Ika-sampung Yugto: Wakas na nga ba Talaga?
Sol's POV
Pebrero 23, 1979
Sto.Tomas, BatangasUnang araw na ng Pebrero, paggising ko'y isang balita na naman ang aking nalaman mula kay Luna.
[Sol,
Magandang araw, aking araw.
Nais ko lamang ipabatid sa iyo na kahit anumang mangyari, mahal na mahal pa rin kita. Alam kong hindi pa ito ang huli ngunit tandaan mo, maaari pa rin tayong makapag-usap. Tutungo na kami ng Amerika, doon na kami mamamalagi. Kaya hindi ko alam kung magagawa pa nating magkita. Hindi rin namin alam kung doon na ba talaga kami permanenteng maninirahan. Paumanhin, sisikapin ko pa ring magpadala sa'yo ng liham sa abot ng makakaya ko. Hindi ko man gustuhing mapalayo sa'yo, kailangan kong sumama. Ngunit nais ko na talagang makita ka sa personal. Hindi man ako handa, ngunit ito ang pilit na isinisigaw ng puso ko. Narito na ang ngalan ng paliparan. Narito na rin ang libreng passport, nakasinigit lamang sa liham na ito. Nawa'y makahabol ka pa Sol. Hindi kita pipilitin ngunit kung talagang tunay ang nararamdaman mo para sa'kin, tutungo ka na at hahabol sa amin. Sol, para madali mo akong matukoy, kasalukuyan ko ring suot ang blusa na siyang naging dahilan para magkakilala tayo. Mahigit labing-dalawang oras pa ang magiging biyahe ngunit nawa'y magawa mong maabutan kami sa hintayan. Aasahan ko ang pagpunta mo Sol. Ngunit mauunawaan ko rin naman sakaling hindi ka makapaggayak.Nawa'y sabay nating masaksihan ang pareho nating pinakahihintay na total eclipse.
Aking araw, Solunasam
Ang iyong buwan,
Luna]Nataranta ako at labis na nag-isip matapos basahin ang liham niyang ito. Hindi ko alam ang gagawin ko, dala ng pagkabigla, ako'y natameme. Ano ang magiging pasya ko? Hindi naman siguro ako papayagan ni inay sakaling sumunod ako kila Luna sa Amerika. Kapag tumakas naman ako nang hindi niya nalalaman, tiyak na mas hindi na niya ako pagkakatiwalaaan pa. Ayokong masira ang tiwala ni inay sa akin ngunit ayoko ring paasahin si Luna.
Nagpaikot-ikot ako at naglibot sa buong sala, hindi mapakali sa kung ano ang magiging desisyon. Nang makapag-isip na, nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko at naggayak ng kaunting damit. Sinama ko na rin pati ang mahahalagang domumentaryo at papeles, mga mahahalagang personal na bagay na karaniwan ko ring dinadala. Nag-iwan na lamang ako ng sulat para kay inay sakaling makauwi na siya galing sa trabaho. Inilahad ko rito ang mga tunay na pakay ko para sumunod kila Luna. Ikasasama ng loob ni inay ito, ngunit paumanhin inay, kailangan kong sundin ang hinahayag ng puso ko.
Kahit may mahahalaga pa man akong gawain sa eskwelahan, mas sinunod ko pa rin ang puso ko. Luna, paparating na ako.
__
Barradas Airfield, Tanauan, Batangas
Nang nasa paliparan na ako na siyang binanggit ni Luna sa liham, naglibot ako rito at nagtanong-tanong. Nabigyan na ako ng permiso para makapasok at dumiretso na sa hintayan. Napagmasdan ko na ang mga nakahilerang upuan. Napakaraming tao ngunit maingat na nagsusuri ang mga mata ko sa blusang suot-suot ni Luna na siyang sinabi rin niya sa liham. Kahit kabado, nanaig pa rin ang pagiging pursigido ko para lamang makita si Luna. Hindi ko lubusang maipaluwanag ngunit kakaiba ang nararandaman ko ngayong araw. Magmula noong mabasa ko ang liham na iyon ay bigla na lamang akong nagkaroon ng sigasig para sundin ang sinasabi ng puso ko.
Hindi sa pinangungunahan ko ang tadhana, ngunit ito na ang siyang isinisigaw ng mga damdamin namin. Tanging pagkilos na lamang ang siyang natitirang paraan para matupad namin ang kahilingan naming makapagtagpo. Inaamin ko, sawa na ako sa araw-araw na lang naming pag-uusap sa telepono. Gayundin ang pagpapalitan ng liham. Labis na pananabik na makita ka ang siyang pinakaninanais ko, Luna.

BINABASA MO ANG
Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]
RomancePansamantalang kadiliman, tinakpang liwanag. Gayunpaman, nasa iyo pa rin nakatutok ang sinag. Tagpuan sa kalangitan, marahuyong nakabibihag. Sinakop ng kaniyang lilim, hinuli ng buwang dalag. Senaryong nasilayan sa mga nakahilerang burol. Dagsaang p...