Ika-siyam na Yugto: Kabayaran
Sol's POV
Sto.Tomas, Batangas
Enero 21, 1979Nagsimula na ulit ang pasukan kaya medyo naging abala rin ako sa mga gawain sapaaralan. Gayunpaman, nabibigyan ko pa rin ng oras ang trabaho pati na rin si Luna. Maraming araw na ang nakalilipas magmula noong aminin ni Luna ang nararamdaman niya para sa akin. Ngunit bigla na lamang naputol ang koneksyon namin at komunikasyon nang masira ang telepono namin. Noong araw na iyon, nataranta ako at agad na hiniram ang telepono ng kapitbahay at ito ang aking ginamit para ipagpaalam kay Luna na hindi na kami magkakaroon ng araw-araw na pag-uusap sapagkat sa tinuran kong kadahilanan.
Kaya naman, sa tuwing dadaan ako sa bahay ng tiyuhin nila, ipinaaabot ko ang mga liham na nais kong iparating kay Luna at minsan pa ay si Alona na din mismo ang aking inaabutan. Naging kasangkapan na rin namin siya para magpalitan ng liham araw-araw. Kapag magkikita kami ay kinukumusta ko rin si Luna at nagkakaroon rin kami ng palagiang usapan at kwentuhan sa mga nagaganap at sa kalagayan ng bawat isa.
[Luna,
Kumusta na?
Paumanhin sapagkat hindi na tayo nagkakaroon ng oras na magpalitan ng mga kasagutan at katanungan sa pamamagitan ng telepono. Kahit sa simpleng pamamaraan, kagaya nito, ang pagpapalitan natin ng liham, nawa'y sapat na paraan na ito para kahit papano'y magkaroon pa rin tayo ng komunikasyon. Kung hindi ka pa rin man handa sa pagkikita natin sa personal, maghihintay pa rin ako. Magiging mapagtimpi't matiisin ako sapagkat alam ko rin naman na darating rin ang tamang panahon na personal na tayong magtatagpo. Ito na lamang muna ang mensahe ko ngayong araw para sa iyo, hanggang sa muli.Lubos na nagmamahal,
Sol][Sol,
Maraming salamat sapagkat nakaisip ka pa rin ng paraan para magkaroon pa rin tayo ng komunikasyon. Huwag kang mag-alala, ayos lamang ang kalagayan ko. Natutulog na rin ako sa tamang oras, mas nagaganahan na akong kumain at hindi na ako nagiging bugnutin. Dahil iyon sa iyo Sol, binago mo ako. Maraming salamat din sapagkat nakilala kita. Ang mga payo mo sa akin ang nagsilbing daan para ituwid ko iyong mga kamalian ko. Tunay ngang isa kang regalo para sa akin. Kakaibang kaligayahan at sigasig ang aking natamasa magnula noong makilala kita hanggang ngayon. Bilang paasalamat ulit, nakasipi sa liham na ito ang isang katsa na mayroong disenyo ng ngalan mo. Inabot ako ng mahigit isang oras sa paggagantsilyo niyan. Nawa'y magustuhan mo. Hanggang dito na lang pansamantala.
Lubos na nagmamahal,
Luna]Binuklat ko pa ang sipian ng liham at roon nakita ang katsa na sinasabi ni Luna. Binuksan ko ito at nasilayan ang kay gandang disenyo ng ngalan ko. Napangiti na lamang ako habang masusing pinapagmasdan ang bawat detalye nito. Akin itong inamoy at napakabango ng piraso ng katsang ito, niyakap ko ito at dinamdam maiigi ang presensiya ni Luna noong mga sandaling nahawakan niya rin ito. Darating rin ang araw na mahahawakan ko na rin ang iyong kamay, Luna.
[Luna,
Salamat nga pala roon sa ibinigay mong katsa na may disenyo ng ngalan ko. Spbrang nagustuhan ko ito. Kyng pwede nga lang, kapag nagkita na tayo, maaari mo ba akong turuan? Iyon ay kung ayos lamang sa iyo. Basta, lagi mong isaisip iyong mga itinuro ko rin sa iyong payo at mga aral samga librong nababasa ko. Nga pala, bilang pabalik na pasasalamat sa iyo. Narito ang tulang nais ko rin iparating sa iyo. Sa tunay na nararamdaman ko para sa'yo.
"Pansamantalang kadiliman, tinakpang liwanag.
Gayunpaman, nasa iyo pa rin nakatutok ang sinag.
Tagpuan sa kalangitan, marahuyong nakabibihag.
Sinakop ng kaniyang lilim, hinuli ng buwang dalag.Senaryong nasilayan sa mga nakahilerang burol.
Dagsaang pangyayari, mga mata'y pinurol.
Higit pa sa ulayaw, sigasig ng mga puso'y hindi makontrol
Hasta el reencuentro de la Luna y el Sol."
BINABASA MO ANG
Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]
RomancePansamantalang kadiliman, tinakpang liwanag. Gayunpaman, nasa iyo pa rin nakatutok ang sinag. Tagpuan sa kalangitan, marahuyong nakabibihag. Sinakop ng kaniyang lilim, hinuli ng buwang dalag. Senaryong nasilayan sa mga nakahilerang burol. Dagsaang p...