Chapter 8: Nakaraang Ayoko Nang Balikan

4 1 0
                                    

Ika-walong Yugto: Nakaraang Ayoko Nang Balikan

Luna's POV

Enero 8, 1979
Bauan, Batangas

Naglalakad ako sa may hardin nang tawagin ako ng isa sa mga gwardiya ng aming hacienda. Sabi nito ay may matandang babaeng nagpupumilit pumasok sa hacienda, kaya nagtaka na ako at pinuntahan ito sa may labasan. Nagtakip muna ako ng balabal mula sa aking ulo at itinali sa magkabilang balikat. Nang tumungo na ako papalapit sa main gate ng hacienda, bumungad sa akin ang matandang naninigaw at hinihiyawan ang mga gwardiya. Nainis ako at agad na sinugod ito sa labas.

"Manang! Bakit kayo nag-iiskandalo rito! Ano pong kailangan niyo!" malakas na pananalita ko habang naglalakad papalapit rito

"Luna Servantes, tama ba ako?" nagulat na lamang ako nang mabanggit nito ang pangalan ko

"Teka, paano niya nalaman ang ngalan ko? Sinabi niyo ba?" sabay lingon ko sa mga gwardiya habang itinatanong ito

Ni hindi naman raw nila binigyan ng kahit na anumang impormasyon ang matanda kaya labis na lamang ang aking naging pagtataka. Ibinalik ko ang atensyon sa matanda at sa kaniya ko ito mismo itinanong;

"Manang! Paano niyo po nalaman ang ngalan ko?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay

"Hindi mo na kailangan malaman. Batid kong wala ka rin namang magiging reaksyon rito sapagkat wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo." muling nakapagtatakang pang-iinsulto nito

"Ano ang ibig niyong sabihin? Bakit nagagawa niyo agad akong husgahan e hindi niyo naman ako kilala!" pagmamalditang pananalita ko

"Nakasisigurado ka bang hindi kitang lubusang kilala?" anito kaya napangiwi na lamang ako

"Ngayon lang naman po tayo nagkita! Ni hindi tayo magkakilala! Sabihin mo, ano ba talaga ang pakay mo dito? Sakin?!" usal ko nang bumilis ang tibok ng puso ko

"Wala ka na ba talagang naaalala?" anito na tila may nais ipaaalala sa akin

"An- Wala akong naaalala! Sagutin mo na lang ako! Ano ang nais mong iparating sa'kin!" malakas na sigaw ko

"Hindi mo na ba talaga naaalala iyong mga araw na nakapatay ka? Na may nasagasaan ka? Tapos pagbaba mo, nakita mo nang nakahandusay sa daan, wala kang nagawa! Nagawa mo pa ngang sipain dahil sa galit mo pagkatapos pinabayaan mo lang! Hindi mo na ba talaga naaalala?!" tila gumuhong muli ang mundo ko nang maalala ang mga sandaling iyon

Pumatak na lamang bigla ang aking mga luha at nagsimulang kabahan dahil sa mga naaalala. Labis na pagkabalisa't takot ang aking naramdaman.

[Flashback]

Bauan, Batangas
October 12, 1977

Mabilis akong nagamamaneho gamit ang pagmamay-ari kong kotse. Unang beses ko pa lamang makapagmaneho nang ganito katagal sapagkat matagal ang aking naging biyahe at malayo ang aking patutunguhan. Kakapag-aral ko pa lamang magmaneho noong nakaraang linggo at agad naman akong napasubo para magmaneho mag-isa at walang kasama para gumabay. Mas kumaripas ang takbo nito dahil sa pagmamadali ko para lamang matanaw ang eklipse sa malawak na lupain na matagal ko nang pinakahihintay na masilayan. Gumagawa ako ng dokumentaryo para rito. Dahil sa pagmamadali, napatigil ako sa pagmamaneho nang hindi ko inaasahang may mabunggo akong isang lalaki. Hindi ko na nakayanan ang sariling tensyon at umaapaw na kaba. Bahagyang napatigil ang aking sistema sa ilang saglit. Agad na bumaba ako para tingnan ang kalagayan ng lalaking nabangga ko. Napatulo ang aking mga luha sa magkabilang mata nang masilayan ang duguan at walang malay na isang mama. Ngunit dahil sa galit at pagmamadali para lamang makita ang pagtatagpo ng araw at buwan, nilibot ko muna ang buong paligid at napagtantong wala naman sigurong iba pang tao rito. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, sinipa ko na lamang ang mama at ginilid sa daan. Tinabunan ko ito ng sako at kung ano-ano pang magagamit para lamang walang makakita rito. Nang matabunan ko na ito, nagmadali akong sumakay pabalik ng kotse at kabadong dumiretso na lamang sa daang tinatahak ko patungo sa isang lupain kung saan kabuuan kong masisilayan ang eklipse na kailangan ko nang mapagmasdan. Kahit nagdurusa't nangongonsensya, mas pinili ko na lamang na masilayan ang eklipse kaysa tulungan ang lalaking nasagasaan ko. Ayoko mang sisihin ang sarili ko, ngunit ayoko ring idiin ang sarili ko sa nagawa ko.

Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon