Ikaapat na Yugto: PASan KO
Luna's POV
Disyembre 25, 1978
Bauan, BatangasKay gandang pagmasdan ng araw. Kalmado ang panahon, hindi gaano kainit. Sadyang nakakagaan sa pakiramdam kapag nakikitang kong maayos ang kalagayan ng kalangitan lalong lalo na sa mga ganitong oras. Maya-maya'y magsisimula na ding tumirik ang araw at tumaas ang temperatura sa paligid, kaya naman tuwing umaga'y maaga akong gumigising upang makapaglakad-lakad at masikatan ng araw. Bukod sa nakakapagbigay ng kapayapaan at katahimikan sa aking isipan, nagsisilbing karagdagang bitamina na din ito. Lagi akong naririto sa aming hardin sapagkat ito ang paborito kong lugar sa buo naming hacienda. Hindi nawawala ang araw na hindi ko nakakaligtaang mamasyal rito. Parte na ito ng mga nakakagawian kong gawain sa araw-araw magmula noong hindi na ako lumalabas sa hacienda.
Hindi tulad noon, lagi akong nakakapaglakatwasa sa kahit na anong lugar na gusto kong puntahan. Malayang-malaya akong makapamasyal, ni hindi ako nagawang pagbawalan ng mga magulang ko sapagkat ayaw nila akong pagdamutan sa mga sarili kong kagustuha't kaligayahan. Ngunit ngayon, sarili ko na ang nagdesisyong hindi na kailanman humarap sa maraming tao, kailanma'y hindi na ako lalabas. Ayoko nang mapaligiran ng maraming tao. Sadyang ayoko na sapagkat alam kong hindi naman ito para sa ikabubuti ko.
Kapaskuhan na nga pala. Naging masaya naman para aming buong pamilya ang naging pagsalubong sa araw na ito kagabi. Ngunit inaamin ko, hindi ako masyadong masaya hindi tulad noon. Noong mga nagdaang kapaskuhan, labis na kasiyahan ang naibigay nito sa akin. Ngunit nitong taon lamang ako nawalan ng gana at hindi ko maramdaman ang tunay na diwa ng pasko. Labis na mga dagok ang nagpalumo sa akin kaya naman ngayo'y hindi na ako madaling mapasaya. Pinipilit ko na lamang sa sarili ko na maging masaya sa kahit na papanong paraan. Tanging ang pagsulyap lamang sa pagsikat ng araw ang nagpapasaya sa akin. Gayundin ang paglubog nito, lalo na kung masisilayan mo sa karagatan. Hindi ko alam ngunit kakaibang pakiramdam at kagalakan ang naibibigay nito sa akin. Tunay ngang isa ito sa mga napakahalagang bagay na nilikha ng Panginoon. Walang makahihigit sa liwanag at init na iniaaalay nito sa buong mundo.
Dahil sa pagkahumaling ko sa araw at sa pag-aaral ng astronomiya, napagpasiyahan kong kumuha ng kursong B.Sci in Astronomy ngunit nabigo akong magpatuloy. Sayang man ngunit ayoko na talaga. Hindi ko na magagawa pang makisalamuha sa iba pang mga tao. Maraming dahilan, ngunit mas pipiliin ko pang magkubli kaysa sa husgahan ako ng mga tao sakaling malaman nila. Dito na lamang siguro iikot ang mundo ko sa buong hacienda. May sapat na kasiyahan, ngunit alam kong limitado ang kalayaan.
Nakaupo ako rito sa sementadong upuan sa aming hardin. Kanina pa ako rito, mga ilang minuto na din ang nakalipas. Ilang sandali lamang, pinatawag na akong muli ni Mama sa isang katulong sapagkat kakain na raw kami ng agahan. Pinasabi ko naman rito na susunod na ako at naghintay muna ako ng ilan pang minuto bago pa tuluyang pumasok sa loob ng aming tahanan. Nang nasa loob na ako't tumungo sa kusina, nakita kong nasahapag na sila Mama, Papa, at ang aking tatlo pang kapatid. Naghugas muna ako ng aking mga kamay at marahang lumakad at dumiretso papunta sa aking personal na silya.
"Paumanhin Mama, Papa. Masyado po akong natagalan sa pagbababad sa hardin, hindi na po mauulit." paghingi ko ng tawad at dahan-dahang umupo.
Pinagmasdan ko ang kanilang mga reaksyon, si Mama ay tumango lamang sabay ngumiti sa akin na tila nagpapahiwatig na ayos lamang ito. Samantalang si Papa ay bahagyang seryoso na dahilan para ako ay mapatungo dahil sa pag-aakala kong galit ito. Ngunit;
"It's fine." matipid na wika ni Papa
Panandaliang nagsitahimik ang lahat. Maya-maya lamang;
"Tara! Humayo na kayo't kumain! Napakasarap ng ating mga handa! Magpakabusog kayo, minsan lang ito sa iisang taon kaya lubusin niyo na mga anak." maganang wika ni Mama na nagpabasag ng katahimikan sa buong hapag.
BINABASA MO ANG
Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]
RomancePansamantalang kadiliman, tinakpang liwanag. Gayunpaman, nasa iyo pa rin nakatutok ang sinag. Tagpuan sa kalangitan, marahuyong nakabibihag. Sinakop ng kaniyang lilim, hinuli ng buwang dalag. Senaryong nasilayan sa mga nakahilerang burol. Dagsaang p...