Matapos ang gabi ng pag-amin ng binata sa kanya at paglalahad niya ng parehong nararamdaman dito ay hindi na ito nawala sa isip ni Penelope. Mabuti na lamang at Sabado ang sumunod na araw, dahil hindi agad ito nakatulog sa nagdaang gabi.
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman nito—paninibago, saya, kilig. Hindi niya mawari kung ano ang uunahin. Kaya kahit na pagod ang kanyang katawan, nakahiga at nakatitig sa bubong ng kanyang kwarto, ay para namang lumilipad ang kanyang isip.
Her mind wanders, thinking of all the possibilities and what could happen next.
Hanggang sa naisip niya kung magiging sapat ba. Paano kung kulang siya, paano naman kung sobra?
Akala niya handa siya.
Pero doon nagkakamali si Penelope.
Dahil takot parin pala siya. Takot na baka kung hindi sapat ang maibigay niya—kulang man o labis—ay mawala sa kanya kung ano man ang meron na sa kanila.
At ang takot na iyon ang nag-udyok sa kanyang umiwas sa lalaking hindi alam ang dahilan kung bakit. Ang dati nilang matagalang pag-uusap sa chat o text ay napalitan ng simple nalang na pagkakamustahan. Ang mga oras na nagkakasalubong sila sa Uni at nagdadaldalan tungkol sa mga ganap nila ay napalitan ng simpleng tanguan. At ngayon ang ika-limang araw mula ng gabing iyon.
Ang pagkakaalam naman ni Jeron ay busy ang dalaga dahil sa hectic ang schedule ng mga klase nito. Papalapit na ang exams at parte pa si Penelope ng officers ng kanilang department. Pero kahit hindi sabihin ng dalaga, hindi naman ganun ka manhid si Jeron para hindi malaman na naiilang at naninibago siya.
Ngunit kahit na ganon ay hindi naman ibig sabihin ay wala rin itong ginagawa. Nag-iiwan ang binata ng kape sa may locker ng dalaga, na hindi naman maipagkakailang nakakapagpa-galak dito. Sapat na para kay Jeron ang makitang kinukuha ito ng dalaga at napapangiti si Penelope habang patagong nagmamasid si Jeron mula sa malayo.
Naiintindihan niya naman. Bahagya rin naman na niyang inasahan ang reaksyon na iyon mula sa dalaga. At gaya ng sinabi niya kay Penelope noong isang gabi, hindi siya nagmamadali.
...
Tumunog ang telepono sa loob ng office ng Civil Engineering Circle.
Pumasok si Jeron sa opisina. Wala na itong pang-hapong klase sa kanyang schedule at dala-dala ang isang envelope na ipinadala ng isa sa kanyang mga guro at nakipag-usap sa kanyang kilala na parte rin ng officers. Si Yosef Liu. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay in-interrupt sila ng babaeng sumagot sa tawag.
"Alam mo ba kung nasaan si Rep?" Tanong nito kay Yosef, habang si Jeron ay nakatayo lamang sa kanyang posisyon.
"Rep naman tawag mo sa lahat ng year representatives. Sino ba dun?"
"Si Penelope, yung kasama mo as 2nd year rep."
Nawaglit naman ang atensyon ni Jeron nang marinig ang pangalan ng dalaga.
"Wala na rin kaming class ngayon e, may symposium si Miss. Bakit daw?" Tanong ni Yosef na nasa likod parin ng table.
"Feeling ko yung kapatid niya to. Taga Montessa na daycare tapos mags-start na daw yung event nila ng 1 pm. E quarter to 1 na?" Sagot ng babae. "Nagtry siyang tumawag kay Penelope pero hindi raw sumasagot so dito na siya tumawag since nandito naman siya kung wala siyang klase o ibang ganap."
"Alam ko baka by this hour nasa library yun. Kung hindi naman, baka umuwi na. Pero mostly kasi sa library siya."
Naalala ni Jeron ang narinig niyang usapan ni Penelope at Zeke noong birthday ng dalaga.
"My school's family day is on wednesday next week. You're going to come, right?"
"Puntahan ko nalang si Penelope sa library." Ani Jeron at nagtungo na palabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Penny and Aries
Short StoryDati pa man ay naniniwala na si Penelope na ang kinalalabasan ng mga bagay bagay sa buhay natin ay resulta ng mga sarili nating gawain. Na tayo ang may kontrol ng mga sarili nating buhay at kailangan nating panindigan ang bunga nito. Ngunit nung nak...