Epilogue (Part 2)

561 26 3
                                    

Epilogue

"Am I late already?" Tanong ko nang makalapit na.

Uno texted me, may painom daw sa bahay nila. Kakadating ko lang uli sa Pilipinas kahapon at gusto ko muna ng chill night kaya pumunta ako.

"Sana pero dahil may mga dala ka namang pagkain, hindi na." Sabi ni Theo, at tumango sa akin.

Nagtama iyong mata naming dalawa ni Cheska, I smiled and slip myself beside her.

"Hi," I greeted her.

Cheska hiccuped, "Hi."

Sumupil ang ngiti sa labi ko tuloy. We stared at each other, narinig namin ang pagtikhim ni Theo kaya umiwas sya ng tingin.

"Bagay kayo." Biglang sabi ni Archie. Sinipa sya ni Carmela. "Bakit? Nag-ko-comment lang eh."

I chuckled. "Tao kami," sabi ko. "Diba, Cheska?"

She awkwardly laughed. Damn, I am missing her everyday.

"Oo nga, tao kami."

"Ang corny." Si Avril.

"Ikaw na, Harry." Myra said.

Tinanggap ko naman iyong shot glass at uminom. Cheska shifted on her seat and just focus. Ang dami naming napagkwentuhan, pero okay na akong nakikita ko si Cheska ngayon.

"G ka ba, Harry?"

"I'll go." kibit balikat ko.

"Sure na yan ha?" Paninigurado ni Carmela.

Tumango ako. "Yup. I'll stay here longer."

"Buti pumayag si Tito Henry."

Naupo uli ako sa tabi ni Cheska, I just wanted to get closer to her.

"Ikaw? Sasama ka?" sabi ko bigla.

"Yup. Minsan lang, I'll file my leave."

"I mean, sa akin?" I tried hiding my smirk.

Binalingan nya ako. at kumunot pa ng bahagya ang noo, yes you heard me right.

"Huh?"

"Since they are already finish, gusto mo bang sumama sakin?" I was just teasing her.

"Saan?" tanong nya agad.

Umangat ang gilid ng labi ko. So sasama sya sa akin?

"Ibig kong sabihin.."

"Chicken and beer?" putol ko sa sasabihin nya.

"Now na?"

"Tapos na dito. I wanted to drink some more. Will that be okay?" kaswal kong sabi.

Pumalakpak na si Avril at tumayo na din sila.

"We'll go ahead! Thank you sa painom, Uno!"

"Walang problema." Uno shoot me a glare, ngumisi lang ako sa kanya.

Isa isa na kaming tumayo at nagpaalam kina Uno. Saktong paglabas namin nang may humintong Hummer Jeep sa labas. Bumaba doon ang isang lalaki, pamilyar sa akin.

"Nandito ba si Carmela?"

Why he's looking for my cousin? May utang ba si Carmela dito?

"Ay ako ba?"

Dahan dahang sabi ni Carmela nang makita ang naghahanap sa kanya. I looked at Cheska and fished out my key fob inside my pocket.

"Alis na kami."

I unlocked my car and titled my head on her side, luminga pa sya sa paligid bago lumakad palapit sa akin. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Oy! Jan ka na ba sasabay?"

A Latte In A Day (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon