Nangangatog pa akong binuksan yung cellphone ko, hindi ako mapanatag dahil baka mamaya, yung inaasahan ko talaga yung nag-add sa'kin kahit malabo naman mangyari yun.
“Sandali, t-totoo ba 'to?! Ay hindi, hindi ako maniniwala. Feeling ko dummy account ‘to. Kahit kailan ka talaga France!"
“Nababaliw ka talaga pag dating kay Jericho! Tignan mo kasing mabuti! Alam 'kong in-add ka talaga niya!"
“Umamin ka nga sa'kin, nabubuksan mo ang account ko ‘no?!"
“H-Hindi naman sa nabubuksan, nag-notif lang sa akin kasi nga naki-open ka sa'kin non e hindi ko pa naman nala-log out. Nito ko nga lang nalaman na hindi pala na-log out yun account mo e, kaya ayun ako na gumawa."
“Dahil kaibigan naman kita sige, maniniwala ako sa sinabi mo"
Jericho Guerrero sent you a friend request. Tinignan ko agad ang timeline dahil hindi naman talaga ako naniniwala na ia-add ako ni Jericho. Jusme, out of nowhere tapos ia-add ako, huh, imposible.
Tinignan ko agad ang mga photos, at napagtanto ko na may milagro nga. Napaka-OA ko talaga pag dating kay Jericho, sobra akong natutuwa sa nararamdaman ko. Tama nga, main account niya talaga yun, pero bakit? Sobra akong naku-curious. Hindi ko naiisip na baka may feelings na to sa'kin dahil sobrang labo non.
Si Jericho ang three consecutive years na president ng music club sa aming school. Four years na akong member sa music club kaya consider na rin ako as senior member. Hindi ko naman talaga priority ang music club kaya hindi ako tumatakbo na officer. Everytime na nagpeperform si Jericho, sobra ako mangatog as in pati buto nanlalambot. Alam kong alam niya yung nararamdaman ko sa kaniya pero wala pa ring nagbabago sa amin. I mean hindi siya lumalayo sa'kin o kaya naman hindi siya nagpaparamdam kung mahal niya rin ba ako. Pero hindi ako nagmamadali, kung tutuusin mga apat na taon na nung magustuhan ko siya.
“Hay nako France, wala lang 'to, wala akong nakikitang kahulugan dito, huwag mong lagyan ng kung anong malisya yun."
“Nananahimik ako ses, wala akong sinasabing kung ano-ano. Hindi ko nilalagyan ng malisya, ikaw d'yan ang natataranta tapos ako sasabihan mo, hala ka."
“Hala ka, hala ka d'yan! Oo na ses, nakakangatog naman talaga ang Jericho, jusko boses pa lang kapag kumanta, ay! Nakakawindang talaga day! Kahit hindi sa'kin nakatingin pakiramdam ko ako yung hinaharana."
“Ganyan talaga mararamdaman mo kasi inlove ka sa kaniya. Hindi ko naman maramdaman yang sinasabi mo sa kaniya, masyado kang exaggerated magkwento!"
Inerapan ko na lang siya at niligpit na ang panapin na ginamit ko. Anong oras na kaya kailangan na naming umuwi. Inalok ako ni France ng pagdala sa basket na dala ko. Hindi ko naman ito tinanggihan dahil kung matagal mo nang nakakasama si France, alam mong minsan lang yan tumulong, kapag makikita ka lang niya na nahihirapan tsaka lang siya gagalaw. Jusko feeling feminine nga itong France na 'to, kala mo nakalunok ng dalawang banig na pills pampalambot o kaya naman ay dalawang oras pinakuluan, sobrang lambot.
“Pupunta ka pa ba ng bahay? Baka kasi hinahanap ka na ni tita anong oras na rin."
“Ano ka ba Walter, para namang laging bago sa'yo 'tong ginagawa ko 'no. Huwag ka mag-alala, nagpaalam ako kay mama kaya alam nilang nasa inyo ako. Tsaka sobrang layo ba ng baryo niyo sa amin ha? Alam mo ikaw, gusto mo na kong pauwiin kasi baka may pupuntahan ka na ayaw mo 'ko isama. Wala lang, nakahalata lang talaga ako."
Laging hinala si France kapag maaga ko siya pinapauwi. Wala lang, gusto ko lang lagi siyang inaasar, patola kasi yang si France, mapagpatol. Ang lakas mang asar pero pikunin din naman. Kung hindi ko lang 'to matalik na kaibigan, siguro iniwan ko na 'to at kanina pa ko nauwi.
“Hay ewan sa'yo te, ang OA mo talaga. Gusto ko lang naman na maaga ka umuuwi baka kasi mapagsamantalahan ka d'yan. Alam ko namang ligawin yang mukha mong inispalto 'di ba. Paano na ko kapag napagbiruan ka d'yan, alam mo naman yang mukha mo minsan, mapagbiro."
“Kung di lang kita kaibigan, baka pinabayaan kitang bitbitin 'tong basket na 'to."
“Ahh, sumbat. Sige, sumbat."
“Eme lang mars, lambing lang. Parang di naman malambing."
Makalipas ang ilang minutong byahe sa jeep ay nakarating na rin kami sa bahay. Binati namin ang inay at itay na nanonood at dumeretso na kami sa kwarto ko. Dumeretso ako sa comfort room dahil kanina pa ako tinatawag ng kalikasan. Hindi ko naman na kailangang alalayan si France sa kwarto ko dahil madalas naman siya rito, kulang na lang dalhin niya na rito yung mga gamit niya.
“Sa tingin mo kaya, makakasama pa rin natin sa radio broadcasting si Jericho?" Tanong sa akin ni France. Sa tono ng kaniyang boses, halatang may kinakain siya, ano na naman kaya ang nilalantakan neto.
“Technical na ng radio broadcasting natin yun for four years, halos magkasabayan lang kayo. Magaling din naman siya kaya feeling ko kahit kasali siya sa elimination round, makukuha pa rin siya."
“Tsaka naisip ko rin na gamay na niya yung tyempo kung kailan dapat papasok yung background music tapos kung anong klaseng tugtog yung gagamitin, walang duda na makakapasok siya."
“Tama!" Pagsasang-ayon ko sa kaniya.
“Tama, tama, tuwang-tuwa ka na naman kasi makakasama mo ulit si Jericho!"
Lumabas muna ako ng CR bago ko siya sagutin. “Baliw ka talaga 'no. Magtatanong ka malamang sasagutin ko tapos bandang huli sa'kin mo ipapasa, ang galing!" Sabay kaltok sa kaniya. “Tsaka hindi ko na talaga kailangang alalayan ang isang tulad mo dito sa bahay kasi alam ko kung saan nakalagay ang mga pagkain, 'no?"
“Pag nakatin nga satin si tita Cherish, gusto non lagi mo 'kong pinapakain. Sobrang bait sakin ni tita 'no? Minsan ba hindi ka nag-iisip na baka mamaya ako talaga yung anak niya at hindi ikaw?"
“Gaga! Hindi kapani-paniwala yung iniisip mo kasi una sa lahat pango ka, yung buhok mo naglalagkit, yung kutis mo mamasa-masa, yung mata di na naalisan ng muta, minsan may naaamoy ako sayong maasim parang pwede nang magsinigang d'yan minsan e, sobrang layo talag—"
“Oo na ses, kulang na lang saksakin mo 'ko. Parang wala kang nakalimutan na panglalait sakin ah!"
“Hindi ka naman mabiro! Syempre mas maganda ka sakin, kaya nga ang dami mong exes diba?"
“Well, alam ko naman yun." Nanatili muna si France nang isang oras sa kwarto ko dahil sa pagkukwentuhan namin. Minsan talaga hindi na namin namamalayan yung oras. Kapag kasi nag-uusap kami niyan, sobrang exaggerated ng kwento, to the point na magtatalo kami kung anong mabango at magandang word ang kailangan naming gamitin.
“Eto ses huling chika, may hot guy raw na sasali sa elimination round bukas. Base sa mga ingay ng mga bubuyog, transfer raw siya nitong grade 11 pa pero ngayong grade 12 lang siya susubok na sumali sa journalism, at sa radio broad pa mismo!"
“Familiar ba mukha niya? SSG naman ako sa school natin pero hindi ko pa nababalitaan yan. Anong section siya?"
“Opps, kalma lang. Natataranta ka pa talaga! Pag dating talaga sa mga hot guy, di ka papakabog, no? Malamang wala kang balita ron kasi ngayong year lang nalaman ng karamihan yung account niya, send ko ba sayo?"
“Wag na, waste of time." Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at puwesto sa pintuan.
“O sige. Uuwi na ko ses, hindi ko talaga sesend? Sure ka?"
“Oo nga, sige na umuwi ka na at gabi na!"
“France!" Akmang nasara na ni France ang pinto nang muli ko itong tinawag.
“Psssh, huwag ka na magsalita, alam ko na sasabihin mo. Sesend ko mamaya, pag-uwi ko. Kunware pa!" Alam ko namang nasa pintuan pa si France, naghihintay na tawagin ko ulit siya.
Kilala na talaga 'ko ng chaka ng 'yon, hindi ko na kailangang magulat. Sino kaya yung guy na sinasabi kanina ni France? Na kaka-interesadong kilalanin.
BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
RomanceHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?