Chapter 40
"Valerie!" I shouted angrily when she throw away my ring in the ocean.
Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Valerie. Hindi ko din alam kung anong ginagawa niya sa engagement party namin gayong hindi naman siya imbitado dito.
Hindi na ko nagdalawang isip pa at sumisid sa dagat para hanapin ang singsing ko.
I was so frustrated ng maka-ilang sisid na ko at hindi ko pa din mahanap ang singsing. Muli akong umahon para mag-ipon ng hangin at muli nanan akong sumisid sa ilalim. Bukod sa madilim at ang tanging ilaw ko lang ay ang liwanag na nanggagaling sa buwan, malalaki din ang alon at nahihirapan akong lumangoy ng maayos dahil doon.
Nang muli akong umahon narinig ko ang nag-aalalang sigaw ni Ryx na nanggagaling sa dalampasigan. Doon ko lang napansin na malayo na pala ang nasisid ko.
"Avresia! Get back here!"
Napailing ako at muling bumalik sa pagsisid.
I have to find that ring! I can't lost it!
Dala ng frustration at pinaghalong galit ay napahagulgol na ako ng iyak.
But I didn't stop searching for it. I keep on searching for the ring as if my life depends on it.
Kahit wala akong makita at nahihirapang makakita sa ilalim ng dagat ay nagpatuloy pa din akong hanapin iyon.
Nagulat na lang ako ng may kung ano ang humawak sa magkabilaang balikat ko at sapilitan akong iniahon and I gasp for air.
"What do you think you're doing!?" galit na galit na tanong ni Ryx sa akin. Namumula ang mukha niya at nag-iigting ang panga habang titig na titig sa mukha ko.
"R-Ryx..." lost for words and my feelings are getting in the way I hug him and cried harder.
"I'm sorry I lost the ring." I cried even more.
"Halika na, umahon na tayo." aniya sa kalmadong boses na ikinapagtaka ko.
"P-pero..." I trailed off. Walang emosyon ang mukha ni Ryx nang bumaling sa akin ngayon kaya hindi na ako kumontra pa kahit na tutol ako sa pag-ahon namin. Binuhat niya ako at nagtuloy-tuloy papasok sa loob ng hotel. Agad na sinalubong kami ng tanong ng mga magulang, pinsan niya at ang mga bisita na nagtataka sa ayos ko ngayon.
"Oh My God! What happened to her, Ryx?" Tita Rea gasped, worriedly.
Lumapit ito sa amin para daluhan kami at ganoon na din ang iba na natigil pa ang kasiyahan dahil sa pagpasok namin ni Ryx na kapwa basang-basa.
"Is she alright?" muling tanong ni tita Rea at sinilip ang mukha ko at dahil ayokong makita nila ang itsura ko ay isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Ryx at mas isiniksik ang sarili sa pagkakabuhat at pagkakayakap niya sa akin.
"She's fine, ma. But I don't think we can continue this party." Ryx answered, sighing.
"It's okay. We can make another party, we can resched this. Don't worry about the guest and the party, ako ng bahala. Just make sure Avresia will be alright, anak." Tita Rea said.
Hindi ko na narinig na sumagot si Ryx at nagsimula na siyang maglakad habang buhat-buhat ako.
"I'm sorry." humihikbing hingi ng tawad ko. Hindi siya umimik at inilapag ako sa bathtub.
"S-saan ka pupunta?" tanong ko ng makitang palabas siya ng banyo.
Huminto siya at nilingon ako. "I'll be back, bababa lang ako sa party. Take a shower and wear something comfortable." he said. Then he left the bathroom.
BINABASA MO ANG
Ryx Stallix
RomanceRyx Stallix always known that Avresia Hidalgo is an off limits. Keeping his distance from her is what his mind telling him to do but then the more he tried to avoid her, the more things gets complicated and ended up him actually getting fuck up beca...