Chapter 13

2K 51 1
                                    

Chapter 13

Napangiti ako ng halikan ako sa noo ni Ryx ng palagi niyang ginagawa noong mga bata pa kami.

“You must be tired, you should rest now.” aniya at tumatango-tango sa akin.

Natapos na ang party at nag-uwian na din ang mga bisita. Sila Amanda ay tumuloy sa hotel ng Demoure, bukas sila bibiyahe pabalik sa Manila.

“Sige, goodnight.”

“Goodnight.” He nodded softly.

Pumasok na ko sa loob ng silid ko at sinarado ang pinto hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.

Kinabukasan ay kahit pagod dahil sa party ay maaga akong nagising.

Si Ryx at Trek lang ang naabutan ko ng magtungo ako sa kusina para mag-almusal.

“Avs, you’re up!” Trek smiled and nodded.

“Ah, oo. Sila tita?” tanong ko at tinignan silang pareho ni Ryx.

Ryx seems busy while staring at his phone, nakakunot ang noo nito at inabot ang tasa ng kape at sumimsim doon.

“They’re still sleeping.” sagot ni Trek na napalingon na din kay Ryx dahil nakita niyang nagtagal ang tingin ko sa kuya niya.

It’s just six in the morning.

“He’s busy. Nagkaroon kasi ng problema sa isang construction under the Stallix's supervision. He needs to go and see that site.” Si Trek ang nagpaliwanag.

“Ganoon ba.” tumango ako at naupo na.

I was about to reach the bread when someone get it for me. Si Ryx. He served me a plate and put it in front of me.

“Manang.” He called the maid. “Hot chocolate for Avresia.”he ordered.

Agad na tumalima ang kasambahay sa utos ni Ryx.

“How’s your sleep?” tanong niya na ngayon ay sa akin na nakabaling.

“Ah, ayos lang.” sagot ko. “Ikaw?” I asked him.

“I’m fine. I’ll go to Manila today, but I’ll be back later.”

“S-sige. Dito lang ako ngayon sa mansion buong araw.” I told him.

Tumango siya.” I’ll call you when I get back to Manila.”

“Okay, ingat ka.”

After breakfast Ryx leave the mansion. Maaga itong umalis para maaga rin siyang makabalik.

“Avs.”

Napalingon ako kay Jack ng tawagin ako nito. I don’t have plan for today at mukhang hindi din maganda ang panahon ngayong araw kaya dito na lang ako sa mansion, mabuti na lang at kanina pa nakaalis ng Caligtan si Ryx. I decided to watch one punch man since I haven’t finish watching the season 1 last episode last time. I don’t usually watch this kind of stuff pero noong nakita ko ang isa sa staff ng Imperial Entertainment na may pinapanuod I got curious and asked him the title of the anime. He said it was One Punch Man and I was surprised the first time I’ve  seen Saitama.

And it was fun to watch, lalo na kung kasama mong manuod si Jack at Ephraim na tutok na tutok sa pinapanuod namin.

“We’ve been wondering,”

I frowned.

“Is that an engagement ring?” Jack asked curiously, nakaturo pa ito sa suot kong singsing na ibinigay ni Ryx sa akin.

I’m wearing these for a week and a couple of days now pero ngayon lang nila itinanong ang tungkol sa singsing na suot ko.

“Nakaraan pa namin napansin na suot-suot mo iyan.” Jack said. “Noong nag-away kayo ni Ryx, paglabas mo nun suot mo na ang sing-sing na iyan. We wonder if that’s an engagement ring? Did Ryx proposed to you? We waited for the two of you to announced the proposal he did but a week had passed still no plans of telling us?” nakakunot ang noo niya.

Ryx Stallix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon