I forgot! Kailangan ko palang gumising ng maaga ngayong araw na 'to. It's sunday at sa wakas, malulutuan ko ang aking kuya, mali, ate pala ng kanyang paboritong sinigang na hipon. Tama nga, ang panganay ni Cherish at Larry Zenfield ay bakla, parehas kami ng kuya ko. Kahit na ganon siya, gusto niya pa ring tinatawag ko siyang kuya at ayaw na ayaw niya na ang tawag sa kanya ay ate.
Habang nagluluto ay binabasa ko ang mga script namin dati na binigay sa'kin ng coach ko upang makapagpractice ako sa darating na competition. Next next friday kasi, laban na namin ng Press Conference Journalism at ang kategorya ko ay Radio Broadcasting. Pang-anim na taon ko nang hawak itong kategorya kong ito at lagi lang akong division level dito. Hindi naman ako sa nagrereklamo dahil achievements na rin yun, ang sa'kin lang sana ngayong huling taon ko sa senior high ay makapunta kami ng national competition.
Sabi ng coach ko this monday na isasagawa ang elimination round sa radio broadcasting at gusto nila akong isama sa gagawin na iyon. Hindi ko na raw kailangang sumali dahil matatanggap naman na raw ako bilang anchor one. Bukod sa nakasanayan ko na maging anchor sa kategoryang ito, may malalim na dahilan kung bakit nais kong makapunta ng national level.
Ang kuya ko ang nagimpluwensya sa'kin mag anchor sa radio broadcasting since ayun din ang kanyang hawak na kategorya nung highschool. Sobra niya kong napapahanga kung paano niya binibigkas ang mga letrang nakasulat sa kaniyang binabasang script, nakakamangha. Tinuruan niya ko kung paano maging anchor kaya nung grade seven ako at unang beses ko nung sumali, ginawa na nila akong anchor dahil nakuha ko raw ang istilo ni Kuya Leovy. Nakaabot kami ng division level nung araw na yun at sobrang proud sa'kin ng kuya dahil nakikita niya kong masaya sa ginagawa ko.
Pagkaluto ng aking niluluto ay binanlawan ko na ang Tupperware na binili ko kahapon sa bayan. Medyo malapit lang naman samin ng bayan, hindi na kailangan sumakay sa tricycle. Pagkapunas nito ay nilagyan ko na agad ito ng aking niluto. Nagdala na rin ako ng kanin para doon na rin kumain.
Alas nuebe ako natapos sa pagkakaluto at balak ko ring hatiran ang inay at itay dahil maaga silang umalis at may aasukasuhin sila sa kanilang schoop, sa Felizardo C. Lipana National High School, ilang metro ang layo sa amin. Minsan talaga kahit weekends ay nasa school sila para may asikasuhin.
Sumakay na ako ng jeep pagkatapos kong ayusin ang mga dapat kong dalhin. Medyo maluwag ang jeep ng mga oras na yun dahil hindi pa kami dumadaan sa palengke ng Sta. Rita. Kung aking bibilangin ay mga nasa pito pa lang kaming nasa jeep. Isang mag-asawang mukhang namili ng mga kailangan sa kanilang bahay, may tatlong lalaking magkakaibigan na nagkukwentuhan at isang mga late twenties ang edad na babae, mukhang papasok sa kaniyang trabaho. Nandito ko malapit sa labasan ng jeep, hindi ako umuupo sa unahan dahil ang sabi nila'y para daw ito sa mga people with disability (PWD).
“Manong sa babaan lang ho" Hindi ata narinig ni manong, ang ingay kasi nung tatlong lalaki, parang ngayon lang sila nagkita-kita.
“Manong dit—"
“Para raw ho, manong." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ang isa sa mga magbabarkadang lalaki. Mas malakas naman ang boses niya kumpara sa'kin kaya okay na rin. Pagkatigil ng jeep ay bumaba na ako, hindi na ko ulit tumingin sa jeep.
“Hi Walter, anong sadya mo rito?" Bati sa'kin ng body guard ng school, sobra na naman akong nakukuha ng mga tingin ni kuya Kiel!
“H-Hahatiran ko sana ng pagkain ang inay at itay, pwedeng ikaw na lang ang maghatid sa kanila. May pupuntahan pa kasi ako e. P-pero okay lang kahit hindi ka pwede, k-kung available ka lang sana." Nahihiya talaga ako sa kaniya. Ni hindi ko makuhang tumingin sa kaniyang mga mata, mabilis niya kasi akong nakukuha kapag tinititigan niya ko. Alam niyo naman 'tong bakla 'to, nangangatog pa!
BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
РомантикаHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?