CHAPTER 24

9 0 0
                                    


MARGA'S POV

*GUIDANCE OFFICE*

" Dean, sila po ang nagsimula. Biktima po kami.! " Giit ni Mercy kay Dean.

" Bigla nalang po silang sumugod sa classroom nila Rodney at inaway kami. Kita niyo nga ho, may mga kalmot ako. Pinagtulungan po nila ako lalo na si Marga. Siya po talaga ang may gawa sa mga galos ko. " Sumbong niya pa pero nag make face lang ako habang ginagaya ang sinasabi niya.

" Ms. Cababayan totoo ba ang sinasabi ni Ms. Rodriguez? "  tanong sakin ni Dean.

" Hindi po totoo yun! " Kaagad na sagot ni Akiero.

" Hindi ikaw ang kausap ko Mr. Co. Kakausapin din kita pero mamaya kana. "Sita ni Dean sa kanya. Tiningnan ko muna si Akie bago magsalita.

" Kasalanan niya naman din eh. Alam ko naman kahit di niya sabihin ay gumaganti siya sakin dahil sa nangyaring noon. " Depensa ko.
" Okay lang naman sakin na gantihan niya ako pero sana hindi na niya dinamay pa ang mga kaibigan ko. "

" Wala akong masamang ginagawa sayo at sa mga kaibigan mo Marga." Malumanay na saad niya habang nakatingin sakin. " Maniwala po kayo sakin Dean, wala po akong masamang intensyon sa kanya at lalong lalo na sa mga kaibigan niya." Baling niyang saad kay Dean at kunyari siya ang biktima.

" Kung ang tinutukoy mo ang tungkol samin ni Rodney, hindi naging kami dahil gusto kitang gantihan, mahal ko talaga siya kaya anong magagawa ko? May puso din naman ako. " Nagpapaawang pahayag niya sakin.

Kung titingnan ang mukha niya, nakaawa nga siya. Kung hindi mo siya kilala malamang maniniwala ka sa kanya na siya nga ang biktima at yun ang mas nakakainis sa kanya. Magaling siyang magbaliktad ng sitwasyon.

" Tumigil ka nga Mercy, hindi gagana sakin ang pa biktima effect mo! Kung sana hindi mo inagaw ang boyfriend ng kaibigan namin edi sana walang gulo ngayon. " Giit ko.

Hindi naman kami magkakaganito kung sana hindi nila pinagmukhang tanga ang kaibigan namin. Tao din naman si Sheena na katulad nila nakakaramdam din ng sakit kaya bakit nila nagawa yun.

" Sinabi ko naman sa'yong hindi ko inagaw si Rodney. Mahal namin ang isa't isa at isa pa, hindi naman naging si Sheena at Rodney eh. Nag assume lang ang kaibigan niyo. "

" Ganun? Ang sabihin mo ahas ka! " Bulyaw ni Jastrine.

" Ms. Mendez! Watch your word!" Sita ni Dean kay Jastrine.

" Dean paniwalaan niyo po ako, hindi ko po magagawang mang agaw , hindi po ako ganun. Sinasabi lang po nila iyon para siraan ako. "

" Tumigil ka na nga! Naiinis na ako sayo!" Bulyaw ko.

Naiinis na talaga ko sa babaeng to. Ang galing magpa awa.

" Ms. Cababayan ikaw ang tumigil diyan! Alam mo naman , ninyo, na maling magbintang ng kapwa ng wala kang ebedensya. May pruweba kayo sa sinasabi niyo kay Ms. Rodriguez? Kung mayroon give it to me. " Giit ni Dean sabay lahad ng kamay.

" Hindi naman kailangan ng ebedensya Dean eh, mukha niya pa lang ebedensya na. " Giit ko rin.

" Ms. Cababayan! Alam kong may alitan sa pagitan niyo pero hindi dahilan yun para pagbintangan mo si Ms. Rodriguez! " Sigaw ni Dean sakin.

" Opo!" Tumatango tangong saad ni Mercy habang maluha luha ang mata. Tsk! Kung pwede lang kunin ang mata niya ginawa ko na. Nakakainis!

" Siguro naman natatandaan mo nung huling napunta ka rito sa Guidance Office together with Ms. Rodriguez? Hindi ba't sinugod mo rin siya noon sa library at dahil sa ginawa mo nagkaroon siya ng maraming pasa at sugat sa katawan dahilan para dalhin siya sa hospital. " Si Dean habang matiim akong tinitigan sa mata.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now