Hindi pa rin ako mapalagay, alam kong binigay ko ang makakaya ko kaya nga first placer kami ngayon, pero nararamdaman kong hindi pa rin enough yun para makasama ako sa team na ipanlalaban sa national level. Malakas ang pakiramdam kong makukuha si Lucas dahil kahit ako ay napahanga niya sa kongreto nitong boses at mga matitibay na argumento. Hindi ko alam kung pati ako ay makakasama ron, sa mga oras na 'to, nanganganib ang aking pangarap na makarating sa national level.
“Galingan mo sa national level, matutuwa ako kapag nakita kong binigay mo ang best mo tulad kanina, ang galing mo kaya!" Napatingin siya sa'kin ng may pagtataka.
“Malamang gagalingan natin, maaabot mo na rin ang pangarap mo. Sa oras pa lang na 'to, tuwang-tuwa na ang kuya mo sa'yo kasi nagawan mo ng paraan yung pagkakamali mo kanina, sobra kaya kong napahanga sa part na yun sa'yo!" Alam kong pinapagaan lang niya ang pakiramdam ko. Alam rin niya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ko sa kaniya.
“Hindi na 'ko aasa, okay na sa'kin yung first placer tayo rito 'no!" And he hug me, mahigpit na mahigpit.
“Siguro nga nagkamali ka, pero hindi magiging hadlang yun para hindi nila makita yung kagalingan mo para maging qualified sa national level. Hindi nila tayo ia-announce na panalo kung magfofocus sila sa mali mo 'di ba? Magtiwala ka lang, magkasama tayo magiging anchor!" At hindi siya nabigo na pangitiin ako sa sinabi niya.
“Lahat po ng winners na students sa radio broadcasting ay inaanyayaan sa 2nd Floor building, Room 26 kasama ang kani-kanilang coaches, salamat!" Pagka-announce ay pumunta na kami sa room 26 dahil anong oras na rin. Gusto na ng lahat na umuwi dahil malayo ulit ang aming babyaihin.
Pagpasok namin, mukhang marami na rin ang nauna sa amin. Isang judges lang ang nandito at hindi iyon si Sir. Romy.
“Napagpasyahan na namin kung sino-sino ang nabuo naming team para ilaban sa National Press Conference Journalism sa taong ito." Pambibitin ng judge na nandito kasama namin.
“Kung tutuusin ay lahat naman kayo rito ay qualified sa national level nitong radio broad, ngunit kailangan talaga nating gumawa ng ganitong klaseng pagdedesisyon sa buhay na kung saan, hindi maiiwasang may mabigo, at may matuwa sa resulta. Kaya naman nais kong sabihin sa inyong lahat na congrats at sa mga mapipili, good luck!"
Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan. Gusto ko nang malaman agad dahil alam ko sa araw na ito, sobra akong napagod.
“Reporter for Local and International ay maggagaling sa Reporter ng Felizardo C. Lipana National High School, Dorothy Pinlac for Local and Jeomel Marasigan for International. Reporter for Sports ay manggagaling sa Keith Academy Institute, Miel France Go. For showbiz news ay galing sa Tiaong National High School, Nicole Anne Tamayo."
Nagulat ako, magaling naman yung sa showbiz news namin na si Stella pero bakit hindi nakuha? Sobra nga akong napapahanga dahil kuhang-kuha niya kung ano yung iniimagine ko.
“Sa Technical tsaka sa Infomercial, nakuha ng Keith Academy Institute, ang kanilang technical na si Jericho Guererro at ang kanilang Infomercial na si Lupin David. "
Anchor na ang susunod na ia-announce at hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ako, hindi ko maipaliwanag. May mali akong nararamdaman, hindi dapat ganito ang pakiramdam ko.
“Ang anchor one and two ay nakuha ni Steve Lucas Silverio ng KAI at Zayne Contevas ng TNHS. Congratul—"
“Zayne Contevas ng TNHS? Sino naman yun? Hindi naman tumatak yung boses at pananaw niya sa'kin yun ang ibig kong sabihin. Wala siyang binatbat kumpara sa Anchor one namin na si Cleovy Walter Zenfield, bakit siya ang napili mo? Humihingi ako ng pasensya kung nabastos ko kayo sa tanong ko, ang akin lang bakit hindi si Cleovy ang kasama ko."
Ang kalungkutan sa isip ko ay nahaluhan ng pagkagulat sa ginawa ni Lucas. I'm speechless, nakaramdam ng deja vu dahil alam kong ganito rin ang ginawa ko non.
"Excuse me hijo, sino ka?" Mahinahong tanong ng judge.
“I'm Steve Lucas Silverio ng Keith Academy Institute."
“Okay. Gusto ko lang ulitin na lahat kayo ay deserving sa posisyon para ilaban sa national level, walang halong biro. Ang sa akin lang, gagawa talaga tayo ng desisyong makakalungkot sa iba o kaya nama'y ikakasaya ng iba."
“Ang sa akin lang din po, hindi tama ang isang anchor na isinama niyo kasama ko. Ni hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang mga arguments niya e, ang gulo tulad ng resultang ginawa niyo."
“Kung hindi mo kayang respetuhin ang desisyong nagawa namin, maaari kang manahimik dahil hindi namin kinukuha ang opinyon mo."
“Hindi ito isang laro, lugar natin ang ipaglalaban namin. Nais naming manalo at ipanlaban ang nararapat na nasa pwesto hindi yung palakasan dito!"
“Sumusobr–"
“At tsaka kayo na rin ang nagsabi na lahat kami rito ay nararapat na ipanlaban sa national level ng radio broadcasting. Pwede niyo na kong palitan. Hindi ako lalaban ng hindi kasama si Cleovy Walter."
After niyang sabihin yun ay pumunta siya sa pwesto ko at hinawakan niya ang kamay ko. Patungo kami ng pinto at sumunod naman ako sa kaniya palabas ng kwartong iyon.
May kakaiba akong naramdaman nung hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Hindi naman ako robot kaya alam ko kung ano itong aking nararamdaman. Pero may hindi ako mapaliwanag, nakakalito, gusto ko munang klaruhin lahat.
Dapat bang maramdaman ko ito kahit na hindi ko alam kung ano ang tunay na intensyon doon sa ginawa niya?
Tama kaya itong nararamdaman ko sa kaniya? Kung tama man ito o mali, kailangan ko nang malaman. Hindi ko kaya ang ganitong pagkalito, kailangan kong klaruhin.
BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
RomanceHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?