"Jahairah, ano bang nangyayari sayo? Bakit mo ba ako hindi kinakausap? Kanina ka pa iwas ng iwas sa akin. Ano pang problema? May problema ba tayo?" ani Michael
Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Gusto kong sabihin sa kanyang 'walang tayo' ngunit namamaos na ako sa kakaiyak at lasing na rin ako. Bakit nga ba ako tinamaan ng ganito? Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo sa kanya pa ako nagkagusto?
"Alam mo wala ka namang kasalanan eh. Hindi ko rin alam bakit ako nagkakaganito. Hindi ka naman sobrang gwapo ah! Oo matalino ka't mabait" sambit ko na tila bulong nalang yun dahil namamaos na ako sa kakaiyak.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko marinig at bakit ka ba naglalasing? Sino na namang nag-away sayo gugulpihin ko!"
"Wala! Matulog ka na nga!" nilakasan ko na ang boses ko at pilit na itinataboy siya dahil 'pag di ko talaga mapigilan baka kinabukasan marami na naman akong problemang haharapin, hays.
"Sige na, share ka na! Dali!" sambit pa ni Michael habang papalapit ng papalapit ang mukha niya sa akin.
"Sabi ng wala eh, bakit ka ba lapit ng lapit sa akin? Umalis ka na nga!" iritado kong sambit.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka okay. Dito lang ako" sabay ngiti. Yung ngiting yun ang nagpahulog sa akin. That smile that brings butterfly to my stomach. No, the entire zoo.
"Hindi ka ba titigil? Kung ayaw mong umalis, eh di ako ang aalis!" galit kong sabi. Iniiwasan na nga kita dahil ayokong makasira ng relasyon. Lintek na pag-ibig!
Paalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko, bigla na namang umagos yung luhang pilit kong pinipigilan. Ang rupok naman ng mga luhang 'to saan ba 'to nagmana?
"Please Jah, sabihin mo na kung anong problema mo. Makikinig ako. Baka matulungan pa kita." nagsusumamong sambit ni Michael.
"Matulungan?" mapait akong ngumiti. "Paano mo ako matutulungan kung ikaw yung problema ko?! Ayoko na sanang pag-usapan 'to dahil mag momove-on na rin naman ako. Bakit naman sa dinami-dami ng tao sa mundo ikaw pa, ikaw pa na boyfriend ng bestfriend ko! Ikaw na kapatid ng boyfriend ko!" hingal na hingal na ako. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko pero bahala na bukas kung anong mangyayari.
"Hindi kita maintindihan" naguguluhang sambit ni Michael, tila ba hindi pa niya napoproseso ang lahat ng sinasabi ko.
"Oo, aaminin ko mahal na mahal kita pero alam kung di pwede eh. Alam kung may masasaktan tayo. Yung kaibigan ko, yung kapatid mo. Kaya umiiwas ako sayo, kaya ayokong makipag-usap sayo pero bakit pa kasi lapit ka ng lapit sa akin? Bakit Michael? Bakit? Kasalanan bang mahalin ka?" sambit ko. Iyak ako ng iyak hanggang sa naghihina na ako. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga salitang yun na tila ba mga ulan na bumuhos nalang.
Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil bigla nalang akong natumba at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Bang Mahalin Ka?
RomantiekJahairah and Vaniah were best friends. In everything, they always get along. Even though their respective habits are opposite, it did not hinder their friendship, not until they met Mike and Michael, the transferee twin brothers. When was it wrong...