CHAPTER 05

52 29 1
                                    

        It's Cababayan, not Kababayan



MARGA'S POV

Two days na rin ang nakalipas mula ng matapos ang event night. Ini-spent ko lang yung nakalipas na dalawang araw sa pamamasyal at pagbo-boy hunting.

Actually pangarap ko talagang makahanap ng koreanong boylet at makasal rito. Gusto kong makapangasawa ng koreano at dito kami magpapakasal pero bigo ako. Bukas na ang flight ko pauwi ng pilipinas pero hanggang ngayon ay di pa rin ako nakakahanap ng jowa rito. Too bad for me.

6:30 pa lang ay nasa labas na ako. Bukas na ako babalik ng pilipinas kaya susulitin ko na ngayong gabi. Ito na lang ang last chance ko para makahanap ng koreanong mamahalin ko. Operation boy hunting ako ngayon.

Meanwhile

Isang oras na akong paikot ikot para hanapin si Mr. oppa pero wala akong napapala. Wala akong mahanap. Kung meron man, may kasamang mga jowa.

Sa daang tinatahak ko, nadaanan ko ang tambayan ng mga brokenhearted sa kdrama. Kung saan madalas naglalasing yung mga character sa story. Yung inumang nasa gilid ng daan na nasa loob ng tent. Pumasok ako sa loob at pumwesto sa may gilid. Umorder ako ng isang soju. Brokenhearted ako ngayon kasi aside na hindi BTS group ang nag fan meeting sa event nung isang araw ay hindi pa rin ako makahanap ng boylet na koreano. Uuwi na ako bukas pero hopia pa rin.

Di nagtagal, dumating na yung soju na order ko. Binuksan ko na ito at lumagok ng isang baso. Ang tapang talaga nito! Hindi na bago sa'kin ang uminom ng Soju kasi madalas akong uminom nito kasama ang mga kaibigan ko.

Pangatlong tagay pa lang ako ng mabaling ang tingin ko sa lalaki at isang babae na sa tingin ko ang may ari ng pa inuman na ito. Hindi ko man maintindihan lahat pero parang alam ko ang pinag-uusapan nila.

Agad akong tumayo habang sukbit ko ang bag ko at nagtungo sa kinaroroonan nung lalake at nung may ari.

"I'll pay for his bill," sabi ko sabay lapag nung pera sa mesa. Sabay na tumingin sa'kin yung lalake at yung babaeng may ari. Hindi siguro ako makuha nung may ari kaya nakatitig lang ito sa'kin habang naguguluhan yung ekspresyon.

"Pay..." turo ko sa pera na nakapatong sa mesa. "This," turo ko naman sa bote ng alak. At dun na ako na gets nung may ari kasi tumango tango ito at kinuha yung pera at bago umalis ay may sinabi pa ito dun sa lalaki. Hindi ko maintindihan pero feeling ko medyo di maganda.

Hindi na ako bumalik pa dun sa kinauupuan ko kanina bagkus ay naglakad na ako palabas. Siguro uuwi nalang ako. Mukhang wala rin naman akong napapala sa pag boboy hunting ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko ng may marinig akong tumatawag sakin.

"Kababayan...!" Agad akong tumigil sa paglalakad at nalilitong lumingon kung sino man ang tumawag sakin.
Nakita ko ang isang lalakeng tumatakbo palapit sa'kin. Siya yung lalaking binayaran ko yung bill kanina.

Bago pa siya makalapit ay kinuha ko na agad yung dala kong pepper spray sa bag. Bumili ako ng pepper spray noong bago ako umalis ng pilipinas. Alam mo na, in case of emergency.

"Wag kang lalapit!" Banta ko sa kanya habang nakatutok yung kamay kong may pepper spray sa kan'ya. Ito yung mga eksenang napapanood ko sa mga pelikula. Ito yung part na i-spray nung girl yung pepper spray sa mata nung guy na manyakis. Samantala, natigil siya sa paglapit sa'kin at nalilitong tumingin sa'kin.

"What was that?" Naguguluhang tanong niya.

"I-spray ko to sa'yo kapag sinubukan mo pang humakbang palapit sa'kin!" banta ko.

"Inistalk mo ba ako? May balak kang masama sa'kin no? " Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo.

"What?!" He said unbelievely.
"Ano bang sinasabi mo? Wala akong balak na masama sayo." He assuredly answered. Sure pinoy siya.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now