After one decade, here we go.
And..sorry sorry for some misspelled words. I'm too lazy to reedit peeps!
@IamSese03 lods
BIANCA
Yung ngiti ko after ng sayaw namin is a real smile kasi I'm happy na finally I can let go some burdens na gumugulo sa isip ko.
Automatic ding nawala yung ngiti ko pagbaba namin ng stage.
Gusto pa kaming kausapin ng mga ka grupo namin pero nagmadali na akong umalis. Bahala na kung nabastusan sila or isipin nila masiyado naman akong nagmamaganda.
Gusto ko na lumayo agad sa lugar na to. Alam kong nabigla si Yumi sa nakita niya. I betrayed her I know.
Ano na kayang mga iniisip niya ngayon? Baka minamurder na niya ako. Dasurve mo yan Bianca.
Paano pa kapag malaman niyang ako si Bianca aka Pau slash cakes? Magkukusa na ata akong maghukay ng libingan ko.
Hoy Bianca Marie......hoy tang ina teka naman. Fatima.
Sige tawagin mo pa akong Bianca. Mas binilisan ko pang maglakad, halos tumakbo na nga ako para makarating na agad ako sa sasakyan ko.
Naririnig ko na yung pagtawag for closing remarks keme.
Hindi ko talaga hinintay si Fatima, sunod na lang siya. Isa lang naman ang gusto kong puntahan sa ganitong moment.
Pagpasok ko sa car agad ko ng pinaandar. Hinintay kong makapasok si Fatima sa car niya bago ako nag drive paalis ng car park.
I open my window, gusto kong maramdaman yung hampas ng hangin sa mukha ko habang nagdadrive ako.
Hindi naman ganun ka bilis yung takbo ng sasakyan ko pero bakit ang layo naman ng agwat ng Fatima? Baka inaantok na yan tssss sana di nalang pala siya sumunod at baka mapano pa siya.
Umikot na ako sa private road papunta sa gusto kong puntahan. Opo pupunta ako sa lugar kung saan parang naging first date namin ni Yumi under the night sky.
I park my car sa usual na pinagpaparkan ko. Binaba ko na yung roof ng car ko then inayos yung upuan para kita ko na ang mga stars.
I wanna see the fireflies too kaso mas gusto ko nalang tumingala at pagmasdan ang mga bituin.
Narinig ko ng nag park si Fatima pero di ko siya nilingon.
Alam naman niyan na kapag dito ako pumunta gusto ko ng katahimikan. I wanna rest my mind in everything. I wanna rest my heart too hurt is too much to handle men.
Di ko na din alam anong next na plan ko now that nalaman niyang si Pau ay si cakes.
Ano na bang dapat kong gawin? Lulubog na lang ba ulet ako tapos maging Bianca nalang ako forever hanggang malaman niyang iisang tao lang yung nagkakagusto sa kanya?
Mas masasaktan ko naman siya habang tumatagal. Do I need to come clean na? Magpapakilala na ako? Pero handa nga ba ako sa kahihinatnan?
Baka walang wala na talagang matirang tiwala niya sa akin.
Lord pwedeng sunduin mo nalang ako? Willing na akong sumama oh. Please, kawawa ako oh.
Bigla nawala yung pagsesenti ko dahil sa narinig kong tunog ng pagbukas ng chips at soda.
Nilingon ko si Fatima, gusto ko ng matawa sa guilty reaction niya.
Okay wala akong energy para magalit. Food is life yan eh. Buti at may baon siya nang di siya magutom sa pagsama sa akin dito.
BINABASA MO ANG
So It's You
Fiksi UmumDespite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be with you.
