Ikalawang Yugto: Panibagong Hakbang
Sol's POV
Nang nasa tapat na ako nang bahay, labis na lamang ang aking pagkabalisa nang nakita ko si inay na umiiyak katabi si itay na nakahandusay sa may tarangkahan ng aming tahanan. Biglang nagsipatakan ang mga luha sa aking magkabilang mata. Tila ba'y nabagsakan ako nang bulalakaw, hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko noong mga sandaling iyon.
Dahil sa labis na pagkagulat, nagsimula akong manginig at lubos na nag-alalala sapagkat baka maganap na ang isa sa mga pinakakinatatakutan kong pangyayari.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanila at dali-daling tinanong si inay;
"Inay, ano pong nangyari?" mas napaluha ako nang makita ang labis na emosyon dinaramdam ni inay
Bakas sa kaniyang mukha ang sobrang pagluluksa at napailing na lamang ako sapagkat ayaw sumagot ni inay. Tiningnan ko si itay at itinapat ang aking mga daliri sa mga butas ng kaniyang ilong, matagal na nakapwesto roon ang aking mga daliri sapagkat sinusubukang alamin kung may hininga pa sa itay. Hinanap ko naman ang kaniyang mga pulso at labis na nanikip ang aking mga dibdib nang walang maramdamang tibok.
Habang patuloy na humahagulgol si inay, ako naman ay halos nagwala dahil sa hindi makontrol na emosyon.
"Itaaaaaay!!!" sigaw ko na halos manginig na buong lalamunan ko sa lakas
"Anak, anak pa- patawad. Hindi ko nabantayan nang ma- maayos ang itay mo. Ako'y nasa la-basan at nang ako'y mu-ling makapasok, naabutan ko na lamang siyang ina- inaatake. Ako ang may kasalanan anak, patawad." kita ang nginig sa pananalita ni inay
"Hindi nay! Hindi po kayo ang may kasalanan! Wala rin ako rito nun." sambit ko habang hinihimas ang braso ni inay para siya'y pakalmahin
"A- anak, hi- hindi mo nasaksihan ang mga naganap. Hindi mo rin nararapat na sisi- sisihin ang sarili mo." agad naman niya akong niyakap at patuloy lang kami sa pagluluksa
Hindi ko pa matatanggap ang mga naganap. Napakasakit isipin na yung ama mong ilang taon nang nagpapakahirap para labanan yung sakit niya, kung kelan alam mong papagaling na siya, doon na agad siya kukunin. Pero hindi naman nararapat na isisi ito sa Panginoon sapagkat sino ba naman ako para kwestyunin siya?
Nagdaan ang ilang araw na napabatid na namin sa aming mga kamag-anak ang mga naganap, kaya naman nagkaroon kami ng isang maliit na pagtitipon upang alalahanin at magluksa sa pagkawala ng aking ama. Ang aking ate at ang kaniyang asawa ang gumastos sa lahat ng kakailanganin. Hanggang sa dumating na ang araw ng kaniyang libing, dito ko na naibuhos ang lahat ng sakit at pagluluksa. Ilang araw din akong hindi makatulog nang maayos sa kadahilanang umiiyak na lamang ako kahit hindi ko iniisip. Patuloy pa din ako ngayon sa proseso ng pagtanggap sa nangyari sa aking ama. Dadalawa na lamang kami ng aming ina na patuloy sa laban ng buhay, kaya't ano na lamang ba ang mangyayari kung magpakalumo at magpakabaon kami sa mga hamon na kasalukuyang hinaharap namin? Nararapat lamang na magpahinga na ang aking ina sa pagtatrabaho sapagkat umeedad na rin siya. Ako naman ay nakahanap na ng trabaho. Pinakilala ako ng asawa ni ate sa kaibigan niyang may-ari ng isang resto. Pinasok nila ako sa pagiging isang cook sapagkat mahusay naman akong magluto at madaling makatuto kahit sa mga bagong tuklas pa lang na mga putahe.
Lumipas ang isang buwan at nakaipon na din ako. Bagamat hindi siya ganon kalaking halaga, nais ko itong magsilbing panimula para muli akong makatapak sa kolehiyo. Hindi na lamang ako basta nakadepende kay inay, ako na ang kumakayod at siya na lamang ang naiiwan sa aming tahanan upang gumawa ng mga gawaing-bahay. Lubusan akong nagpapasalamat sa mga tumulong sa akin para makabangon kaming muli at makapagpundar ng iilang mga kagamitan sa tahanan. Magsisilbi itong panibagong hakbang ko sa panibagong lakad na aking tatahakin.

BINABASA MO ANG
Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]
RomancePansamantalang kadiliman, tinakpang liwanag. Gayunpaman, nasa iyo pa rin nakatutok ang sinag. Tagpuan sa kalangitan, marahuyong nakabibihag. Sinakop ng kaniyang lilim, hinuli ng buwang dalag. Senaryong nasilayan sa mga nakahilerang burol. Dagsaang p...