Monday na ngayon so ibig sabihin, may Flag Ceremony kami sa school. Hindi ako pwedeng malate dahil SSG ang mamumuno ngayon sa stage. Being a president ng SSG, kailangan kong maging responsable at maging halimbawa ng bawat students. Kaya kahit minsan, hindi pa ako na-late or nagpakita ng anumang offenses sa kanila.
Mahirap ang maging SSG lalo na kapag nagkaoffense ka, dahil dito sa Keith Academy Institute, may isang group dito na sobrang laki ng connection sa paaralan at sobrang daming followers sa social media kaya kapag ikaw ay na flex nila, pag-iinitan ka talaga ng lahat, lalo na ng school. Wala naman akong nagiging problema sa kanila dahil ang kanilang leader ay kaibigan ko rin at hindi siya bias.
Malapit na ako sa school namin dala ang kotseng ineregalo sa akin ng kuya ko nung nakapagtapos ako ng Grade 10 at nakapag-uwi ng may pinaka mataas na karangalan. Sobrang proud sakin non ang kuya, kaya yung sahod niya ay inipon niya para bilhin sakin ang kotse. Kulay violet ito kaya sobrang iniingatan ko ito ng sobra, bukod sa maganda ito, may sentimental value rin kasi sakin 'to.
After five minutes ay narating ko na ang KAI at pagkabukas ng gate, tumungo agad ako sa kanan at dumaan sa pink na daanan. Ito kasi ang daanan papunta sa private parking lot. Sa katunayan, para lang 'to sa Triyuh! Well, ganito kasi ang kwento ng group namin. Since tatlo kami kaya don nanggaling yung ‘Tri' at pareparehas kaming fan ni Ariana Grande kaya nakuha yung word na ‘yuh'. Favorite kasi namin yung ‘Yuh' ni Ariana kapag nakikinig kami ng kanta niya. ‘Tiri-yaahh' ganon siya i-pronounce at halos lahat ng students dito ay alam yun.
Kapag mali ang pronunciation mo sa name ng group namin, si Xeiraye na ang bahala sa'yo. Hindi naman brutal yung gagawin niya sa'yo, may isesend lang siya na audio clip sa'yo at papakinggan mo yun. Five seconds lang yun, maririnig don kung pano dapat bigkasin ang group namin. Sabi ko sa inyo, goods yang si Xieraye.
Hindi naman kalakihan ang private parking lot namin, hindi rin naman siya ganon kaliit. Pink ang daanan pati na rin ang mga pader, ding ding at ang sahig. Seven rings talaga ang tema nito, isa sa magandang kanta ni Ariana.
Pagkapasok ko sa parking lot, nakita kong nandito na ang kotse ni Xieraye at ni France, mukhang nasa room na sila. Pare-parehas kaming nasa HUMSS B kaya masaya kasi tabi-tabi rin kami sa upuan. Heterogenous ang peg ng school namin kaya shuffle ang mga students, hindi na tulad ng dati na pag section A ka, matalino ka. Ngayon iba na kaya yung mga kaklase ko dati nung junior high ako, yung iba na lang naging kaklase ko.
Paglabas ko nang kotse, nagulat ako dahil may lumabas din sa kotse ni Xieraye at France. Ang dalawang chaka na 'to kanina pa ata naghihintay sa akin. “Hoy, kulang na lang batuhin niyo ko ng kutsilyo sa puso, jusko! Papatayin niyo ata ako sa takot!"
“Sobrang OA ni Walter for today, parang gusto ko manakit ng baklang nakapilantik yung kamay magsasara lang ng pinto ng kotse." Sagot ni Xieraye. Ganyan talaga yan sumagot sakin, pabalang.
“Hindi ka kasi nago-online, kanina pa kami nagu-usap ni Raye sa GC, gusto niyang sabay-sabay tayong pumunta sa Flag Ceremony!" Dagdag naman ni France.
“Makaka-online ako kasi nagmamaneho ako, no? Dapat kasi nag video call man lang kayo 'di ba? Hayaan muna yun, tara na't magsisimula na ang Flag Ceremony. "
Sabay-sabay kaming naglakad papalabas ng private parking lot namin. Sa aming paglalakad, marami ang bumabati sa amin kapag nakakasalubong namin. May mga nakakaligtaan mang makabati, hinahayaan lang namin. Kami yung kilala na grupo pero hindi ganon ka- terror, sa mga makakapal na mukha lang kami galit.
Xieraye Keith Dixson, founder ng Royal Students Squad. Sila yung mga students na may mga kanya-kanyang koneksyon sa school namin. Ang mga member din dito ay mga kilala sa social media. Nakakasama rin nila minsan ang mga artista sa tapings at sa iba pang mga projects kaya minsan, may pinipili silang birthday celebrants na maswerteng mababati ng kanyang idolo.
Miel France Celestine Go, president sa scriptwriting department. Mahilig yang gumawa ng kwento kaya pati kwento ng ibang tao, kaya niyang gawin, biro lang. May mga kasali sa department na 'to na gumagawa na ng sarili nilang mga story at shinishare nila ito sa kani-kanilang social media accounts. Si France ay sikat na writer at sa katunayan, may isa na siyang kwento na naging libro at ginanap ang kaniyang book signing dito mismo sa aming paaralan. Sobra silang nakakaproud!
At syempre, ako. Cleovy Walter Sava Zenfield, President ng Student Supreme Government. Hawak ko ang pinaka mataas na organisasyon sa school na to sa mga students kaya naman sakin din ang pinaka malaking pressure sa aming tatlo. Malaki rin ang mga koneksyon ng mga members ko sa school at gusto kong balikan ang nakaraang botohan na kung saan, nagkaroon ng fair na botohan at sa buong history ng school, first time lang iyon nangyari. Kami kasi ni Xieraye ang naglaban sa President at ang gusto namin ay ang manalo ang deserving, hindi yung nadala sa kasikatan at palakasan.
Wala namang samaan ng loob sa pagitan naming dalawa. In fact, masaya kami dahil saming dalawa nagsimula ang ganong uri ng botohan. Kung tutuusin, masaya ako noong mga araw na yun dahil kahit sinong manalo sa amin ay mapapasabuti ang aming paaralan.
“By the way, Raye. Mamaya na yung elimination for radio broad, hindi ka ba talaga mag o audition? Kahit ngayong year lang makasama ka namin ni Walter sa radio broad." Pangunguna ni France sa kwentuhan.
“Ano ka ba, alam mo namang ako lang ang inaasahan ni coach Stella sa Feature Writing. Tsaka ayokong humadlang sa pangarap ni Walter na makapunta ng national level 'no! Hindi pwedeng hindi matupad yun ngayon no lalo na't last year na natin dito."
“Grabe ka naman sa hadlang, Raye. May future ka rin naman sa radio broad ah. Pero kung saan ka mas mapapalagay, doon ka ses. Pwede namang hindi tayo magkakasama sa isang category, basta magkakasama tayong ilalaban." Sagot ko kay Raye.
“Well, tama naman. Eto lang kasi talagang si France ang may gustong mag-audition ako."
“Okay, fine. Pag ito talagang si Walter ang nagsalita, wala na akong magagawa. Well tama naman talaga, di na ako sasalungat."
“Osige na, pumila na kayo't kailangan ko nang pumunta sa stage. Hintayin niyo ko ha. Sabay-sabay us pumunta ng room." Tumango na lang ang dalawa at dumeretso sa pila ng section namin.
After ng Flag Ceremony ay nagsipuntahan na ang mga students sa kani-kanilang room ng may maayos na pila. Kaming tatlo ang nasa hulihan ng pila sa section namin kaya malaya naming nahahanap ang mga naiibigan naming mga lalaki. Magkakaklase lang ang mga gusto namin at trio rin sila. Maraming students ang nagshi- ship sa amin sa kanila kaya hindi na sikreto sa kanila ang mga nararamdaman namin.
Ang pinakamabait talaga sa kanila si Jericho Guerrero. Matagal na niyang alam na gusto ko siya.
Mabait din naman si Elaijan Martinez, laging pasok sa honors kaya masasabi kong nag-aaral siya nang maayos. Wala akong nakikitang problema sa kaniya kaso kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikitang tumawa. Ngumiti nakita ko na pero ang tumawa, hindi ko napapansin sa kaniya.
Nangangatog naman itong si Xieraye kapag kinakausap niya itong si Lawrence Tamayo, pinsan ni Jericho. Siya lang naman ang babaero sa kanila pero hindi ko ba alam kung bakit nagustuhan siya ni Raye. Pinapayuhan namin siya ni France na baka pinapaasa lang siya ni Lawrence dahil nga babaero ito pero ang lagi niyang sagot samin ay kaya rin daw niya maglaro ng apoy. Hindi ko ba alam kung kailan siya mapapaso nang matauhan na. Siya rin kasi ang tutulong kay Lawrence na ayusin yung magulo niyang buhay, I mean sa subjects niyang kulang-kulang siya.
Mapagkawang-gawa talaga yang dalawa na yan kaya bilib ako sa kanila. Matalino rin naman si Jericho kaya wala akong problema sa kaniya. Nag-uusap din kami kapag wala kaming ginagawa kaya medyo may nangyayari naman kahit papano na maganda sa pagkagusto ko sa kaniya.
“Walter!" Ang boses na yun, tila isang nanghaharanang boses sa pandinig ko. Sa apat na taon kong pagkagusto sa kaniya, kahit kailan hindi pa ako nagkamali sa boses niya. Si Jericho, alam ko sa kaniyang boses 'yon, hindi ako pwedeng magkamali.
![](https://img.wattpad.com/cover/279961596-288-k406609.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost In Your World (BL Series #1)
RomanceHanggang kailan ang pagtitiis ng sakit para sa minamahal mo? Handa ka bang mawala, makapunta lang sa kanyang mundo?