04

6 3 0
                                    

Ang layo ng tingin ko, hindi ko kasi natandaan kung saan nanggaling yung boses, bigla kasi akong natulala nang marinig ko ang boses na iyon.

“Ang layo ng tingin mo ses, ayun lang siya oh, nakatingin dito! Nakakahiya tuloy para kang natataranta nung may tumawag lang sayo!" Sabay tinuro ni France ang kinaroroonan ng taong tumawag sa akin.

Tama nga ako, si Jericho nga ang tumawag sa akin. Alam kong minsanan lang ito mangyari pero sa tuwing mangyayari to, laging may pagtatalo sa isipan ko kung ano ba ang ibig sabihin nito. Na baka may nakatagong mensahe sa mga kinikilos niya sa akin o baka sadyang assuming lang ako na baka may kailangan lang siyang malaman na nalalaman ko, kaya magtatanong lang siya sakin, na palaging nangyayari sa tuwing tinatawag niya ako. Kailangan ko na naman bang umasa? Ulit?! Na sa loob ng apat na taon, hindi man lang ba ako masasanay? Hindi ba ako madadala?

Akmang lalakad na ako papunta sa kinaroroonan niya nang sabihin niya saking siya na raw ang pupunta sa pwesto ko. Papunta na siya sa aking kinatatayuan gaya ng lagi niyang ginagawa pero hindi masanay-sanay itong puso ko. Gaya ng dati, patuloy pa rin ito sa pagbilis na pagkabog. Nararamdaman ko ito kapag paparating sakin si Jericho.

“N-Napatawag ka? Mukhang mahalaga yang sasabihin mo at sinadya mo pa talaga ako." Panguna ko sa usapan namin ni Jericho.

“Hindi naman siya masyadong importante. Nabalitaan ko kasing marami raw ang nagpalista sa elimination round sa Radio Broadcasting para mamaya. Nang makita ako ng coach natin, gusto niyang ipabatid ko sa iyo na mamayang 3:00 PM gaganapin ang elimination round, sa 2nd Floor, ABM 12- C room gaganapin."

“Sinabi nga nitong France na mukhang marami raw talagang sasali ngayon sa radio broad."

“Sobrang dami talaga, Walter. Balita ko, pasok ka na at hindi mo na kailangan mag audition ulit, nice yan! Congrats! " Nakita ko na naman ang nakakangatog niyang ngiti. Hindi talaga sumasablay ang ngiti niya sakin, lagi niya akong nakukuha sa paraang iyon.

“Naku, wala yun. Ang gusto ko lang talaga, makabuo tayo ng magandang team para umabot ng national level. Kahit ayun lang talaga sa huling taon ko rito sa KAI, sana mapagbigyan tayo!"

“Sigurado yan, ikaw ang anchor e. Mauna na pala ko sa inyo, mag-uumpisa na kasi yung first subject namin, baka ma-late ako. See you later, Walter!"

“Osige, Jericho. Baka nga mahuli ka pa, Good Luck mamaya, see you!" Nginitian na lang niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa kaniyang silid. Kami rin ay papunta na rin sa room namin. Pag tingin ko sa dalawa, parehas silang nakatingin sa akin na parang natatae ba o kinililig, hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko, gusto nila akong inisin.

“Alam ko na ang ganyang tingin niyo. Hindi na kayo nasanay, lagi namang ganon 'di ba? Kapag lalapitan niya ko, laging may tanong o kaya naman ay may sasabihin sa akin tungkol sa academics, hindi man lang tungkol saming dalawa."

“So sinasabi mo lang na kahit four years nang ganyan yung sitwasyon ay umaasa ka pa rin na one day, tungkol sa inyong dalawa na ang pag-uusapan niyo, ganon?" Pangunguna ni Xieraye.

“May chance naman siguro. Kahit ilang porsyento o gamitan man natin ng scientific method, lalabas at lalabas na siguro nga, baka darating din yung time na darating kami sa ganong punto."

“Darating lang kayo sa puntong ganon kung may isa sa inyong magbubukas ng ganong topic. Na baka this time, kailangan niyo nang pag-usapan yung sa inyong dalawa. Kung ako sa'yo, unahan muna. Ang nakikita ko kasi sa'yo gusto mong si Jericho unang magbukas ng ganong topic e." Mungkahi ni France.

“Hindi naman ganon kadali siguro yun, France."

“Kasi nanghihinayang ka sa four years na baka kapag pinagusapan niyo na yun, hindi umayon yung mangyayari sa nais mong mangyari? Ganon ba yun?" Ani Xieraye.

Lost In Your World (BL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon