Maaga na 'kong nakapunta ng studio para naman makabawi sa pagkalate ko kahapon.
“Good Morning, Jericho!" Akala ko ako yung unang nandito sa studio, nakalimutan ko pa lang laging maaga itong si Jericho sa practice. Nginitian niya lang ako at bumalik sa kaniyang sinusulat. Nanghiram din ata siya ng lecture sa kaklase niya. Naghanap ako ng upuan para masimulang i-lecture yung mga kulang ko kahapon. Wala naman kasi kong ibang magawa habang hinihintay yung ibang members.
Tungkol naman sa practice namin, mga dalawang araw pa ay tiyak akong pang champion ang performance namin. As in legit, sobra nilang gagaling sa kani-kanilang mga pwesto.
“Walter" habang busy ako sa sinusulat ko, hindi ko napansing dalawang beses na pala akong tinatawag ni Jericho. Nakakapagtaka lang, I mean lagi naman akong nagtataka at naguguluhan kung bakit niya ko tinatawag. Hindi ko maexplain sa sarili ko na normal lang niya kong tawagin dahil ka-team ko siya at President ako ng SSG, na baka may kailangan lang siyang tanungin. Basta pag dating sa kaniya, lagi akong naguguluhan.
“Pasensya na, hindi ko agad napansin yung tawag mo." Nagulat na lang ako at nasa likuran ko na siya.
“Hindi kasi talaga ko komportable sa pwesto ko kanina at mukha namang maganda dito sa pwesto mo. Pwede ba akong makitabi? Malapit naman na akong matapos, kung okay lang sana sa'yo."
“Nako, okay lang! Hindi mo naman kailangang magpaalam, malaki pa naman yung space. " Balik ko sa kaniya. Medyo naiilang akong umusad para naman makaupo siya ng komportable. Naghahabol din siguro siya sa mga lectures niya, well hindi naman nakakapagtaka dahil nahahabol niya talaga yung mga aralin since nagstart siyang sumali sa radio broadcasting. Ilang beses ko na sigurong nasabi sa sarili ko na masipag talaga si Jericho.
"Mukhang maaga ka ngayon, Walter. May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa'kin yan since matagal naman na tayong magkakilala. W-Wala lang, parang kumustahan lang. Marami kasing nakapagsabi sa akin na mas magandang mag open up kapag hindi mo masyadong nakakausap yung tao or pwede ring stranger." Ani niya at patuloy lang siyang nakangiti sa akin. Matagal naman na talaga kaming magkakilala, pero ni minsan wala akong naalala na tinanong niya ako ng ganito. Unang beses lang nangyari 'to like, sobra akong naaamaze. Bibihira lang mag level up yung communication namin pero nasasatisfied naman ako sa tuwing nangyayari yun.
"Wala naman yun, kailangan ko lang talaga habulin yung mga lectures ko. Salamat sa concern mo."
After kong sumagot sa kaniya, binalot kami ng katahimikan sa loob ng sampung minuto at bigla ulit siyang nagsalita. "Gusto mo tulungan kita sa lectures mo? Tapos naman na ako sa ginagawa ko e. Don't worry, hindi naman gaanon pangit yung sulat ko."
Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. Nahihiya nga ako dahil ngayon lang nangyari samin ito at ganito pala yung pakiramdam ng kinikilig kay crush. Naha-hot sit ako, like namumula ata ako sa mga offerings niya sa akin.
"Naku! Nakakahiya yun, Jericho. Magpahinga ka na lang kesa naman mapagod ka pa kapag tinulungan mo ako. Tsaka kaya ko pa naman siya, ginagawa ko lang habang hindi pa tayo nagsisimula."
"No it's okay! Hindi naman ako mapapagod sa simpleng pagsulat lang ng lectures, Walter." Pagkatapos niyang magsalita ay kinuha niya ang dalawang notebook na nakatapat sa kaniya. Since wala naman na akong magagawa, itinuro ko na sa kaniya kung ano ang mga bahaging hindi ko naisulat.
"Eheeeeem! Naku, mukhang masama ata pakiramdam ko ngayon ah, ang sakit ng lalamunan ko!" Hindi ko namalayang dumating na pala si France at akala mong totoo talaga yung mga pinagsasabi niya. Automatic sumasakit ang lalamunan kapag nakakausap ko si Jericho, ano kami, plema?
Hindi ko na siya pinansin pero nagulat ako at tumabi sa akin itong chakang 'to. Itinulak niya ko para magkaroon ng espasyo sa gilid at nang makaupo siya. Hindi ko namalayang napakalapit na pala ng pwesto ko kay Jericho. Tinignan ko nang masama si France habang binibigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
Tapos na ko sa aking ginagawa at hinihintay na lang si Jericho na matapos ang part niya. Nahihiya akong kunin ang notebook ko at sabihing ako na lang magtatapos dahil kung mapapatingin ka sa kaniya ay tila seryoso ito sa kaniyang ginagawa. "I'm done!" Bumalik bigla ang ulirat ko nang makitang nakatingin na sa akin si Jericho at binibigay na ang notebook ko. Malamang niyan ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
"Nagutom ako sa paglelecture, ah. Grabe yung araw na 'to, hindi pa nagsstart yung practice pagod na agad ako." Ani ni Jericho na nakatingin sa akin pero nung tinignan ko na siya, iniwas niya agad ang tingin niya.
"Grabe ka naman ses, ginutom mo naman si Jericho sa paglelecture sa notebook mo. Mag offer ka kaya ng kain sa canteen para naman makabawi ka." Kumakalembang na naman sa aking tenga ang boses ni France. Ano naman ang iooffer ko e hindi ko naman alam favorite food niya dahil kahit ano naman kinakain niya. Ioffer ko na lang kaya sarili ko?
"Tara sa canteen, Jericho. Kain muna tayo habang hindi pa nagisstart." Pangaaya ko sa kaniya.
"Sure, pero ako na gagastos. No more buts. Tara na!" He answered and he slowly grab my right hand. Alam kong hahawakan niya ang kamay ko pero wala akong nagawa. Syempre gusto ko rin naman yun 'no. Sino bang hindi mauulol kay Jericho?
Medyo may kalawakan ang canteen ng KAI kaya naman hindi nagkakaroon ng siksikan dito tuwing lunch time. Pag pasok namin ng canteen, sa bandang hulihan kami pupwesto ni France since sumama nga siya samin ni Jericho. Nawala rin hiya niya 'no pag dating sa libre, parang ako lang. Ako na nga yung tinulungan, ako pa yung nilibre.
“Ang taray, level up yung talking stage niyo ni Jericho ah, magkwento ka naman." Chinika muna ko ni France habang bumibili pa si Jericho.
“Gaga! Anong talking stage ka dyan, hindi naman kami lagi nag-uusap." Hindi ko muna kwinento yung napansin kong pagbabago ni Jericho, baka kasi mausog sayang naman. Inismiran niya lang ako at nagcellphone na lang siya. Maya-maya pa ay nandiyan na si Jericho, kasabay ang nagtitinda sa canteen na naghatid ng makakain namin.
“Sobra talaga akong nahihiya, Jericho. Naabala ka pa namin, sorry." Paghinigi ko ng paumanhin sa kaniya samantalang nakangiti namang nakatingin sa'kin si France. Napangiti naman si Jericho sabay iwas ng tingin. “Don't apologize, wala ka namang ginawang mali." Pag ngumingiti talaga si Jericho, nawawala yung mata niya. Nakakabaliw.
Kalagitnaan ng paguusap namin tungkol sa practice, hindi ko sadyang napalingon sa bandang unahan. Nakita ko si Lucas na papalapit sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang nahiya, siguro dahil pa rin sa nangyari sa bahay nila.
“Pwedeng makiupo?" Ang bait naman ng pakikitungo ni Lucas samin ngayon. Mabait naman siya pero ako ba yung kinakausap niya? Hindi kasi ko makatingin sa kaniya. “Sige lang, pre." Si Jericho na lang ang sumagot sa kaniya since hindi ko nga siya tinitignan. Napatingin tuloy sa'kin si Jericho na parang gusto niyang sabihin sa'kin kung okay lang ba ako. Tumabi sa kaniya si Lucas kaya naman nasa harapan ko na siya ngayon. Para akong baliw na nagiiwas ng tingin kaya hindi niya na napigilang tumawa.
“Bakit ka kasi namumula?! Sorry... Hindi ko lang napigilan tawa ko." Ani niya. Inerapan ko na lang siya at tinapos ang pagkain. Maganda ka ba sa ganon ha, Walter. Makapagtaray parang kawalan.
Late na ng isang oras bago ako nakauwi sa bahay. Nagextend kasi kami ng oras sa practice since ilang araw na lang ay laban na. Pagpasok ko ng bahay, tahimik na nakaupo si mama at papa sa sala na parang hinihintay talaga nila ko na dumating.
“What happened? Ba't ang tahimik niyo pong dalawa?" Bungad kong tanong sa kanila. Sinenyasan naman ni mama si papa, parang gusto niyang sabihin na si papa na lang ang magsabi sa akin. Huminga muna siya ng malalim bago ako kausapin. “Ang principal kasi namin, anak. Binigyan niya ko ng malaking opportunity na sa magtrabaho sa States kasama siya."
I totally shocked and sad. Magandang opportunity nga naman ang makapagtrabaho sa ibang bansa pero bat parang nakabuo na sila ng desisyon. Bakit parang ramdam ko na wala na akong magagawa para baguhin ang pasya ni papa?
“Wala naman siguro tayong malaking utang para kailanganganing magtrabaho ni papa sa ibang bansa? Kaya niyo naman siguro akong buhayin ng dito lang nagtatrabaho, hindi naman po ako ganon kagastos. Hindi naman po ako maluho, hindi naman ako nagaaksaya ng tubig, kuryen–"
“Hindi yun dahil don, Walter. Tatlong taon lang ako doon tapos kapag nakaipon na ko, babalik na ko sa inyo ng mama mo." Pagpapaliwanag sa'kin ni papa. “Sige po, mukhang wala naman na 'kong magagawa sa desisyon niyo. Ang sakit lang na hindi niyo na pala kailangan ng opinyon ko bago magdesisyon." Iniwan ko ang sala ng may katahimikang namuo sa pagitan ni mama at papa. Tumataas ako papunta sa kwarto ng umiiyak, hindi inaasahan na masasabi ko yun sa kanila.
BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
RomanceHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?