CHAPTER 14

10 0 0
                                    

              The painful thank you



MARGA'S POV



"Kumusta kana?" Tanong ni ate Erene sa'kin. Nandito kaming anim ngayon sa kubo namin na madalas naming tambayan.


"Ayos na ako," sagot ko sabay ngiti.


"Maloloko mo ang iba pero hindi kami," sabi ni Jastrine sa'kin.

Alam kong alam nila na hindi talaga ako umabsent kasi may sakit ako.


"Okay lang talaga ako," saad ko. Hanggang ngayon kasi natatakot pa rin akong sabihin sa kanila ang sitwasyon ko.


"Okay lang kung di mo sabihin samin. Hindi ka namin pipilitin. Pero kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang kami." Pahayag ni Ariella na sinang-ayunan ng lahat.


"Oo, handa kaming makinig sayo. No judgement!" Segunda ni Alexel.


Ng dahil sa sinabi nila ay di ko na mapigilang di maiyak hindi dahil sa problema ko kundi dahil sa katotohanang napakaswerte ko sa mga kaibigan ko.

"I'm sorry..." Umiiyak na sabi ko. "Tinago ko sa inyo ang totoong nangyare sa'kin sa Korea," dugtong ko pa. "Ang totoo, may nakilala akong lalake doon at mayroong nangyari samin."


Pagkatapos kong sabihin yun ay tumungo ako. Ayokong makita ang reaksyon nila at isa pa nahihiya din ako. Inantay kong may mag-react sa kanila pero wala akong narinig na salita galing sa isa sa kanila. Inangat ko ang ulo ko at tinignan sila ng nagtataka.


"Oo, alam na namin. Narinig namin kayo kahapon pero di kami nagtanong sa'yo kahit gustong gusto na naming tanungin ka about sa inyo ni Akiero at ang nangyare sa inyo sa Korea. Hindi kami nagtanong kasi ayaw naming pangunahan ka. Hinintay namin na ikaw mismo ang magkwento samin." komento ni ate Erene.


"Wag kang mag alala. Hindi ka namin hinusgahan dahil dun. Alam naming natatakot kang ma-disappoint kami dahil sa nangyaring iyon kaya iniwasan mo kami kahapon. Itong tandaan mo,  kahit ilang pagkakamali pa ang nagawa mo, hindi iyon ang magiging dahilan para kamuhian ka namin." -Jastrine


"Mahal ka namin kahit ikaw pa ang pinaka maraming pagkakamali sa buong mundo."-Ariella


"At isa pa, walang wala yang pagkakamali mo sa pagmamahal namin sayo." nakangiting saad ni ate Erene kasabay ng marahang paghimas sa braso ko.


Dahil sa mga sinabi nila. Mas lalo pang nag unahan sa pag agos ang mga luha ko.


"Sorry talaga, alam ko namang hindi niyo ako huhusgahan, natakot lang ako na baka ma-disappoint kayo sa'kin dahil matagal kong tinago sa inyo to. At isa pa, nahihiya ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko." Umiiyak na pahayag ko.


"Sus, nahiya ka pa? Eh wala ka naman nun." Saad ni Jastrine na ikinatawa namin. Tama kasama ako.



"Tama nang iyak. Pangit ka na nga, mas pumapangit ka pa. " Saway sa'kin ni ate habang pinapahid ang luha sa mga mata ko.


"Oo nga girl, tahan na. Nakakahawa ka eh." Maktol ni Sheena.


"First line niya yan ngayon at drama pa."-Jastrine


"Tama na yan. May dala akong Soju..!" Bigla kaming napalingon kay Alexel dahil sa sinabi nito. May hawak na itong dalawang bote ng Soju.


"Saan mo kinuha yan?" Takang tanong ni Jastrine.

"Sa bag ko," Nakangiting sagot ni Alexel. "Alam ko kasing may dramang magaganap." Natatawang dugtong niya pa.


"Hindi halatang prepared ka."-Jastrine


THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now