Chapter 7: Pagtatagpo ng mga Tinig

2 2 0
                                    

Ika-pitong Yugto: Pagtatagpo ng mga Tinig

Luna's POV

Enero 2, 1979
Bauan, Batangas

Nagdadalawang-isip pa ako kung makikipagkilala pa ako kay Sol. Nabighani kasi ako sa kaniya magmula noong maikwento sa akin ni Alona ang tungkol sa kaniya. Kinakabahan ako na sakaling makilala niya ako ay manghinayang lamang siya sa akin.

Kagigising pa lamang ng aking dalawang nakababatang kapatid na sina Argon at Alani. Kami naman ni Alona ay kanina pa nag-uusap sa hardin. Bumalik na kami sa loob ng tahanan nang magsimula nang uminit ang atmospera. Ngayon lang din kami nagkaroon ng mahabang usapan tungkol sa mga bagay-bagay. Ngunit ang paksang pinaka-pinagkwentuhan namin ay ang tungkol kay Sol. Hindi ko na naitago kay Alona ang aking interes para makilala si Sol. Nagbigay na din ako sa kaniya ng ilang katanungan para mapalagay na ang aking kyuryosidad. Nasagot naman niya ang iba, samantalang ang ilan ay wala pa rin siyang ideya kagaya ng pagtatanong ko kung may kasintaha na ba si Sol.

Inaya na ako ni Alona na tawagan si Sol sa aming telepono. Pinindot na ni Alona ang mga natatandaan niyang numero, hindi ko maipagkakailang kinakabahan ako. Habang naghihintay, umikot-ikot muna ako sa paligid ng buong kwarto ni Alona kung saan naroroon ang telepono naming dalawa. Mayroon akong personal na telepono ngunit nasira ito noong araw na dumaranas ako ng depresyon dahil sa hindi makontrol na emosyon.

Ilang sandali lamang, may sumagot na sa kabilang linya at saka pa lamang nagsalita si Alona;

"Hello?"

Napatigil muna kami ng ilang segundo bago tuluyang may tumugon sa bati nito;

("Sino po ito?") pabalik na tanong ng isang di ko kilalang tinig

"Ikaw ba 'to Sol?" ani Alona

("Opo ako nga. Alona, ikaw ba ito?") sambit ng isang lalaki sa kabilang linya, tiyak na si Sol na siguro ito

"Sol! Nais ko lamang kumustahin ka. Isang karangalan ang muli kitang makausap." wika ni Alona, bakas sa kaniyang mga labi ang di maitatagong kaligayahan

("A- a- ayos lang naman ako. Kakauwi ko pa lamang galing sa handaan.") tugon ni Sol

"'Di ba kahapon ka pa naroroon?" tanong ni Alona

("A- do- doon na ako na.... nagapagabi.") utal-utal na wika ni Sol

"Tila nauutal ka sa mga salita mo. May problema ba?" sambit ni Alona

(" A... malamig lang kasi dito. Teka, nariyan ba si Luna? Nais ko lamang siyang makausap, iyon ay kung pwede lamang sa kaniya, maging sa'yo.") ani Sol

"A- s- sige, Luna! Halika! Nais ka raw makausap ni Sol." tawag ni Alona sabay higit sa akin

"Aaaa.... sandali lamang, nahihiya ako." mahinhing wika ko

"Huwag ka nang umarte, kausapin mo na." tinulak niya ako sa may telepono at iniabot ito sa akin

Hindi muna ako nakapagsalita ng ilang saglit. Kaya naman si Sol na ang kumibo at nagpabasag ng aking katahimikan;

("Luna?") pagbanggit ni Sol sa aking ngalan

"Kum- kumusta So-l?...." bahagya pa rin akong nanginginig sa kaba at hiya

("Mabuti naman. Matagal na kitang nais makausap. Salamat sa pagkakataong ito na pumayag kang makipag-usap sa akin.")

"Ah... salamat nga pala at natagpuan mo pa itong blusa't pitaka ko." sambit ko

("Walang anuman iyon. Luna, nais ko pa sanang makilala ka pang husto. Napakaganda ng tinig mo, tiyak akong napakaganda mo din sa personal.") aniya't natameme na lamang ako

Solunasam [Eclipse: Digmaan sa Kalawakan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon