Chapter Sixteen

287 12 0
                                    

Chapter Sixteen

As soon as we entered our house, dumiretso kami sa kusina. The table were all set up. I smiled at Harry, umupo na kaming lahat.

"Harry Zarsuelo ka, hijo?" Papa asked.

"Yes, Sir."

"Nag aaral ka pa na hijo?" Si Mama.

"I just graduated po. And I'm training at my Dad's company."

"Saan kayo nagkakilala?" Si Papa naman.

"We met online po and don't worry, niligawan ko po si Frencheska. I have no other intentions to your daughter, Sir. I respect her and will stick being her boyfriend." Tumikhim sya. "Alam ko po na hindi nyo pa ako gaanong kilala pero I assure you po na nasa tamang tao si Frencheska, if I did hurt her, I knew for myself that both of us is not perfect."

Ngumiti si Mama sa sinabi ni Harry. Papa just nodded. Inabot ni Harry iyong kamay ko kaya ngumiti ako.

Inasikaso ko sya sa pagkain. Kung masarap magluto si Auntie, mas masarap magluto ang Mama ko.

Madami pang tinanong sina Papa, marahan at dama ang respeto sa bawat sagot ni Harry. Ngumiti ako.

"You cooked good also, Tita. Para pong si Auntie."

"Oh, nakilala mo na si Claire?"

"Oo, Ma. They clicked."

"Bakit ngayon mo lang pinakilala yan samin?"

"Ma, pinakilala sya thru online diba?"

"Ay oo nga pala. Pasensya ka na hijo, tumatanda na kasi ako."

"No big deal po."

After we finish eating, ako ang nagpresintang maghugas pero sabi ni Mama, sya na daw. Nilapitan ko si Harry at inaya sa balkonahe doon.

"Maliit lang iyong bahay namin. Sakto sa aming tatlo."

"I'm not saying anything, love."

"Kamusta naman?"

"Your parents were cool. Seryoso lang ng tatay mo."

"Like your Dad. Hindi ko pa naman sya personal na nakikilala talaga pero ang intimidating ng aura."

"He's always like that. Kaya siguro naghiwalay sila ni Mommy at isang anak lang ako."

I hugged him on his side, pinulupot naman nya ang braso nya sa akin. Sa malayong banda, nakita ko ang pagbaba ni Vanilla sa tricycle. Kumaway ako sa kanya.

"Vani!"

Kumindat sya at pumasok na sa loob. Hinila ko si Harry doon para ipakilala kay Vani.

"Hi Twinny! This is Harry Zarsuelo."

"Hi. Vani Vargas."

They shooked their hands. Pinanlakihan ako ng mata ni Vani. Binati nya sina Mama sa kusina, sumunod ako doon. Harry stayed at the sala.

"Kumain ka na."

"Namiss ko luto ni Mama."

Tulad nang dati, inasikaso sya ni Mama. Well, Mama never failed to do this to us. Bata palang kami, alagang alaga na nya kami.

"Ma. Thank you."

"Hihintayin ko nalang kung sino mauunang ikasal."

"Ay, syempre si Cheska." Turo sa akin ni Vani.

"Baka ikaw."

I excused myself to them. Nahinto ako nang makitang nag uusap si Papa at Harry sa sala. Tinapik ni Papa ang balikat ni Harry kaya tumikhim ako.

A Latte In A Day (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon