Pang-apat na araw na nila Jeron sa El Cuervo ngayon. Ngunit para sa kanilang dalawa ni Penelope, madali lang ang pagdaan ng mga araw. Dalawang araw nalang rin ay uuwi na sila ni Soren at Eric mula doon.
Sa mga nagdaang araw rin ay in-enjoy ni Penelope ang kanyang oras na walang ibang iniisip tungkol sa eskwela, kaya mas marami na rin siyang oras para gawin ang mga bagay na gusto niya.
Ngunit sa mga oras na naiisip niya si Jeron na nagbabakasyon kasama ang mga pinsan niya, 'di niya maipaliwanag ang minsan niyang nararamdaman. Mula nga rin naman nang makilala niya ang binata ay palagi silang nagkikita sa campus at kahit sa labas ng campus hanggang sa maging sila. Ito ang unang beses na malayo sila sa isa't isa, kaya inisip nalang niya na baka naninibago lang siya.
Minsan ay napapailing siya't bahagyang natatawa sa sarili. Iba nga naman ang nagagawa ng pag-ibig. Para namang 'di sila gabi-gabi ring nag-uusap kung makapag-alala siya.
"Next month marks the first year na nagkakilala tayo, 'di ba?"
"Yas," sagot ni Penelope habang tinutupi ang iilang mga damit na nasa kanyang kama. "Wow, ang detailed mo naman?"
Nabaling ang tingin ng dalaga sa cellphone niya na nasa harap niya. Nakatingin lang rin sa kanya si Jeron na hawak ang kanyang cellphone habang nakahiga sa kanilang kama kung saan sila nagstay.
"Siyempre naman. Next month, one year since we met and then in four months, anniversary natin." He said, grinning.
'Di kalaunan ay may pumasok sa kwarto nila Jeron, mga boses ring nagtatawanan ay rinig.
"Uy Jeron, tingnan mo 'tong tangang 'to. Nahulog sa kanal kila Manang Itas." Muling nagtawanan ang mga boses, at kasama na si Jeron doon.
"Kasalanan ko ba kasing 'di kita yung butas dun."
"Si Soren ba 'yun?" tanong ni Penelope na tinanguan ni Jeron. Iniharap niya ang cellphone sa kanyang mga pinsan at natawa ito sa itsura ni Soren na may putik pa hanggang sa shorts na patuloy ring pinagtatawanan ng mga pinsan niya.
"Ay nga pala, 'di ko pa napapakilala sa 'yo si Lloyd."
"Hi Penelope!" Wala pa man din ay rinig na nito ang masiglang bati ng binata. Tumabi ito kay Jeron at nakangiting hinarap si Penelope. Kayumanggi ang balat nito at kita ang mga nunal sa kanyang mukha, habang brown ang kanyang buhok. "So ikaw ang nabingwit ni Jeron."
Malakas agad itong binatukan ni Jeron at napailing na lamang si Penelope. Pangalawang rinig na niya sa ganoong biro, puro pa galing sa pinsan niya kaya nasabi niyang puro ito maloko. Magulo man minsan, pero there are no dull moments with them.
"Kaya walang nagkakagusto sa 'yo Derek."
"Desisyon ka rin ah." Derek rolled his eyes at his cousin and focused at her. "Penelope, may kilala ka bang mga chix?"
Binatukan siya muli ni Jeron na dahilan para mas matawa si Penelope.
"Nako, taken na mga kakilala ko sa org eh. Pero si Jeron, maraming fans na lumalapit diyan. Siya nalang tanungin mo."
"Hala wala naman?"
"Ay usapang magjowa na 'yan. Bye na alis na 'ko." Rason ni Lloyd at dumukot ng isang bag ng chips mula sa gilid.
"Uy, walang lumalapit sa 'kin sa school, Penny." Saad ni Jeron kay Penelope na tinatago ang kanyang tawa.
"Sabi mo eh."
"Wala talaga, promise."
"O ba't parang magre-recite ka na ng panatang makabayan?" Sabat ni Lloyd na sinamaan ng tingin ni Jeron.
BINABASA MO ANG
Penny and Aries
Short StoryDati pa man ay naniniwala na si Penelope na ang kinalalabasan ng mga bagay bagay sa buhay natin ay resulta ng mga sarili nating gawain. Na tayo ang may kontrol ng mga sarili nating buhay at kailangan nating panindigan ang bunga nito. Ngunit nung nak...