It's already 3:00PM at lahat ng kasali sa school based journalism ay excuse sa kanilang huling klase, kaya nandito ako sa labas ng room namin upang hintayin ang makupad kong friend na si France. Si Raye naman ay kanina ko pa napapansin na malalim ang kaniyang iniisip, siguro naiisip niya na baka maapektuhan ang kaniyang laban mamaya sa nararamdaman niya ngayon.
“Okay ka lang ba, ses? Sigurado ka bang hindi ka maaapektuhan niyan mamaya?" Napatingin siya sakin at huminga ng malalim.
“Eto naman parang hindi ako kabisado. Syempre alam mong nasabi ko lang yun para lakasan yung loob ko pero ang totoo, grabe yung pangbubulabog neto sa utak ko."
Hindi ko na siya nasagot pa dahil sa wakas ay natapos rin si France sa ginagawa niyang pagre-retouch. Mukhang hindi naman radio broad ang pupuntahan nito, mukhang pupunta ata siya sa Cosmetology room.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa gaganapan ng laban, naka- seperate yung samin para hindi makabulahaw ng mga nagsusulat ng kani-kanilang piyesa. Nauna sa amin si Xieraye dahil nadaanan na namin yung room ng paggaganapan nila. Medyo malapit na rin naman yung sa amin kaya hindi na kami makapaghintay.
Ang dapat ay matagal na tong ginawa dahil first sem pa lang ay ang unang level which is District level. Pero may bali-balita na ang preparasyon lang sa panahong ito ay isang linggo na lang. Like kapag nanalo ka ngayon sa district level, isang linggo ang preparasyon at ilalaban ulit for division level after one week, hanggang makaabot ng national level ay ganon pa rin ang sistema.
Medyo malapit na kami sa venue at tanaw na namin ito pati ang pila rito. Marami ito sa inaasahan ko at tama nga sila, marami ang participants ngayon kumpara sa mga nakaraang taon. Bakit kaya biglang dumami yung mga students na may gustong sumali ng radio broadcasting?
“Ayun si Lucas oh! Ang gwapo niya talaga!" Narinig ko sa isang babaeng nakakumpol-kumpulan sa gilid ko. Tinignan ko kung sino ang tinitignan niya pero hindi ko na ito nakita dahil bigla akong tinawag ng aming coach.
“Salamat at nandito ka na, Walter! Maaari na nating simulan ito, hindi namin inexpect na ganito karami ang mga participants natin ngayon!" Kahit ang coach namin ay hindi makapaniwala sa dami ng nakapila. Naiwan sa pila si France dahil hinila ako ni ma'am at pumunta na sa unahan upang masimulan na ang pagpili.
“Magandang hapon sa inyo, ngayon nandito tayong lahat upang hanapin at piliin kung sino-sino ang mga students na aming ipanlalaban sa darating na Press Conference Journalism District Level. Isang karangalan na mapili at ibigay ang lahat ng makakaya para sa ating sinisintang paaralan. Ang hinihiling ko lang po sana ay pumila po tayo base sa posisyon na ating gusto. Isang pila po para sa infomercial, isang pila sa mga reporters, isang pila sa mga anchor, at isang pila para sa technical. Wala naman kaming pinapadala dahil ang inyong gagamitin ay provided ng school. Then after ng pagpila niyo, ibibigay sa inyo ang script at humanda dahil after five minutes ay sisimulan na natin ang pagpili. Bibigyan din kayo ng mga numbers at bahala na kayo kung saan niyo ito gustong ilagay, ang importante ay makikita ito. Again, magandang hapon and good luck sa lahat!"
Tatlo kaming nakaupo ngayon sa unahan na ang kadalasan talaga ay dalawa lang. Ang coach ng radio broadcasting at ang kinukuha ng school na anchor galing sa labas upang tulungan ang school pumili ng magagaling na ipanlalaban sa labas. Magkatabi sila ng coach namin kaya sa gilid ako nakapwesto. Binigyan din ako ng script upang mapag-aralan at makita kung anong klase ang script na ginawa ni ma'am.
Tinignan ko ang mga nakapilang mga students at kaagad kong nakita si Jericho. Ang gwapo niyang pagmasdan kapag busy siya, busy siguro dahil kailangan niyang mahanap ang tamang tiyempo kung kailan at saang linya niya ipapasok ang mga background sounds. Pero tama na muna ang kalandian, kailangan kong makahanap ng magagaling na makakasama para masakatuparan ang isang goal ko sa radio broadcasting, ang makarating ng national level.

BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
RomanceHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?