Ikatlong Yugto: Disperas
Sol's POV
Habang abala ako sa pagpapaikot ng baboy, maya-maya'y;
"Araaaaaaaaaaaaay!!" sigaw ni Alfredo na nambigla
Ako ay nataranta sapagkat akala ko ay kung ano na.
"Ano yun?!" malakas na tanong ko
"Aray. Nabale." pinakita niya ang kamay niya sabay kunwari'y nabale at tumawa mag-isa, nanloloko lang pala
"Hindi ako natatawa." wika ko na may seryosong mukha at tumungo muli sa pagpapaikot ng baboy
"Hoy Sol! Masyado ka namang seryoso. Paniwalain ka kase hahaha." pang-iinis pa niya
"Hindi naman talaga nakakatawa." sambit ko
"Nagbibiro lang naman." aniya
"O siya, ikaw naman rito." aya ko sa kaniya at nagpalitan ulit kami ng pwesto
Pagkatapos ng ilang pagpapaikot, natapos na kami sa paglelechon. Naihanda na rin ang ilang ihahain para mamaya. Hanggang sa sumapit na ang kinagabihan, nailuto na ang lahat ng kakainin namin mamayang noche buena. Habang hinihintay na lamang ang alas onse, nagkaroon muna kami ng ilang pag-uusap at kwentuhan. Mas naging bukas kami sa isa't-isa para ibahagi ang mga personal na bagay-bagay. At doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para ikwento sa kanila ang tungkol kay Luna. Lahat sila ay nagulat lalo na si inay. Nagulat sila sa blusa na ipinakita ko sa kanila at hindi ko inaasahang mas mahal pa pala ang presyong sinasabi ng aking mga kaibigan sa akin. Ang blusang ito pala ay nagkakalagang 75, 000 pesos at ito ay karaniwang nakikita nila sa matataas na brand commercials sa tv. Ay pitaka naman ay tig- 15, 000 pesos kaya labis na din lamang aking pagkagulat.
"Saan mo napulot yan anak?! Napakamahal talaga nyan! At bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" wika ni inay
"Pasensya na po inay. Noong nakaraang buwan pa po inay. Yoong saktong araw kung kailan namatay si itay." sagot ko
"Napakaswerte mo naman Sol at nakadampot ka ng ganiyan. Maaari mo nang maipagawa ang inyong tahanan kung maibebenta mo iyan."pagbibiro ni Aling Nilda
"Ano ka ba Nestor! Napulot niya lamang iyan, ibig-sabihin, hindi niya pagmamay-ari. At tsaka alam naman nating mabait 'yan si Sol at hindi niya magagawang maibenta ito kung alam niyang hindi sa kaniya. Diba Sol?" wika ni Mang Nestor at tumango naman ako
"Pero nagawa na po niyang hanapin ang may-ari pero lumipat na daw nang matitirhan. At isa pa, ilang paghahanap ang nagawa niya, hindi pa rin niya nakita ang Luna na iyon." ani Alfredo
"Luna?! Luna ano?!" tanong ni Aling Nilda na may mataas na tono
"Luna Servantes po." sagot ko
"Servantes? Taga Bauan ba iyan?" tanong muli ni Aling Nilda na tila ay may nalalaman
"Opo. Ngunit lumipat na daw sila kaya't hindi ko alam kung sa Bauan pa din sila nakatira." muling sagot ko naman
"May kilala akong Servantes sa Bauan. Si Laura Servantes, isang mayaman na negosyante iyan." kwento ni Aling Nilda
"Ang dami mo talagang nalalaman no? Iba talaga ang dedikadong tagapakinig at tagapagbalita dito sa barangay." ani Mang Nestor kay Aling Nilda
"Pinaganda mo pa, batid ko namang chismosa ang nais mong sabihin." usal ni Aling Nilda sabay hampas kay Mang Nestor
"Teka ho! Alam niyo pa po ba ang lokasyon nila? Kasalukuyang kinaroroonan nila?" tanong ko ulit kay Aling Nilda
"Yoon lamang. Hindi e, naging pribado na ang mga impormasyon ng kanilang pamilya magmula noong maglaroon ng masamang nangyari daw sa anak nila." sagot ni Aling Nilda

BINABASA MO ANG
Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]
RomantizmPansamantalang kadiliman, tinakpang liwanag. Gayunpaman, nasa iyo pa rin nakatutok ang sinag. Tagpuan sa kalangitan, marahuyong nakabibihag. Sinakop ng kaniyang lilim, hinuli ng buwang dalag. Senaryong nasilayan sa mga nakahilerang burol. Dagsaang p...