Chapter Six
We entered mcdo, lumapit kami sa malaking screen doon para mag-punch ng order.
"Rice?"
"Yes."
I operated our orders. Nang makuha ko na iyong resibo inabutan ako ni Harry ng pera.
"Ako na,"
"No. Just let me pay."
Madaming tao kaya tinanggap ko nalang iyon. Pinaupo ko muna sya sa gilid dahil galing pa sya sa biyahe.
Agad din namang na-iserve ang orders namin. Pumihit ako paharap sa kanya. I saw him talking to some girl, umiling sya doon.
"Harry?"
"Excuse me miss, I need to go." He politely said.
Kinuha nya sa kamay ko ang hawak kong orders namin.
"She's asking for my number pero hindi ko binigay." Aniya sa gilid ko. "Inunahan ko na."
"Ayos lang,"
Pumara ako ng tricycle, pinauna nya ako sa loob bago sya sumunod.
"6th 11th po." Aniya. "Tama ba, Love?"
"Tama naman."
Umayos ako ng upo para makaupo din sya ng ayos.
"You okay there?"
I nodded and smiled.
Pagkababa namin sa street, dumaan kami sa bahay ni Auntie. Si Mike lang ang nandoon kaya iniwan ko na iyong para sa kanila.
"Boyfriend mo ate?" Tanong nya na sinuway ko agad.
"Yes. I'm Harry Zarsuelo."
"Mike. Kuya alagaan mo yan ha, tyaka nag aaral pa yan."
"I'll take care of her."
"Ate imported ba?"
"Mike!" Suway ko na talaga. Natawa si Mike at inamba ang high five kay Harry.
"Nice to meet you."
"Ikaw din, Kuya. Pakilala ka kay Mama."
"Where is she?"
"Trabaho, mamaya pa yun."
"Sa apartment lang kami."
Matagal akong tinitigan ni Mike bago sya tumango.
"Text mo ko, Ate."
Inaya ko na si Harry na maglakad uli papunta sa mismong apartment ko. He look tired now.
"Dito ka naglalakad lagi kapag kausap kita?"
"Oo, binigay ng Auntie ko itong apartment. Bayaran ko nalang daw kapag may trabaho na ako."
"I kinda missed here."
"Bakit nga kayo nag-migrate sa New York?"
"Nag divorce parents ko. Sa tatay ko ako sumama."
"Any regrets?"
"Wala naman. So far, maayos ako. Lalo na't nakilala kita."
Tinulak ko nang marahan iyong braso nya para lumiko sa gilid. Doon na kasi iyong gate ng bahay. Pumasok ako doon na sunod sya, nakasilip nga agad iyong kapitbahay namin.
"Harry?"
Huminto sya nang tinawag sya ni Ate Abby.
"You're here!"
"Ate Abs. Hi, long time."
Napatingin sa akin si Ate Abby bago ngumiti.
"I see that Cheska is your girlfriend huh? Alam na ba ni Tito Hulyo to?"
BINABASA MO ANG
A Latte In A Day (Coffee Series)
RomanceLong time relationship is not that easy, especially if you two decided to stop being committed dahil sa hindi pagkakaintindihan sa mga bagay. Masyadong na-overwhelemed at hindi inisip ang magiging resulta ng mga padalos dalos na desisyon. Paano nyo...
