Chapter 1: Luna?

16 4 0
                                    

Unang Yugto: Luna?

Sol's POV

Patuloy ang araw sa pagbibigay ng liwanag sa daigdig, nagbibigay buhay sa bawat nilalang. Napakalaki ng halaga nito kung tutuusin, hindi ko lubusang maiguhit sa aking isipan kung ano nga ba ang magiging itsura ng mundo kung wala ang araw. Siguradong lahat tayo ay magkakapaan sa dilim at tiyak na hindi na natin alam kung ano ang ating gagawin. Isa pa, hindi na natin makikita ang tunay na halaga ng bawat bagay dito sa mundo.

Napakahusay ng Panginoon sapagkat nakagawa siya ng mga nilalang na makikinabang sa araw, at nagawa niya ang araw na nagbibigay pakinabang sa mga nilalang.

Bagamat unti-unti nang umuusbong ang makabagong teknolohiya, napakarami nang mas naging aktibo para makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Oo, malaki ang naitutulong nito sa mga tao ngayon ngunit baka pagdating ng napakatagal na panahon, labis mag-iiba na ang takbo ng mundo. Kaisipan ng karamihan ay naapektuhan na rin. Teknolohiya bago ang kalikasan?

Marami na akong nakikilalang mas pinipili na madiskubre nang lubusan ang makabagong teknolohiya kaysa sa mas bigyang-tuon ng pansin ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan. Ang iba kaseng materyales na ginagamit para makabuo ng mga bagong kagamitan ay syempre, sa kalikasan rin nanggagaling.

Kaya marapat lamang na matuto rin nilang palitan kung anuman yung kinuha nila para makapaglaan naman sila ng kaunting pagpapahalaga sa kanilang kapaligiran kahit papano, kasabay nito, sila rin ang makikinabang.

Nais kong pag-aralan ang kabuuang mga detalye't impormasyon, di lamang sa araw, bagkus ang buong kalawakan na rin. Ngunit hindi ko na nagawa pang makapagpatuloy sa pag-aaral, gustuhin ko mang makapagtapos, lubhang hindi kakayanin ng aking mga magulang na maibigay sa akin ang mga pangangailangan para sa eskwelahan. Maliit lamang ang aming pinagkakakitaan, ang aking ina ay walang permanenteng trabaho, kung ano-anong trabaho na lamang ang kaniyang pinapasukan. Samantalang ang aking ama ay matagal nang naparalisa magmula noong ako ay nakatapos sa elementarya.

Gustuhin ko mang magsikap at kumayod rin para tulungan ang aking ina, hindi ako makahanap ng tamang trabaho para sa akin. At kung mayroon man, napakaliit ng aking kikitain, kaya lagi kong napagpapasyahan na huwag na lamang. Ang nais ko ay magkaroon ng trabahong magsisilbing pangunahing pinagkukunan ng aming kabuhayan, at isa pa, trabahong lubos akong masisiyahan sapagkat sanay na ako at gamay ko na. At huli, nais ko na malaki ang sahod. Pano nga ba't magpapakiharap ka na rin lamang naman, bakit hindi pa ba doon sa mas kikita ka na at tiyak hindi ka pa magsisi, diba?

Sa loob ng dalawampu't apat na taong paninirahan ko sa mundong ito, kailanma'y hindi ako nagkaroon ng seryosong pagtingin sa isang babae. Lahat ng nagdaang babae sa tanang buhay ko, kung hindi man mabait, ay naku ho, hindi sa panlalait ngunit hindi naman sila kagandahan, napakareklamadora pa. Kaya nga ako'y pinagtatawanan na lamang ng aking mga kapinsanan sapagkat ako na lamang yata ang hindi pa nakakasungkit ng tamang babae na para talaga sa akin. Ang iba nama'y niloloko ako na tatandang binata raw ako tulad ng aking ibang tiyuhin. Noon ay wala naman ako masyadong isipin pagdating sa pag-ibig sapagkat pag-aaral nga aking mas pinaprayoridad, ngunit nang ako'y nahinto, nito lang ang nagkaroon ng sigasig para makahanap o di kaya'y makilala ang babaeng matagal ko nang makakasama sa mga natitirang sandali ng buhay ko.

Nais kong matagpuan na ang buwan na para sa akin. Ang buwan na paglalaanan ko ng liwanag ng aking pang-unawa at init ng aking pagmamahal. Ako ang magsisilbing araw niya na pagkukunan niya ng liwanag sa gabing siya naman ang magbibigay ng liwanag sa mundo. Nawa'y dumating na ang araw na ako na magsisilbing araw at siya na aking buwan ay magtatagpo na para bang isang eklipse. Isang pangyayaring nakasisira man ng paningin ngunit lubhang napakagandang pagmasdan. Magiging saksi ang nakararami sa pagtatagpo ng araw at ng buwan, magkaroon man ng digmaan sa kalawakan. Hindi man gugustuhin ng mga bituin, hindi man sang-ayon ang ibang mga planeta, makakatagpo rin ako ng magsisilbi kong Luna.

Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon