CHAPTER 22

8 0 0
                                    


AKIERO'S POV

I was driving my car when I saw a familiar face in the pathway. It was Clint. Nung una ayoko sanang pansinin pero umagaw sa atensyon ko ang babaeng nakatalikod at kaharap ni Clint. Kahit pa hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong siya yun.

Hindi na ako nagsayang ng sigundo at agad akong pumarada sa tapat nila sabay busina. Sinipat ko si Clint at tiningnan ng masama bago ako bumaba ng kotse. Hindi niya naman nakita yun kasi sarado ang window shield ko.

" Oy tingnan niyo, si Akiero oh!"

" Oo nga! Ang gwapo niya talaga."

" Bakit kaya dito siya bumaba?"

" Hindi ba si Clint yun?"

" Magkakilala kaya sila?"

" Ang gwapo rin ni Clint no?"

" Pero mas gwapo pa din si Akiero."

Ito ang mga naririnig kong usapan pagkalabas ko ng kotse. Nagbubulungan lang sila pero rinig na rinig ko pa rin lalo na yung part na mas gwapo pa rin ako kaysa kay Clint. Tama nga si Maneki neko.

" Good morning honey." Nakangiting bati ko pagkalapit ko kay Marga na sinamahan ko pa ng kindat. " Good morning din sa inyo mga bestfriends ni honey. " Baling ko namang bati sa mga kaibigan ni Marga.

" Goodmorning din." Tugon nila na ikinangiti ko pa. Ang galing lang kasi mukhang di ako mahihirapang kunin ang loob nila kasi kung titingnan ay walang dudang mababait sila.

" Bakit ka narito?" Punang tanong sakin ni Marga pagkalapit ko.

" To see you, honey " Nakangiting sagot ko sabay kindat pero tinarayan niya lang ako but still I just smile.

" Kaninong bigay to?" I'm referring to the bouquet of flower that Marga's holding right now. " Sa isa ba rito?" Pagkatapos ay sumipat ako kay Clint.
" Patingin nga! ---- tsskk ang pangit naman!"

"Excuse me! And you are?" Napatingin ako sa taong nagtanong sakin which is Clint.

" Oh nandyan ka pala. Didn't you know me?" Tanong ko pabalik.

" That's why I'm asking. " Aniya

" Ah oo nga pala, I heard you're a transferee here. By the way, let me introduce myself to you--- I'm Akiero Co, Marga's boyfriend." Pagpapakilala ko and reason for them to be shocked.

" Hindi kita boyfriend!" Puna kaagad ni Marga sakin.

" Yung totoo?" -Erene habang nag uusisa ang mga tingin.

" Okay fine, I'm not yet her boyfriend." Saad kong binigyang diin ang not yet word na sinabi ko.

" Isn't it inappropriate to call her honey when you are not her boyfriend?" Puna ni Clint sakin which made my eyebrows raise.

"Tsk!" Natawa pa ako ng pagak. " Is there a law that says I can't call her honey even if she's not my girlfriend?" Puna ko pa. " Perhaps, we did spent a night together when we were in Korea---" highlight yung night together. " Didn't we?" Baling ko namang tanong kay Marga.

Tiningnan niya ako ng di makapaniwala look dahil sa sinabi ko especially the last one, pinanlakihan niya pa ako ng mata.

" Yes we did b---"

" See? " Putol ko agad sa sinasabi ni Marga at nagmamayabang na tiningnan si Clint which his reaction shows of disbelief.

" Yes we did but we didn---" Pinigilan ko siya sa sasabihin niya sa pamamagitan ng paglagay ng hintuturo ko sa ibabaw ng labi niya.

THE FANGIRL AND HER OPPA Where stories live. Discover now