CHAPTER 21

14 0 0
                                    


AKIERO'S POV

Nakapikit ako at naka Indian sit sa kama ko habang ginagaya ko ang nasa tabi kong Maneki neko o Fortune cat. I raised my hand like a paw and wave forward and backward.

Nasa ganun akong ayos ng marinig kong may nagdo doorbell sa baba.

Tumayo ako at pinagbuksan sila. Alam ko naman kung sino ang pupunta rito sa bahay kahit di ko pa sila pinagbu buksan. Maliban kay Arkin at JM, wala na ng ibang madalas magpunta rito sa bahay ko.

Laglag balikat akong naglakad pabalik sa kwarto ko habang kasunod sila. Pabagsak akong naupo sa kama at bumalik sa kanina kong ginagawa.

" Sabi na sayo na tigilan mo na ang kakahithit ng katol eh. " Panimulang puna ni Arkin sakin pero hindi ko siya pinansin.

" Ano bang yang ginagawa mo? Bakit mo ginagaya yang Maneki neko?" Tanong naman sakin ni JM.

" I'm waving for a good fortune." Sagot ko ng hindi natitinag sa ginagawa ko.

" It's seems like you are having a badluck. May problema ka ba?" Nag uusisang tanong ni JM uli. Ayoko sanang sagutin pero kanina pa rin ako ng naghahanap ng makakausap. Marami kasi akong tanong.

Iminulat ko ang mga mata ko at kinuha ang laptop sa likod ko.

" Tingnan niyo to..." Saad ko sa kanila sabay pakita ng litrato.

" Lalake na ngayon ang gusto mo?" Di makapaniwalang tanong ni Arkin.

" Alam mo bakit kaya hindi ka na tumigil sa pag aaral total sobrang talino mo na naman. " Pilosopong sabi ko kay Arkin bilang sagot sa tanong niya.

Ngumuso lang siya at inirapan ako.

" Hindi ba siya yung new transferee student sa Engineering department?" Tanong sakin ni JM ng makita niya ang litratong ipinakita ko.

" Clint Villaceran." Bigkas ko.

" Bakit mo pinapakita samin to?" Takang tanong pa ni JM.

" Tingnan niyo siyang maigi." Utos ko sa kanila na sinunod naman nila.

" Oh tapos?" - Arkin

" Sa tingin niyo, sinong mas better samin?" Giit kong tanong

" Bakit?--- Why did you compare yourself to him out of a sudden? " Si JM habang inuusisa ako sa pamamagitan ng titig niya. Tumango naman din si Arkin.

" Wait--- don't tell me siya ang gusto Ms. Cababayan? Kaya ba kinukumpara mo ang sarili mo sa kanya?" Ani JM sa mas nang uusisang tingin.

" I don't know, and I don't want to know. Ayokong malaman na siya nga ang gusto ni Marga. " Mariing wika ko na bakas ang lungkot sa boses.

" Nakita ko sila. " Boluntaryong simula ko ng kwento. " I saw them together kanina. Before I headed to our classroom ay dumaan muna ako sa building nila and there, I saw the two of them talking. She was very nice to him. She even smile to him. " Puno ng inggit na pagpapatuloy ko wishing I was him. Yung masaya siyang kausap ako, at yung ngingiti siya dahil sakin.

" Usap lang naman pala eh. Baka naman magkaibigan na sila dati pa." Pahayag ni JM para icheer up ako. " At kung totoo man na gusto talaga ni Ms. Cababayan si Clint, wala ka namang magagawa dun. She's not your girlfriend. " Pinagdiinan niya pa talaga yung she's not girlfriend habang nakatingin sa mata ko directly.

" Tama! Ikaw kasi ang bagal mo eh yan tuloy, na sayo na , maagaw pa ng iba. " Tuya pa ni Arkin sakin at ipinamumukha niya talaga sakin na kasalan ko.

" Anong gagawin ko para di siya magkagusto sa Clint na yun? " Nag aalalang tanong ko.

Nagkatinginan sila sabay tango bago bumaling sakin.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now