. Basta yun." Si Marga habang kinikilig.
"At alam mo ba, hindi lang sila basta libangan sa'kin, samin...sila rin ang stress reliever at HAPPINESS namin."

"That was so cheesy. But okay, I'm not a kpop lover so, I know I can't understand you all." Ani Akie.

"Exactly! So wag niyo kaming husgahan sa pagiging oppa lover namin," Giit ni Marga and he nodded as his answer. "So ako naman?"

"Okay" he answered.

"Bakit umiinom ka dun kanina ng walang perang dala? Mayaman ka naman pero bat wala kang pambayad? " Yun ang tanong niya na kinatawa ng binata.

"Cause I have a problem? Maybe?" His unassured answered.

"Ano ba yung problema mo? Dali share mo sa'kin. Makikinig ako." Excite na saad ni Marga.
She put her chin in her palm and ready herself to listen to him.

"My dad wants me to marry a woman I didn't love." He started talking and sharing his sad story.

"Oh anong masama dun? Maganda naman ba?"

"Yes she is, but--"

"Oh yun naman pala eh!Ano bang ayaw mo sa kan'ya para hindi ka magpakasal?"

"Because like what I say, I didn't love her! I didn't see my future with her" Giit niya. "At isa pa, I'm not into looks."

"Ano ba yan. Kung ako pangarap kong makasal sa koreano bago ako umuwi sa pilipinas, ikaw naman tumatakas sa kasal sa pinangarap kong lahi." Nakangusong saad ni Marga na puno ng disappointment. Umiling iling na lang siya sa sitwasyon nilang pareho.

"Ano kaya kung----" tila may magandang ideyang  naisip si Marga   dahil sa kislap ng mata niya.

"Kung?" He asked confusedly.

"Kung magpakasal nalang kaya tayo. Alam mo yun? Pareho tayong mag be-benefits dun---Ikaw, matatakasan mo ang pagpapakasal sa babaeng hindi mo mahal tas ako, matutupad ko ang pangarap ko na makasal dito sa Korea ng isang koreano bago ako bumalik bukas sa pilipinas. You think it was a bright idea?" Kumikislap ang matang suhestiyon niya. Nanlaki ang mata ni Akie hindi dahil sa gulat kundi sa pagsang-ayon sa napakagandang suhestiyon ng dalaga.

"Tama! Talino mo pala?" Ani Akie at tila proud pa para sa kan'ya. 

"Naman..." proud na sabi Marga sabay flip ng buhok niya.

And Yeahhh... They made a decision dala ng kalasingan nilang pareho.





Hope you'll enjoy reading my story 😊

Ms_ NaBi ❣️

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now