Chapter Eight
Tinulak ko ang double doors ng tambayan namin after I texted Harry.
Vacant kami kaya pinili kong tumambay dito muna. Sumulyap ako sa loob hanggang sa balkonahe. I saw Sir standing there.
"Hi, Sir."
"Vacant ka din?"
Tumango ako at lumapit sa ref doon, kumuha ako ng bottled water.
"Ikaw sir?"
"I have this already."
Sinara ko iyon at naupo sa sofa doon.
"How are you?"
Tinagilid nya ang ulo sa akin.
"Okay lang sana."
"Everything happens for a reason, Sir."
Umupo sya sa harapan ko.
"Ikaw? Kamusta?"
Automatik na ngumiti ako. We'll I must say that I'm happy.
"Alam ko na ang sagot." Aniya. "That's good to know, Cheska."
"Parang nabibilisan lang ako. But all in all, okay naman."
"Ganyan talaga, kelangan mo lang makipagsabayan at i-enjoy ang lahat."
"I know..."
"Huwag mong isipin ang pwedeng mangyari in the future, iba iba ang pwedeng maging senario, atleast wala kang magiging what if's."
"Thank you, Sir."
"It takes two to tango, Cheska." Marahan nyang tinaas ang energy drink nya.
"Ikaw, Sir? How's your life with Emily?"
"I'm confused. I don't want to use her just because I thought I'm inlove with her."
"You need to let it all out, mahirap kapag kinikimkim mo ang lahat."
"I wanted to be happy, Cheska."
"Masaya ka naman sir diba?"
Hindi sya sumagot at pumikit lang. We've been friends since then, pero ang mas nakakausap nya sa ganitong problema ay si Carmela at Divina. Wala namang kaso, minsan nakapapag usap din naman kami ni Sir pero hindi iyong tipo na katulad nina Carmela.
Tinikom ko nalang ang bibig ko at kinutingting ang cellphone ko. I scroll on my facebook account, napadaan sa isang post about advertisement na kasali si Harry. Alam ko naman ito, sinabi nya sa akin.
Sabay kaming nagulat ni Sir nang tumunog ang cellphone ko. Nag peace sign ako sa kanya.
"Hey." I greeted.
"Where are you?"
"Tambayan." Inikot ko ang camera. Nahagip pa mga si Oliver. "Iyong kay Theo."
"Kayo lang dalawa?"
"Parehong vacant. Ikaw?"
"Isang stick ng sigarilyo, love. Nasa roof top ako."
"Isa lang yan. Hindi isang kaha?"
"Yeah." Sagot nya. "Love, can I join our team later?"
"San punta?"
"Birthday ni Maverick. He rented a bar and all of us are invited."
"Sige." Sagot ko agad. Tinaasan ako ng kilay ni Oliver. "Mag iingat at huwag pakalasing. Magdadrive ka ba?"
"I'll be hitching with Rich."
BINABASA MO ANG
A Latte In A Day (Coffee Series)
RomanceLong time relationship is not that easy, especially if you two decided to stop being committed dahil sa hindi pagkakaintindihan sa mga bagay. Masyadong na-overwhelemed at hindi inisip ang magiging resulta ng mga padalos dalos na desisyon. Paano nyo...