Chapter Three: Misconceptions

19 3 0
                                    

"Saan natin 'to ihahatid, 'nak?"

Kaka-andar pa lamang ng kanilang sasakyan mula sa C-Mart. Nang biglang muling nakatulog si Jeron kanina ay nagpatulong na si Penelope kay Mang Nestor na akayin ito. Kasalukuyang nasa backseat ang binata.

Na tulog na tulog parin.

"'Di ko po alam kung saan to nakatira eh. Check ko po yung I.D. niya," akmang kukunin na nito ang bag ni Jeron nang mapansin nitong ito ang nagsisilbing unan nito. Napansin naman ni Penelope ang malalim nitong eyebags nang masinagan ng ilaw mula sa labas ang mukha nito.

Umupo ng maayos ang dalaga nang magsalita si Mang Nestor. "Kung i-uwi na lang kaya muna natin siya sa bahay?"

"Okay lang po sa inyo?" Takang tanong ng dalaga.

"Hindi rin naman natin alam kung saan natin siya dapat ihatid. May mga bakante namang kwarto sa bahay ninyo 'di ba? Pwede naman siya doon sa kwarto katabi ng sa amin ni Minerva. Mahirap rin kasi kung gisingin natin to at pauwiin e masyado nang gabi. Baka kung ano pa ang mangyari," paliwanag ng lalake habang naka-focus parin sa pagmamaneho. "'Yon ay kung okay lang sa'yo."

May punto naman ito. Muling nabaling ang mata ni Penelope sa pigura ng binata sa likuran at kay Mang Nestor. Iwas na rin ito sa pahamak ng dis oras ng gabi. Naisip rin nitong ayaw na niyang mas maabala pa si Mang Nestor kung maghahanap at maghahanap pa sila kung tagasaan si Jeron.

Tumango ito at binuksan ang isang pakete ng tsokolate mula sa supot ng mga pinamili niya. "Sige po."

Muling tinignan ni Penelope ang binatang mahimbing parin na natutulog sa backseat. He looked peaceful, arms both crossed and wrapped around his own torso. Nang makarating sila sa bahay ay nagtulungan rin silang akayin ito tungo sa blangkong kwarto.

"Ang bigat mo Hercules," bulong niya dito nang lumabas na si Mang Nestor, bago mahinang tumawa at pinatay ang lampshade sa gilid ng kama.

...

Ilang minuto lagpas alas-siyete.

Mataas na ang sinag ng araw at hinarap ni Jeron ang kanyang katawan sa kabilang parte ng kama nung siya'y nasilaw sa sinag ng araw na pumasok mula sa bintana. Agad siyang napabalikwas nang mapansin niyang wala siya sa kanyang kwarto nang minulat niya ang kanyang mga mata.

"Aray," napahawak siya sa kanyang ulo sa sakit at mariing napapikit ng mata dala ng biglaan niyang pagbangon. "Hala, saan ba to?"

Nilibot ng binata ang kanyang mata sa kwartong hindi pamilyar na kanyang kinaroroonan bago siya magpasyang lumabas.

"Salamat dito, 'Nay! Oh Zeke, get your things upstairs para ma ready natin before you leave," malambing ngunit may awtoridad na sambit ni Penelope sa kanyang nakababatang kapatid.

Agad naman itong sinunod ng bata at pinagmasdan ng dalaga ang maliliit nitong mga binti paakyat ng hagdan hanggang ang mata nito'y nabaling sa binata na nakatayo sa tapat niya't kabilang dulo ng lamesa na siyang ikinagulat ni Penelope.

Nakatayo lang kasi ito at diretso na nakatingin sa kanya.

"'Wag ka ngang nambibigla!" Malakas na sambit ni Penelope.

Kumurap at bahagyang nanlaki ang mata ni Jeron. Pinagmasdan ni Penelope ang mukha nitong kakagising lang at medyo magulo pa ang buhok.

Napukaw ang atensyon ng dalawa nang pumasok mula sa likurang pinto ng bahay nila Penelope si Mang Nestor.

"Oh, gising ka na pala. Maupo ka," sabi nito na ginawa naman agad ng binata. Nasa magkabilang dulo ng dining table ang dalawa habang bumaling naman si Mang Nestor sa dalaga. "Nak, may mabilis lang akong aayusin sa likod ha, tawagin niyo na lang ako 'pag tapos na si Zeke."

Penny and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon