Epilogue: Bagong Simula

17 1 1
                                    

Unti-unti nang binabalot ng kulay asul, lila, at kahel ang langit nang nagsimula nang lumubog ang araw. Ikatlong araw na ni Penelope sa El Cuervo, lugar na ninais nilang puntahan dalawa ni Jeron dati.

Lugar kung saan rin binawi sa kanya ang binata.

Penelope looked at the sky in awe, its different colors reflecting in her eyes before taking a photograph of it using her polaroid camera.

Mag-isa si Penelope na nagliwaliw sa lugar sa nagdaang tatlong araw. Pinuntahan niya ang mga lugar na alam niyang magagandahan siya sa mga tanawin, mga kainan na alam niyang masasarapan siya sa pagkain. Ginawa ni Penelope ang mga bagay na iniisip niyang baka iyon ang mga ginagawa nila ni Jeron kung hindi naudlot ang kanilang magkasamang pagpunta.

Ngunit matapos ang tatlong araw na iyon, nagpasama siya sa pinsan ni Jeron na si Derek. Sinabi ng dalaga dito na nais niyang sumakay sa kayak at tignan ang paglubog ng araw, isa sa mga bagay na pareho nilang gusto ni Jeron.

Wala man si Jeron sa kanyang tabi, dala naman lagi ni Penelope ang isang maliit na litrato ng kasintahan na para na ring kasama niya ito kung saan man siya magpunta.

At ngayon habang papalubog ang araw, nasa pareho silang lugar kung saan naganap ang trahedyang nagdulot ng sakit sa kanila ilang buwan na rin ang nakalilipas. Ang kaibahan nga lang ay kalmado ang mga tubig, hindi tulad nung araw na iyon na parang bagyong sinalanta ang isang buhay na hindi na maibabalik.

At kahit na takot si Penelope sa malalim na tubig, kasalukuyan lamang kalmado ang kanyang puso.

"Penelope, dahan-dahan na tayong bumalik sa dalampasigan para hindi tayo maabutan ng dilim. Okay lang ba?"

Tumango naman ang dalaga. "Ah, sandali."

Hinugot nito ang isang basaging bote galing sa dala nitong ocean pack. Tinignan naman ni Derek ang hawak ng kaibigan at nagtataka itong tinignan.

"Ano 'yan?"

"Para kay Aries."

She said the words with a grin, at doon ay napagtanto rin ni Derek kung bakit nahulog dito ang pinsan niya. Bagama't alam niyang nandoon parin ang sakit, alam niyang sinusubukan ni Penelope na makabangon.

Bahagya nalang itong umiling at natawa. "Bawal 'yan, pero sige. Lusot ka dahil jowa ka ng pinsan ko."

Hinulog ni Penelope ang boteng hawak niya, kalahati ng laman nito ay may buhangin, kasama ang isang papel na nakarolyo.

Papel na naglalaman ng liham na nasulat niya noong nagdaang gabi sa balkonahe ng kwartong tinutuluyan niya sa lugar, habang tanaw ang buwan at rinig ang mga kuliglig, at habang nilalasap ang mahinang pagsimoy ng hangin na tinuturing niyang yakap ng kasintahan tuwing ito'y dadaan.

to my aries.

well, that was quick. i never knew you'd leave so soon. i should have known that those moments in our backyard was our last. that that video call with you that peaceful morning would be the last time i would ever see your smile. the last time i would hear you say my name. the last time i would hear you say 'i love you'. huli na pala 'yon, sana sinulit ko na. simple at tahimik lang 'yung buhay ko noon pero binulabog mo dahil lang sa sinita mong freshie. it was beautiful start, wasn't it? kung hindi dahil sa bulakbol na 'yon, hindi kita makikilala. hindi kita makakasama. hindi mamahalin. hindi rin siguro ako masasaktan ng ganito. pero worth it, aries. worth it ang sakit na 'to kasi ikaw ang dahilan.

bakit mo naman sineryoso 'yung sinabi mong 'mamamatay ako sa tubig'? naiwan tuloy akong mag-isa. mas lalo akong natakot sa tubig. kasi kahit alam kong mahal na mahal mo 'yon, 'yon rin ang dahilan kung bakit nawala ka sa'kin. kinuha ka niya sa'kin eh. paano ko pa ba siya magugustuhan? pero susubukan ko aries. susubukan kong mahalin ang bagay na mahal mo, at alam kong matututunan kong mahalin 'to. hindi man aabot ang sulat na 'to sa 'yo, dito ko pa rin 'to ilalagay sa tubig. isang bagay na mahal na mahal mo.

Penny and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon