07

15 2 0
                                    

Maaga akong nakarating sa school at dederetso na ako sa studio namin para magpractice. Sa susunod na lunes na ang laban kaya mayroon na lang kaming anim na araw. Mahigit isang taon ko nang namimiss ang radio broadcasting at ngayon ay heto na!

Kinuha ko ang cellphone sa bag para may pagkalibangan habang naglalakad. Pagkabukas ko ng internet connection, bumungad agad sa notification ko ang post ni Xieraye. Hindi ko pa nakikita pero kinakabahan na ko. Ngayon ko lang naalala na baka flinex niya sa social media si Lucas. Wala lang ako sa sarili ko non nang nasabi ko yun kay Raye, nadala lang ako ng pagkainis ko pero ayokong dumating sa ganon. Alam kong fair si Xieraye kaya naman ayokong bahidan yun ng sarili kong intensyon na baka mamaya, mali ang pagkakakilala ko kay Lucas.

Tinignan ko agad ang post at hindi ako nagkamali, si Lucas nga yun at nakaramdam ako ng pagkababa. Mali ko, hindi dapat ako nagpadala sa galit. Marami akong nakikitang negative comments at may nakikita akong nagtatanggol kay Lucas. Kailangan kong makausap ngayon si Xieraye kaya pupunta ako sa Room na pinagpapractisan nila. Nang kakaliwa na ako nang daan, hindi ko nakita na may naglalakad pala papalapit sa akin kaya nabangga ko ito. Masyado kasi akong taranta kaya hindi ako agad nakatingin sa dadaanan ko.

“So sorry! My fault." Nang tumingin ako sa kaniya, doon ko lang narealize na si Lucas pala ang nabangga ko. “L-Lucas, can we tal—?"

“About what?"  ang lamig ng pakikitungo niya, as expected. Sino ba namang gaganahan pa makiusap kung ganong balita ang maririnig sa umaga niya. Alam niyang ako ang nagpagawa non dahil ako lang naman ang nakaalitan niya kahapon.

“About the post–"

“Huwag mo nang isipin yun, it's not big deal." At walang paalam siyang umalis. Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya hindi ko malaman kung anong iisipin ko sa kanya. Naghahadali akong pumunta sa lugar na kung saan nandon si Raye. Kailangan nang mabura yun habang wala pang masyadong nagbibigay ng kani-kanilang kumento sa post.

“Raye!" Nakita ko siya papuntang comfort room dito sa ABM building, dito pala sila nag eensayo.

“Anong nangyari at parang naghahadali ka d'yan!"

“Delete your post about Lucas, please!"

Tinignan niya ko nang may pagtataka “Why? I mean totoo naman na napaka yabang niya diba?!"

“No, Xieraye. Hinusgahan ko agad siya, kailangan kong bumawi sa kaniya. Sorry mi, masyado akong nagpapadala sa galit, nagisip ako nang trash idea without knowing na baka makasira yun sa reputation ng group niyo. Sorry!"

Napahinga siya nang malalim at tinapik ang likod ko. “Sa tingin ko maiintindihan naman yun ng mga students. Huwag kang mag-alala, ako nang gagawa ng paraan. Huwag mo nang masyadong isipin yun at pumunta ka na sa studio niyo, baka hinahanap ka na ron." Xieraye never disappoints me. Alam niya kung paano ako papakalmahin. Napakaswerte ko at nakilala ko siya.

Pag punta ko nang studio, ako na nga lang talaga ang hinihintay nila. Sobrang maintindihin ng group na 'to ngayon pero humingi pa rin ako nang paumanhin sa lahat. Nabaling ang tingin ko kay Lucas, focus lang siya sa binabasa niyang script, katabi ko siya dahil nga parehas kaming anchor.

After namin magpractice nang almost two hours, nag break muna kami para naman hindi kami masyadong mapagod. Sa unang practice talaga, maraming ganap pero nakikita ko namang maayos ang lahat. Pagkabalik ko sa pwesto, nakita kong gumagawa nang lecture si Lucas. Binilhan ko siya nang water tsaka hotdog na nasa bun since dabest na tinda ng canteen 'to para sa'kin.

“Thanks." he said while giving me a bit smile. Sa tingin ko, goods din sa kaniya 'tong hotdog dito sa canteen. It's a normal hotdog na nasa tinapay, nilagyan nang catsup at mayonnaise. Siguro fan lang talaga ko ng hotdog kaya ko nasasarapan.

Lost In Your World (BL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon