Chapter 5: Bagong Pag-asa

2 2 0
                                    

Ikalimang Yugto: Bagong Pag-asa

Sol's POV

Enero 1, 1979
Sto.Tomas, Batangas

"3!"

"2!"

"1!"

"Manigong Bagong Taon!"

Lahat ay nakisabay sa pagbibilang pababa para salubungin ang panibagong taon. Nagsitalunan ang lahat, ang iba naman ay nagpaputok. Naghiyawan at nagpalakpakan ang karamihan, bakas sa kanilang mga pagmumukha ang kasiyahang hindi mo maitatanggi. Makikita na nakiisa ang bawat indibidwal sa pagharap sa bagong taon na siguradong pupunuin ng mga bagong hamon at kapalaran. Gayunpaman, kahit sa sandaling panahon lamang ay magkaroon ang bawat isa ng kaligayang minsan lamang nila makamtan. Gamitin nila ang pagkakataong ito para mapatunayan nilang karapat-dapat sila. Karapat-dapat silang mabigyan ng marami pang taon para masalubong ang marami pang bagong taon.

Kasama ko si inay sa panonood sa mga paputok sa daan at mga fireworks sa kalangitan. Nagsisigawan ang iba naming kasama dahil sa pagkagulat kapag bigla-bigla na lamang may puputok. Ako rin ay bahagyang nagugulat, ngunit mas napapatalon ako sa kanilang mga sigawan. Halos masira ang magkabila kong tainga dahil sa pagkarindi sa mga tili ng ibang nasa gilid at likuran namin. Kaya naman, napagdesisyunan na namin ni inay na umuwi na sapagkat naboboryong na daw siya at nais na muna niyang magpahinga. Ilang gabi na din kase kaming nakakapagpuyat dahil sa sunod-sunod na mga pangyayari't pagdiriwang.

Nang makauwi na kami ni inay, pumunta na siya sa kaniyang silid upang matulog na. Ako nama'y nagpatagal muna sa sala at nanood muna sa telebisyon dahil hindi pa naman ako masyadong nakararamdam ng antok.

Kinaumagahan, kagaya ng mga nakakagawian ko nang magawa, nakatulog akong muli sa sala nang nakabukas pa rin ang telebisyon. Nagulat ako at nagmadaling bumangon upang patayin ito. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago tumungong kusina. Wala siya rito, mukhang natutulog pa siya sapagkat hindi naman siya gigising ng maaga dahil wala rin siyang pasok sa trabaho niya. Ako na ang naghanda ng makakain namin para sa agahan.

Habang ako ay nagluluto, gising na si inay at naabutan niya akong abala sa kusina.

"O anak, magandang umaga. Napakasipag mo naman a, pasensya na at napasarap ang aking tulog." ani inay sabay humikab at nag-unat-unat

"Ayos lang po inay, kayo naman na lagi ang naghahanda ng makakain natin. Minsan lang ho ito." tugon ko habang nagpiprito ng hotdog

"Ibig-sabihin ba niyan isang buong taon na ikaw na ang magluluto ng agahan?" wika ni inay at napangiti na lamang ako

"Hahaha, biro lang anak. Sige, pupunta muna ako sa labasan para bumili ng kape. Ubos na iyong nasa taguan e." muling sambit niya

"Sige po inay, tatapusin ko na din po ito." turan ko at ibinalik na ang atensyon sa pagluluto

May-maya'y nagsimula na kaming mag-almusal. Si inay na ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Ako nama'y naglinis sa harapan ng aming bakuran pagkatapos ng aming agahan. Pagkatapos ng aming mga gawain, halos maligo na ako sa pawis dahil sa kapaguran at init ng panahon. Malapit na ang magtanghali, bumalik na ako sa loob ng bahay upang makapagpahinga at mamaya ay maliligo na rin.

"O, tapos ka na?" tanong ni inay matapos niya akong madaanang nakaupo sa sala habang nagpupunas ng pawis

"Opo inay, mamaya ay maliligo na din po ako sapagkat dadaan lamang po ako kila Alfredo." tugon ko

"Anong gagawin mo roon?" muling tanong niya

"May kainan raw po sa kanila, niyaya niya ako noong nakaraan pa." muling sagot ko at tumigil na sa pagpupunas tsaka nilapag ang panyo sa lamesa

Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon