Tumutulo na naman ang luha ko. Ang hirap pigilan eh.Sa tuwing dumadalaw ako sa puntod mo lagi na lang akong umiiyak, walang mintis.
Kasi ang sakit sakit na, alam kong hindi na pwede ang hinihiling ko pero paulit-ulit ko pa rin ito hinihiling.
Hinihiling na sana makasama pakita ng matagal, nasana hindi na lang nangyari ang pangyayari na iyon.
Ang daling sabihin na kaya kong mag move on pero, kapag ginagawa ko na... parang ang hirap na. Hindi ko kaya. Kasi sa tuwing pipikit ako, mukha mo ang nakikita ko.
Kung pwede lang sana dumilat na lang ang aking mata at huwag ng pumikit gagawin ko...hay! Ang hirap pala.
Wala na rin namang silbi ang buhay ko kung wala ka.Wala naman na akong pamilya at kaibigan. Kaya mas mabuti pang sundan na lang kita dyan
sa kabilang mundo. Doon sasaya ako...sasaya tayo.Kumuha ako ng blade sa aking bag at pwinesto ito sa aking palapulsuhan. Ito na siguro ang tamang oras mahigit isang buwan ako nagluksa.
"Handa na ako mahal ko,"kasabay ng mga katagang aking binitawan ang pag laslas ko ng aking pulsuhan.
Nag flash back sa aking isipan kung paano kami nagkakilala at ang mga araw na masaya pa kami.