Chapter Eleven
"Bakit?" Tanong ko agad sa kanya. I even cupped Harry's face. "Paano?"
"I can't stand it, Love. I wanted to hug you."
"Next week na ang graduation diba?"
He kissed my cheeks and smiled.
"Two days lang ako, kasabay ko si Uno pauwi."
Hindi na ako nahiyang yakapin sya.
"Where do you wanna go?"
"Mag-gogrocery kasi ako pero kain muna tayo." Tumango sya at hinawakan ang kamay ko. "Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tawag ko!"
He chucked and pressed his key fob.
"Actually, I was about to text you pero naisip kong isurprise ka nalang."
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan pumasok.
"Kay Uno?"
"Yeah, he lead me his car for this day."
"Pasabi, thank you."
Sinara nya ang pinto sa gilid ko at tumakbo sa kabila. Pinanuod ko syang gumalaw, pati pagstart ng makina.
"Yes, Love?"
"Namiss kita. Araw araw naman tayo magkausap, iba pa din kapag nahahawakan kita."
"Alright, babe. We only have two days for our real date."
Sabi ko sa may snr nalang kami kasi malapit din iyong metro doon. Pumayag naman sya agad. We ordered two slice of pizza.
"Ganitong ganito din iyong pizza dito. I'm quite surprise. Sabi ni Uno, pag nasa pilipinas ka, maliliit ang pagkain."
"Basher lang iyon."
Hinawakan nya ang likod ng baywang ko at ngumiti.
"Wala kang jetlag?"
"Tulog ako buong biyahe. Pagkalabas ko sa school, diretso airport ako."
"Anong sabi ng Dad mo?"
"He's fine with it. Wala naman syang magagawa at si Uno ang sumagot ng ticket ko." Ngumisi sya.
Umismid ako at nagsimula nang kumain. He started eating also, kumayat ang sauce sa panga nya kaya pinunasan ko iyon.
"Thank you, love." He whispered.
After we eat, dumiretso kami sa metro na nasa kabilang gilid lang ng snr. Nakatitig ako sa kamay naming magkahawak habang naglalakad.
"Madami din palang store dito?" He asked and squeeze my hand.
"Kokonti lang din, ang importante merong grocery."
Pumasok kami sa metro, he never let go of my hand. Pabor naman sa akin, sya na din ang pinagtulak ko nang push cart. Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang mga delata doon.
"This is for your stocks, right?"
"Ah, oo. Nagbigay kasi si Mama nang allowance ko." Pagbaling ko sa kanya, mataman na syang nakatitig sa akin. "Baka may gusto ka?"
"Ikaw lang gusto ko."
Umirap ako at nilapag na sa cart ang mga napili ko. Konti lang naman iyon.
"Pwede ko na bang ipakilala ang sarili ko sa mga magulang mo?"
"Gusto mo?"
He nodded. "Well, kung pwede?"
"Pwede naman, Harry." I wrinkled my nose. "Kaso pagkatapos nalang ng graduation mo."
BINABASA MO ANG
A Latte In A Day (Coffee Series)
RomanceLong time relationship is not that easy, especially if you two decided to stop being committed dahil sa hindi pagkakaintindihan sa mga bagay. Masyadong na-overwhelemed at hindi inisip ang magiging resulta ng mga padalos dalos na desisyon. Paano nyo...