Chapter 28
Abala ako sa pagsasagot ng mga assignments ko at pagrereview dahil malapit na ang final exam namin. Hindi na din kami nagkikita ni Linda ng uwian nitong mga nakaraang araw dahil inilalaan namin ang oras sa pagrereview para sa nalalapit na pagsusulit namin. Sa susunod na enrollment ay grade 4 na ako.
"Avresia,"
Napatuwid ako ng marinig ko ang boses ni Ryx. Hindi ko namalayan na nakalapit na ito sa akin at nakatitig sa mukha ko. Base sa ayos nito, kararating palang nito sa mansion. Nakasukbit pa ang bag niya sa likuran niya.
Palagi kaming madalas na magkasama ni Ryx pero kahit na ganoon ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing malapit at magkasama kami ni Ryx ay hindi nawala. Mas lalo pa iyong lumalala. Pakiramda ko ay mapupugto na ang hininga ko dahil sa pagpipigil nun. Ryx dominates my whole being. Hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag pero nakakatakot siya. Siguro ay dahil nagmarka na sa akin ang unang naging pakikitungo niya sa akin noong unang beses akong dumating sa mansion.
He hates me.
"B-Bakit?" kinakabahang tanong ko at pasimpleng lumayo sa kaniya pagkatapos ay nagpatuloy ako sa pag-aaral ko.
"Maglalaro kami sa basketball court." aniya.
Natigilan ako at palihim na sumulyap sa kaniya pero hindi ako umimik.
Gusto kong sumama at manuod sa kanila kaya lang kailangan kong magreview at sagutan an assignments ko.
Napatili ako sa gulat ng bigla siyang sumalampak ng upo sa sahig katabi ko, nakita ko ang bag niya na nasa gilid.
"Nagrereview ka?" tanong niya. Kinuha niya ang notebook ko na sinasagutan ko kanina. "Assignment? This is easy." aniya na tila sarili ang kausap.
Two minutes. He was able to answered my assignment, he was fast and surely a genius.
"Gusto mong sumama sa akin?" tanong niya.
"H-Huh?"
"Tutulungan kitang magreview mamaya kaya hindi mo na kailangan problemahin iyon. At isa pa sa susunod na linggo pa naman ang exam niyo."
Ito na ang huling taon ni Ryx sa junior high. Sa susunod na pasukan ay grade 11 na ito at ang narinig ko na nag-uusap silang magpipinsan na STEM ang kukunin nilang kurso. Si Calder ay magra-grade 12 na sa susunod na pasukan. Samantalang sabay-sabay naman na magsesenior high si Ryx, Jack at Ephraim at pare-parehas na strand ang kukunin. Si Trek lang ang maiiwan sa junior high at sa susunod na pasukan ay grade 10 na ito.
"Wait me here. Magbibihis muna ako." sabi niya at tumayo na.
Akmang aakyat na siya ng tawagin ko kaya naman napahinto siya.
"Ryx!" I called him."Thank you!" I said thanking him.
Hindi siya kumibo at ilang segundong nakatitig lang sa akin maya-maya pa ay kumunot ang noo niya at walang pasabing pumihit patalikod, at malalaki ang hakbang na ginawa paakyat ng hagdan.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Siguro ay nagalit ito sa ginawa ko. Hindi ko ba dapat ito pasalamatan? But he did said he will help me to review? Kaya naman...
Hinintay ko siya sa dulo ng hagdanan at nang makita ko siyang pababa ay agad ko siyang kinawayan.
Huminto siya sa pagbaba at kumunot nanaman ang noo niya. Kaya naman ibinaba ko ang kamay ko at umayos ng pagkakatayo. Did I made him mad again?
"Alis na tayo." aniya ng makababa na ng tuluyan pagkatapos ay nilampasan na ako at nauna ng lumabas.
"Ryx, ang tagal mo naman?" salubong ni Calder ng dumating na kami sa court.
"Sinama mo si Avs?" nakangising tanong ni Jack Andres.
"Yeah." tipid na sagot ni Ryx.
"Naboboring ka na siguro sa mansion." Trek smiled at me.
Tipid na ngiti ang isinagot ko sa tanong niya.
"Dibale, Avs, magswiswimming tayo bukas." nakangiting sabi ni Ephraim.
Agad na nagliwanag ang mukha ko sa narinig at akmang tatapikin ni Ephraim ang balikat ko ng tabigin iyon ni Ryx. Nakita ng mga pinsan niya ang ginawa na iyon ni Ryx at tinaasan siya ng kilay ng mga ito na parang nahuli siya sa akto sa kung anong bagay.
Calder shook his head.
Makahulugang ngumiti naman si Ephraim kay Ryx na para bang may naintindihan. Trek just stared at his brother knowingly. Si Jack Andres naman ay malapad na ngumisi kay Ryx at bumaling sa akin.
"Avs!" he called me.
Nagtatanong akong tumingin sa kaniya.
"Mahilig ka magswimming diba, Avs?" tanong ni Jack Andres.
"Opo!" I answered.
"Tama na yan." Ryx interrupted us. "Magsisimula na ang laro." aniya sa kapatid at mga pinsan.
Pagkatapos ay sa akin naman bumaling kaya kinakabahang napalunok ako sa kaniya. Even though I wanted to avoid him I always ended up with him.
"May pagkain sa bag ko." He told
Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa bench. "Dito ka umupo. Manuod ka lang. Don't entertain any strangers, Avresia." bilin niya sa akin.
"Opo." Tumango ako.
The game started. Masasabi ko na madaming bagay na magaling at maalam si Ryx, isa na doon ang sports he's good at playing basketball kahit na hindi ko maintindihan ang rules at set-up ng laro na iyon ay alam kong magaling siya doon lalo na kapag humihiyaw ang mga manunuod kapag si Ryx ang may hawak ng bola at kapag naishoshoot iyon sa ring.
Hindi lang ito matalino, magaling din sa sports.
Nang matapos ang laro agad na nilapitan ng mga grupo ng babae ang team nila Ryx at inalok ng mga inumin samantalang nanatili lang ako sa bench at pinanunuod sila.
Madami ang lumapit sa kanila at binati sa pagkapanalo kahit na friendly match lang naman iyon. Taga ibang lugar ang dumayo para makipaglaro ng basketball sa kanila. Ito ang unang beses kong napanuod sila na may taga ibang team na kalaban, madalas kasi sila-silang magpipinsan lang ang nakikita kong naglalaro.
"Ryx, eto oh tubig." alok ng isang babae na ikinatigil ni Ryx sa paglalakad, umiling siya sa babae at nagpatuloy na sa paglalakad na sa tingin ko ang bench na kinauupuan ko ngayon ang tinatahak niya.
"Ryx, eto oh gatorade." may lumapit pa ulit ng babae dito.
Ryx looks pissed now.
"Ayoko." umiling siya at nilampasan na ang babae na parang natulala naman.
Huminto siya harapan ko at napatingala naman ako sa kaniya.
"Nauuhaw ako. Bili tayo ng maiinom doon sa malapit na tindahan." He said.
Pero...
Napatingin ako sa mga babaeng parang pinagsakluban ng langit ang mukha dahil hindi tinanggap ni Ryx ang mga dala nilang inumin.
"Ang daming nag-alok sa iyo k-kanina..." hindi ko napigilan na isatinig ang nasa isip ko.
"Tumayo ka na diyan. Tapos na ang laro kaya mauuna na tayo sa kanilang umuwi." Aniya at hindi pinansin ang sinabi ko.
He handed me juicy jelly at gatorade naman ang sa kaniya.
We walk together, silently. And I can hear a small sound of my heart beating.
BINABASA MO ANG
Ryx Stallix
RomanceRyx Stallix always known that Avresia Hidalgo is an off limits. Keeping his distance from her is what his mind telling him to do but then the more he tried to avoid her, the more things gets complicated and ended up him actually getting fuck up beca...