Chapter Eleven: Never Not

14 2 0
                                    

They all woke up early the next morning, like they usually do. After eating breakfast together and spending a little time in the veranda, feeling the fresh air just by the sea before the sun went higher, they each went to run their own errands for the day.

"Ito ganito, tama na ba tong ginagawa ko?" pinakita ni Teresa ang kanyang nagawa sa kanyang asawa na ineksamina ito bago bahagyang tumango.

"Tama naman, pero mas higpitan mo pa para mas matibay ang kapit," pagi-instruct nito sa kanya na ipinakita kung paano ito gawin ng tama.

Kasalukuyang nasa ilalim ng isang puno ng niyog nakaupo si Jeron, kasama ang kanyang mga magulang na tinutulungan niyang magtahi ng lambat. Focused itong nakatutok sa kanyang sikohan (tool used para sa pananahi ng lambat), sinisigurong tama ang kanyang pagkakatahi dahil matagal na rin niyang hindi ito nagawa.

Noong bata pa lamang ito ay nagsimula na siyang matuto sa mga gawaing pangpangisdaan, gawa na rin ng ginagawa rin ito nila Claire at Eric. Nung una ay ayaw ng tatay nitong makisali si Aries sa tuwing siya'y nagtatrabaho dahil masyado itong matanong, ngunit nung nakita niya ang interes sa anak mula pa nung bata siya ay napagtanto nitong gusto niya talagang matuto.

Jeron let out a small chuckle when they heard his Loli giggling not so far away from them. Kasama nito si Penelope na nakaupo sa isang lantay na mahabang upuan sa ilalim rin ng isang malaking puno para hindi sila mainitan, at sa tabi niya ay ang kanyang asawa na si Nilo na nagpapahangin rin.

"Tuwang-tuwa si Inay kay Penelope ah," nakangising tugon ni Richard sa kanyang mag-ina na sinang-ayunan naman ng kanyang asawa.

"Totoo. Magaan din ang loob ni Tatay sa kanya," saad ni Teresa na nakita rin kung gaano ka sigla ang kanyang tatay kahapon nang makilala nito ang dalaga.

Napangiti si Jeron.

"Kabang-kaba nga po 'yan kahapon sa biyahe namin papunta dito eh." Jeron replied.

Kahapon bago sila makasakay sa bus ay tahimik lamang ang dalaga—di katulad ng 'pag sila'y nagkikita na agad itong nagdadaldal. Nung tinanong niya naman ito ay hindi agad ito sumagot, ngunit kalaunan ay sinabi rin ang rason, na kinakabahan siya dahil ito ang unang beses nilang magkita ng pamilya niya. Kahit kailan ay hindi pa rin sila nakausap ni Penelope, 'di katulad ni Jeron na nakilala na si Cheska nung birthday ng dalaga.

Habang nasa biyahe naman sila ay ilang beses kumain ng bubble gum si Penelope habang nakikinig ng mga kanta mula sa kanyang cellphone. Nangingiti naman itong pinagmasdan ni Jeron at in-assure na wala siyang dapat na ika-kaba dahil panigurado naman ay magugustuhan siya ng mga ito.

"Alagaan mo ng mabuti si Penelope, anak," saad ni Richard sa kanya. "Kakakilala lang namin sa kanya, pero nakikita naming mabuti siyang tao. Alam kong pinapahalagahan mo siya, at ganun din siya sa 'yo. Kaya 'wag na 'wag kang gagawa ng bagay na makakapagpasira sa tiwala niya."

"Kung hindi ay ako mismo ang kokotong sa 'yo," dagdag ni Teresa na mas seryoso ang tono kaysa kay Richard. "Alam mong gaano ka hindi gusto ng pamilya natin ang mga manloloko, Jeron. Pero hindi lang naman tungkol sa cheating ang tinutukoy namin. At may tiwala na rin naman kami sa 'yo na ta-tratuhin mo siya ng maayos, pero gusto lang rin naming magbigay sa inyo ng payo. Mas kilalanin niyo pa ang isa't isa, pero 'wag kayong magmadali. Kasi marami naman kayong oras at kung kayo man," tinignan nito ang kanyang anak na taimtim ring nakikinig sa kanya. "kayo talaga ang para sa isa't isa."

Bumalik sa pagtatahi ang kanyang mga magulang matapos tumango ni Jeron sa kanila. Tinignan nito si Penelope sa 'di kalayuan, na tumingin rin sa kanya maya-maya. Penelope waved at him the moment their eyes met while he gave her a tight smile.

"Pangako po."

"Binata na talaga ang Jenjen namin."

Natawa ang mag-anak sa sambit ni Teresa nang may malaking ngiti sa kanyang labi, na ginatungan rin naman ni Richard ng isang, "Dati rati lang tumatakbo ka rito ng walang suot, pero ngayon may girlfriend na."

Penny and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon