Since napili na ang lahat ng participants sa radio broadcasting, tumulong kami sa pag-ayos ng mga gamit at ibabalik ito sa studio kung saan kami nagpapractice.
Hawak ko ang list ng mga pangalan ng mga participants na napili. Jerome Mariano ang pangalan ng Local News namin, Lorraine Martinez naman sa International News. Technical namin si Jericho, Sport News si France, Showbiz News si Stella Atencio. Infomercial namin si Lupin David, at ang kasama ko naman sa anchor ay si Steve Lucas Silverio.
Siya pala ang tinitilian ng mga babae kanina, pati ang dahilan ng pagdami ng may interesado sa radio broadcasting. Tsaka hindi ako natutuwa sa point na akala niya ginagawa ko iyon para sa kaniya. Sige, aaminin kong gwapo nga siya, p-pero ayoko sa lahat yung ugaling mayabang at gwapong-gwapo sa sarili. May point dahil gwapo siya pero pwede naman kasing maging humble ka lang, 'di ba? I mean ayoko talaga ng ugaling ganon kaya unang impression ko sa kaniya, mayabang.
After kong matapos tumulong magligpit, may babaeng naghihintay sa exit ng studio, si Michelle Agoncillo. Hindi ko kilala kung sino ang hinihintay niya kaya dumeretso na lang ako. “Bakit mo 'to ginagawa?"
Tumingin ako sa likod kung sino ang sinasabihan niya at napagtanto kong ako lang ang nandon, kaya maaaring ako ang kaniyang kinakausap. “Ako ba ang kinakausap mo, Michelle?"
“Bakit kailangan mong ipaglaban kung sino ang iyong makakasama kahit ako naman talaga ang nanalo? Bakit, Walter! Bakit hindi mo na lang ibigay to sa mas bata sa'yo!" Nilapitan ko siya.
“Girl, you don't understand kahit mag-explain pa ako sa'yo. Maybe it's not your time para maging anchor, maybe next year!"
“Anong akala mo sa'kin, bata pa? Asan ang point sa sinasabi mong hindi ko maiintindihan?! B-Bakit ikaw, 'di ba grade seven ka nagsimulang maging anchor? K-Kaya huwag mong sasabihin na hindi pa ito ang ora—"
“You know what, ang point sa sinasabi kong hindi mo maiintidihan ay wala akong makitang katangian sa'yo nang pagiging isang anchor. Puro kayabangan, pagmamalaki, ang nakikita ko sa'yo. Hindi mo maiintindihan ang hangarin kong manalo sa kompetisyong ito! Kumakalam ang sikmura ko para ipagsigawan sa lahat ang kaya naming gawin! Nangangati na akong ibigay ang lahat ng makakaya ko para masupalpal sa inyo na hindi ako isang bakla lang, dahil hindi lang natatapos yun doon! At ayon ang hindi ko makita sa'yo, wala kang hangarin."
Pagkatapos kong sabihin yun, umalis na rin ako. Kanina pa siguro naghihintay si Xieraye tsaka si France sa'kin. May usapan kasi kami kanina na after ng event, sa bahay kami pupunta.
“Hey!" Napatingin ako sa likod, wala naman don yung tumatawag sa akin. Namalayan ko lang siya nang akma na siyang pupunta sa akin. Ang lalaking may number seven, I forgot his name basta alam kong may kapangalan siyang reporter, lol.
“Kung sasabihin mo ulit na ginawa ko yun para sa'yo, manigas ka na lang, please!" Nangangati talaga lalamunan ko kapag nakaka-encounter ako ng mayayabang na tao. Kanina yung bata, ngayon naman itong lalaking 'to! Maybe I'm traumatized, ayoko lang maulit, swear sobrang sakit non. Kaya siguro ganito ko sa tao, grabeng perwisyo binigay sa'kin.
“Gusto ko lang magpasalamat, parang ang init ng ulo mo lagi pag dating sa'kin."
“Kasi nga mayab—"
“I'll changed my mind, hindi ko na pala kailangan marinig opinyon mo. Basta ang alam ko, wala akong ginawa sa'yo at nagpasalamat na ko sa nagawa mo." Nilisan niya akong nakahawak sa kaniyang mga bulsa't naglakad na parang hindi siya ang tumawag sa'kin. Ang yabang talaga! Kala niya sobra akong nakukuha sa mapupula niyang mga labi kapag nagsasalita siya! Akala niya kasi sa labi lang niya ko nakatingin! Akala niya mapapansin ko yung maliit na nunal niya malapit sa malalambot niyang mga labi, hinding-hindi!
“Para kang naka-red carpet kung maglakad ah, kanina pa kami ni Raye dito, oh!" Kahit kailang talaga 'tong si France, ayaw na ayaw maghintay. Gold ba tinatae neto?
“Kumalma ka lang, may kinausap lang akong dalawang mayabang na nilalang."
“Sino yun, ha? Ipa-flex ko na ba sa mga members ko ha, nang mapag-usapan?!" Sabi ni Raye.
“Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras si Michelle Agoncillo, si Steve Lucas na lang kasi don ako bwisit na bwisit, ubod ng yabang! Umiinit talaga dugo ko sa kanya!" Pero may part sa nararamdaman ko na I'm scared, ayoko na ulit maka-encounter ng mayabang because the last time na nakaencounter ako ng mayabang, feeling ko napaka-baba ko.
Hindi ko na pinatagal ang topic na yun at dumeretso na sa bahay. Hindi ako komportableng pinaguusapan yung kanina kaya hindi ko na tinagalan pa.
Nandito na kami sa kwarto ko, naghanda ako ng makakain namin at bumili ng softdrinks. Mukhang hanggang mamayang gabi pa kami rito since maraming nangyari kanina at marami kaming dapat pag-usapan.
“So ayun nga. Sobrang daming nangyari sa araw na 'to, nakakaewan!" Panguna kong sabi sa kanila habang nilalagay sa table yung niluto ko at softdrinks.
“Feeling ko talaga sobrang tanga ko pag dating kay Lawrence!" Kapag nag-uusap kami nang ganito, hindi na namin sasabihin kung sino dapat maunang magkwento dahil alam na namin kung paano ito magsisimula.
“Ano ba kasing nangyari kanina, Raye?! I mean, oo it's all about Lawrence again pero this time bakit sobrang seryoso naman?" Tanong ni France.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago niya masagot ang tanong ni France. “S-Sabi niya sa'kin, tigilan ko na raw siya. Tulad ng iba, simpleng instruction lang yun, p-pero bat hindi ko maunawaan!" Sagot niya sa amin. Ramdam namin ni France ang lungkot ni Raye. Opportunity seeker ang lalaking yun, at ang alam namin na kapag may nagkakagusto sa kaniya, gina-grab niya yung opportunity na gawing jowa ito. Kung anong araw niyang trip na hiwalayan yun, gagawin niya nang hindi iniisip ang nararamdaman ng nasaktan niya. Hindi lang yun ang dahilan kung bakit ayaw ko sa kaniya para kay Xieraye, ayokong matulad yung kaibigan ko sa mga nabiktima niya, sobrang nakakababa.
“P-pero pasalamat na lang tayo na hindi ka niya itinulad sa mga binibiktima niya. I-I mean kilala naman natin ang isang Lawrence, marami nang naging ex dahil kung magpalit siya ng jowa ay parang nakakadalawang babae siya sa isang linggo. At hindi normal yun, Xieraye! Dapat alam mo na hindi ka dapat nagkakaganyan sa ganon kababang tao!" Tugon ni France. Tama naman ang sinabi niya at agree ako sa kaniya tungkol doon.
“Alam ko! At ayun ang hindi ko maintindihan sa sarili ko! Bakit kailangan kong magpakababa para sa kaniya!"
“Minahal mo, Raye. Huwag mong sisihin yung sarili mo sa bagay na yan dahil kahit ikaw, hindi mo maipaliwanag kung ba't ka nagse-settle sa ganong klaseng tao." After kong sabihin yun, napatingin na lang siya sa kisame, tumingin din sa lapag at doon nagsimulang lumuha. Hinayaan namin siyang umiyak, ilabas yung bigat nang mabawasan kahit konti.
Napatingin ako kay France, mukhang hindi naman siya nalulungkot kay Elaijan. Dahil nga sa mabait ito at matalino, mas lalong nahuhulog si France at mas iniigihan ang kaniyang pag-aaral. Nahihiya raw kasi siya kay Elaijan kung sakaling maalis siya sa honors. Walang palya kasi itong nakakasama lagi sa with honors. Hindi ko na tinanong si France tungkol sa kanilang dalawa ni Elaijan dahil mukha naman na nga siyang okay.
Hinintay lang namin maging okay ang pakiramdam ni Xieraye at umuwi na rin sila. Magsisimula na ang practice namin bukas kaya excuse na rin kami sa klase. Makakasama ko na rin sa wakas si Jericho pero may isang banda sa isip ko na hindi masaya dahil ang kapartner ko pala para sa anchor two ay si Lucas, ang mayabang.
Seryoso, ilang buwan akong magtitiis sa kaniya?! I mean kung manalo kami sa EDDIS, mas lalo lang hahaba ang araw na pagtitiis ko kay Lucas! Iniisip ko pa lang, nanghihina na ako.
BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
RomanceHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?